Kumatok ng tatlong beses si Steve sa pintuan. "Bakit mo sinabing magkasama tayo? Alam na ba nila ang tungkol sa 'kin?" tanong ni Lucy kay Steve na tinutukoy sina Leon at Rj na ngayon ay nahihintay sa loob ng kotse. "Yeah. Nasabi ko na sa kanila" seryosong sagot ni Steve at muling kumatok sa pintuan nang hindi pa ito nabubuksan. Nakarinig sila ng nagraramihang susi hanggang sa isa-isang tumunog na nabuksan ang mga kandado. "Ilang kandado ang mayroon sa pintuan na to?" takang tanong ni Lucy na kinakibit balikat ni Steve. "Gusto mo tingnan ko sa loob?" tanong ni Lucy na mabilis na kinailing ni Steve. "Bastos ang gawaing 'yan" sabi ni Steve at pinitik sa noo si Lucy. Napasimangot si Lucy at umirap nalang sa kanya. Sabay na nabaling ang tingin nila sa bumukas na pintuan. "Pasok kayo" mahi

