Chapter 3

943 Words
Natigilan si Lucy nang magtama ang mga mata nila ng lalaking nasa harapan niya. "Nakikita mo ako?" tanong niya sabay turo sa sarili niya. Mabilis namang umiwas ng tingin si Steve at nagkunwaring bumalik sa pagbabasa. "Oh. Hindi pala" dismayadong sabi ni Lucy. Napalunok naman ng laway si Steve at paulit-ulit na nagmura sa kanyang isipan. 'Multo! s**t! Multo nga siya! What the hell! Bakit nakakakita ako ng multo?? s**t! s**t! s**t!' "Alam mo ba na tatlong buwan na akong galang multo? Hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung ano pa ang ginagawa ko dito sa mundo. Wala akong ideya kung bakit nandito pa ako. Hindi ko alam kung may pinagsisihan ba ako bago ako namatay kaya nandito parin ako. Wala naman kasi akong maalala" malungkot na boses niyang sabi habang pinaglalaruan ang daliri niya. Muling napalunok ng laway si Steve at pinilit na mag pokus sa kanyang binabasa pero parang naging hindi pamilyar sa kanya ang mga letrang nasa libro dahil walang pumapasok sa utak niya dahil sa kaba. 'Multo nga! s**t! Anong gagawin ko? Bakit nakikita ko siya? Wala naman akong third eye para makita siya. s**t!' "Pwede ba kitang makausap tungkol sa sarili ko kahit na hindi mo ako nakikita at naririnig?" tanong ni Lucy sa kanya at tumingin sa mga mata ni Steve. Hindi naman naiwasan ni Steve na mapatingin 'din sa kanya dahilan kung bakit nabuhayan bigla si Lucy. "Hindi mo ba talaga ako nakikita?" takang tanong ni Lucy at tumayo sa pagkakaupo pagkatapos ay nilapit ang mukha niya kay Steve para pagmasdan niya ito ng mabuti. "Ikaw?!" mas lalo niyang nilapit ang mukha niya kay Steve nang maklaro ang lalaki. "Ikaw ang lalaki kahapon sa Park! Kaya pala magkapareho kayo ng pangalan dahil ikaw yon!" natutuwang sabi niya at nilayo na ang mukha niya sa lalaki. Napaubo naman si Steve at inayos ang antiparang suot niya. "Sabi na nga ba e! Nakikita mo ako!" malakas na sabi ni Lucy habang nakatingin kay Steve na ngayon ay tuluyan niyang binaon ang mukha niya sa librong hawak niya. "Tss. 'Wag ka ng magpanggap na hindi mo ako nakikita" sabay irap ni Lucy sa kanya at bumalik sa pagkakaupo sa harapan niya. "Ganito nalang. Itutuloy ko parin ang pagkuwento sayo tungkol sarili ko kahit na nagpapanggap kang hindi ako nakikita at naririnig." nakangiting sabi niya. Muling napamura si Steve sa kanyang isipan at sabay sabay na ang paglunok ng laway niya. Tumutulo na 'din ang pawis niya kahit na naka high volume ang aircon na nasa loob ng library. "Tulad ng sabi ko kanina ay tatlong buwan na akong galang multo. Hindi ko alam kung may hinahanap ba ako dahil wala naman akong natatandaan sa memorya ko noong nabubuhay pa ako. Tanging ang pangalang  Lucy ang alam ko. Hindi ako sigurado kong pangalan ko nga ba ito o hindi pero ginamit ko na itong pangalan ko. 'Yon nga, wala akong maalala sa sarili ko kaya nitong mga nakaraang araw ay naisip ko na baka kaya pa ako nandito sa mundong ito dahil mayroon talaga akong hinahanap at yon ay ang memorya ko. Ang talino ko noh?" Tuluyan na namang natigilan si Steve nang makita ang ngiti ni Lucy. Hindi niya napansin na nabaling na pala ang tingin niya sa kanya dahilan kung bakit mas lalong natuwa si Lucy at naniwalang nakikita siya ni Steve. "Sa tatlong buwan na lumipas ay hindi naging madali saakin ang lahat. Walang nakakakita at nakakarinig saakin. Ilang beses ko ng sinubukan na magparamdam sa kanila pero nauuwi naman sa wala. Palagi nilang binibigyan ng ibang kahulugan ang mga ginagawa ko. Tulad nalang ng sa tuwing hinuhulog ko ang mga gamit na nasa tabi ng mga target ko ay hindi nila binibigyan ng pansin. Palaging ang hangin ang iniisip nila na gumawa 'non kahit pa na walang bukas na bintana para makapasok ang hangin. Nakakawala ng gana. Nakakapagod pero ganon pa man ay natutuwa ako sa tuwing pinagt-tripan ko sila haha." patuloy niya habang inaalala ang mga taong sinubukan niyang magparamdam sa kanila. "Nakakatuwa sa tuwing nag-aaway sila dahil sa kalokohang ginawa ko. 'Yon lang yata ang nagpapasaya sa akin sa kabila ng lahat na nangyari saakin" binalik ni Steve ang tingin niya sa libro nang muli siyang tiningnan ni Lucy. "Pwede mo ba akong tulungan?" muling natigilan si Steve at nabitawan ang hawak niyang libro nang marinig ang malungkot na boses ni Lucy. "Tulungan mo akong maalala ang memoryang nawawala saakin ng sa ganon ay tuluyan akong manahimik sa mundong ito" sabi pa niya at hindi na nakayanan ni Steve ang nararamdaman niya ngayon. "Bakit ako?" lumabas na tanong ni Steve at mabilis 'ding nanlaki ang mga mata niya. 'What the heck Steve!' Bago pa makasagot si Lucy kay Steve ay naunahan siya ng bagong dating. "Anong ikaw Steve?" Sabay na nabaling ang tingin nilang dalawa kay Jake. "Steve?" tawag ni Jake sa kanya nang hindi nagsalita si Steve at nanlalaki parin ang mga mata niya na para bang nakakita siya ng multo kahit na sa totoo ay may katabi siyang multo. "A-Ah ano w-wala. Nabasa ko lang" sabi niya at pinakita kay Jake ang hawak niyang libro. Napatango naman si Jake sa kanya. "Tara na? Hinahanap ka na sa mansyon" sabi ni Jake dahilan kung bakit napatayo kaagad si Steve at naunang naglakad kay Jake palabas sa library. Naiwan namang nakakunot ng noo si Lucy habang hindi makapaniwala na iniwan siya ni Steve nang hindi manlang nag-iwan ng salita matapos niyang i-kuwento ang sarili niya. "Nagbabasa pala hah?" namuo ang ngiti sa kanyang labi at mabilis na lumabas sa library. "Tingnan natin kung hanggang kailan ka magpapanggap na hindi mo ako nakikita"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD