Andito kami sa mall ngayon ni Mama. Ang sabi niya ay mamimili raw kami ng mga regalo kina Mamita. Halos dalawang oras na kami rito ni kaiikot kung anong bibilhin AND take note hindi pa ako nakapagempake.
Kasi nga kakabagot dun.nakakawalang gana ..tsss.
Finally ay natapos rin sa pamimili ang nanay kong mabait kaya ayun dumiretso siya sa counter habang nagpaalam naman ako na pupunta muna sa food court at doon na lang siya kako hihintayin. Pumayag naman siya kaya bingyan niya ako ng pera .
"Kuya isang cup po nga ho ng takoyaki." Agad naman kumilos si Kuyang tiga Takoyaki at sin-erve ang in-order ko. Tiyempong pag lingon ko ay papunta sa gawi ko si mama tulak-tulak ang isang cart na puno ng mga pinamili namin.
Inaya na niya akong lumabas na agad ko namang sinunod. Pagkarating sa bahay ay iniwan na namin ang mga pinamili namin sa SUV na gagamitin namin ngayon. Nadatnan naming handang-handa na ang mga gamit nila sa salas nakabihis na rin sila papa at tita.
"Ally ba't wala jan ang mga gamit mo?" Tanong ni mama.
"H-hindi pa ho ako nakapag-empake ma" Utal na sagot ko. Kitang-kita ko 'yung umuusok na ilong ni mama dahil sa galit.
Eww baka may booger
At nagsimula na naman ang rap line ni mama.
Pasok sa YG! Celine Uy Diaz, main rapper!
Imbes na makinig sa pinagsasabi ni mama ay tumakbo na lang ako sa itaas para mag-impake. Mga damit, extrang foot wear, at gadgets lamang ang dinala ko at pilit ipinasok ang lahat ng iyon sa bag . Pagkatapos maghanda ay naabutan ko si Tita Mary sa salas at hinihintay ako. Pagkababa ko ay sinabayan na niya ako palabas. Ni-lock niya na rin ang pinto bago kami sabay na sumakay sa sasakyan. Si papa ang nag drive ng Venue Hyundai namin. As usual bago kami pumanhik ay sabay sabay muna kaming nagdasal for the safe travel and arrival.