"Hindi pa rin ba siya tumatawag?" tanong ko pagpasok ng office. Tinanggal ko na muna ang coat ko at niluwagan ang necktie bago ako umupo. Inabot ni Mr. Jay sa akin ang mga folder na kailangan kong pag-aralan at pirmahan. Napatigil ako bigla pagkatapos kong pirmahan ang dalawang folder at napatingin ako sa calendar nakapatong sa lamesa ko. Mahigit tatlong linggo na mula ng pumunta ang babaeng iyon dito sa opisina ko. Sa lumipas na mga araw ay hindi ako makapag-concentrate sa mga ginagawa ko. Katulad ngayon natigilan na naman ako dahil bigla ko na naman siya naalala. Kahit sa panaginip ko ay hindi rin siya maalis. Kung dati ay blurred ang mukha niya sa mga panaginip ko ngayon ay nakikita ko ng maliwanag ang imahe niya. Akala ko ay hindi ko na siya mapanaginipan pero mas naging madalas pa at

