Prologue

1160 Words
Ariana's POV *Pak!" Isang malakas na sampal ang gumising sa sarili kong diwa. Mabilis akong bumangon sa higaan ko 'saka ko nilingon ang taong may gawa nito. Tumambad sa akin ang malaking ngisi ni Amber habang may hawak na balde. Siya ang unang asawa ni Triton, siya ang mahal na mahal ni Triton, habang ako? Pambayad lang ako sa utang ng magulang ko. Lagi niya akong tinatrato ng ganito, miski si Triton ay sinasaktan din ako minsan. Sobrang sakit sakit na! Pero pinilit ko ang lahat para sa magulang ko at para sa batang nasa sinapupunan ko. I'm 8 weeks pregnant pero hindi ko sinabi kay Triton dahil ayokong malaman niya. Ayokong bumuti ang pakikitungo niya sa akin dahil sa anak ko. Kapag lumabas na itong anak ko? Sigurado akong ilalayo niya ito saakin. Pinakasalan ko lang naman siya dahil sa sampung milyong utang namin. Bibigyan ko daw siya ng anak, at pagkatapos? Maging malaya na ako. Pero hindi ko yata kaya ang ganu'n, na mawalay sa sarili kong anak. Hindi ako makakapayag! "Saan na ang mga test results mo sa hospital?" mataray na tanong ni Amber. Lumunok ako para iwasan ang galit. Hindi ko siya pwedeng saktan kahit na gustuhin ko man. Sinabi niya kay Triton na buntis siya kahit na ang totoo niyan ay hindi. Hindi niya mabibigyan ng anak si Triton dahil sa sakit niya. "Nasa cabinet ko," timping sagot ko sabay hawak sa tummy ko. Gagawin ko ang lahat para hindi makuha ni Amber ang anak ko. Tatakas ako sa mansyong ito! Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin. "Lagi mong ipapasok diyan sa kukote mo ang plano natin Aria, wag kang tatanga-tanga! Kundi ako mismo ang papatay sa magulang mo." mariin niyang sambit. Hawak niya na ngayon ang mga test results ko, ngayon ko lang ito binigay sa kaniya dahil kahapon, nalaman niyang nagsusuka ako. "Matagal na pala ito pero hindi mo agad sinabi sa akin? May plano ka bang tumakas sa deal Aria? Gusto mo ba talagang mamatay ang magulang mo?" "A-Ayoko!" Mabilis na sigaw ko. "Wag mong sabihin kay Triton na buntis ka, dapat ako lang ang buntis sa atin Aria! Kapag lumabas na ang batang iyan? Magiging akin 'yan! Tandaan mo ito lagi!" Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon? Lumabas siya ng kwarto ko habang dala-dala ang mga test results ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kusa na lamang itong tumulo. "Hindi niyo makukuha ang anak ko!" *** Pagkalipas ng limang minutong pamamalagi ko sa loob ng kwarto ko, nag pasya ako na lumabas muna. Naka ramdam na kasi ako ng gutom, ayaw ko namang gutomin ang anak ko. Dahan-dahan akong humakbang sa hagdan kaya lang? Naka salubong ko si Amber sa baba, taas kilay niya akong tinapunan ng tingin, mukhang may binabalak na naman ang gagang 'to. Pasalamat talaga siya! Pinaninindigan ko itong plano namin! "How are you feeling?" malumay na tanong niya sanhi ng pag kunot noo ko. "Bakit?" Ngumiti siya sa akin, kinuha niya ang isang kamay ko 'saka niya ito nilagay sa balikat niya. Kumunot pa lalo ang noo ko lalo na't nakikita ko ang saya sa mukha niya, ano na naman kaya ito? "Ano—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang umatras at nasangga niya ang mamahalin na vase ni Triton dito. Nanlaki ang mata ko, hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko. Nasa ere parin ang kamay ko. Oh my God! "Ano bang problema mo Aria! Gusto ko lang naman sabihin kay Triton na malusog ang anak namin! Bakit mo ako tinulak! Paano kung makunan ako?!" Iyak na lintanya dahilan nang pag atras ko. "A-Ano?" kinakabahan na tanong ko. "Sa—" "What the fvck did you do again this time Aria!" tila nanigas muli ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang galit na boses ni Triton. Hinawakan niya ako sa braso sabay tulak sa akin kaya't tumama ang likod ko sa hamba ng hagdan. Kinagat ko ang labi para pigilan ang sakit. Hold on baby. Naiiyak na rin ako! Hindi ko na kaya rito! Nilapitan ni Triton si Amber habang igting ang mga panga nito. Umiwas ako ng tingin, sobrang sakit ng likod ko. "Fvck! Are you okay?! How's our baby?" W-Wala kayong anak! Hindi ninyo makukuha sa akin ang anak ko! "H-Hindi ko—" "We'll talk later Aria." maiin na sabi ni Triton 'saka niya inalayan si Amber paakyat. Hindi ko siya sinagot sa halip ay lumabas ako ng mansyon habang may luha sa mga mata. Hindi ko na kaya! Ayoko ng manatili sa mansyon na ito! Gusto kong lumayo na, wala akong pakialam sa utang namin. But how about my parents? Paano kung papatayin nila ang magulang ko? "Ma'am!" hindi ko nilingon ang gwardiyang tumawag sa akin. Patuloy lang akong tumatakbo hanggang sa naka apak na ang mga paa ko sa labas ng mansyon. "Hindi niyo na ako makikita! Walang hiya kayo!" galit na untas ko. Lumabas ako ng subdivision, tinungo ko ang hallway. Uuwi na ako sa bahay namin, luluwas ako ng ibang bansa para takasan ang Alcazar na iyon, alam kong hindi niya ako titigilan! Pero kailangan ko na talagang lumayo ngayon. Tama na ang sakit! Ayoko na! Mag sama sila ng asawa niyang higad! Hindi ko kayo mapapatawad! Hinawakan ko ang pasa na natamo ko sa mga kamay ni Triton. Umigting ang panga ko dahil sa galit. "Hindi mo anak itong dinadala ko Frost Triton Alcazar," mahinang bulong ko. Umupo ako sa sementong upuan habang lumuluha. Hinding-hindi ko talaga ipakilala saiyo ang anak mo Triton! Tandaan mo ito! "You piece of s**t!" "Miss?" pansin ng isang lalaki pero hindi ako lumingon. Tangina! Ngayon lang ako naka labas ng mansyon, pakiramdam ko hinahabol ako ni kamatayan. "Miss?" tawag na naman niya sa akin. Lumunok ako, mabilis kong pinunasan ang luha ko. Binalingan ko siya ng tingin. "Anong kailangan mo?" Nanginginig na tanong ko. Kapag tumagal pa ako rito, paniguradong mahuhuli ako ni Triton. "I think you need my help?" ** Sa araw na iyon? Nakilala ko si Sedrex Roswell. Isa sa mga pinakamayaman dito sa bansa. Tinulungan niya akong tumakas, tinulungan niya rin ang pamilya ko na lumipad ng ibang bansa. Hindi ko sinabi kay Sedrex na may malaki kaming utang, tama na itong tulong niya ayoko ng dagdagan pa. Kaya't nagpapasalamat ako kay Sedrex, kung hindi dahil sa kaniya? Hindi ako makakalaya sa impernong mansyon na iyon. Mahal ko si Triton. Matagal na. Nuong mga bata pa lang kami, crush na crush ko na siya pero hindi ko inaasahan na masama pala siyang tao. Malaki na talaga ang pinagbago niya. "You'll be his Daddy Sedrex." ngiting usal ko habang hawak ang maliit na kamay ng anak ko. s**t! Naiiyak ako! Sobrang gwapo ng anak ko, may dimple siya sa kabilang pisnge. "Zack Frost Roswell." *** Fan na fan talaga ako ni Jack Frost kaya ganern ang name ni baby Frost kekeke. Happy reading! I changed the plot
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD