Cont... "Kapag nakita mo naman si Daddy Sedrex mo? Sabihin mong pumunta kayo ng States habang wala ako Zack, susunod ako sainyo anak, don't worry alright? Mommy will be fine Zack." Hinalikan ko muli siya sa noo. Pinikit ko ng mariin ang mga mata. Hindi 'to ang gusto ko para sa anak ko. Gusto kong mamuhay ng tahimik kasama siya pero sadyang mailap talaga ang tadhana, hindi niya kami binigyan ng payapang buhay. "Mommy...I'm scared...don't leave me..." "I won't leave you baby, trust me. Wag mong kalimutan ang sinabi ko saiyo." hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil ramdam ko na ang galit ni Triton sa labas. Kinakalampag niya na ang pinto, anytime ay masisira na ito. Sinara ko ang cabinet. Tinungo ko ang kama at nilabas ang baril na lagi kong katabi sa pag tulog ko. Hindi kasi ako m

