Chapter 60 Magkaiba ang nabubuhay ka para sa isang tao at sa kailangan mong mabuhay kasi kailangan ka niya. Iyon ang natutunan ko since Skylar came into my life. Sa ilang linggo pa lang naming magkasama ay mas marami na siyang binago sa buhay ko. Pagbabago na hindi ko inaasahan na magagawa ko pa. Is it because I was inspired? I don’t even know either. All I know is I am happy and thankful that I choose to live. Kakauwi pa lang namin ngayon ni Yanit mula sa palengke at saglit na pagdaan sa tiangge. Si Sky ay iniwan muna namin kay Dino na tuwang-tuwa naman dahil magkakaroon daw silang dalawa ng bonding time. Pagdating namin sa bahay ay nasa gate palang naririnig na namin ni Yanit ang malakas nitong pagkanta. Nang akyatin namin ito ni Yanit ay natawa nalang kaming pareho ng makita na

