NAGISING AKO na may ngiti sa labi. Hindi ko alam kung dahil sa panaginip ko o dahil nakatulog ako sa kalasingan ko. Kahit naliligo ay hindi mawala ang ngiti ko dahil sa panaginip na ‘yun. Nakakatuwa lang na kahit sa panaginip ay gumaganda ang araw ko kahit kahapon lang ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Mabuti nalang at sarado kami ngayon kaya walang problema kahit tanghali na ako nagising. Magdamag kaya akong nakipag s*x sa panaginip ko kaya nakakapagod ‘yun. Dios kinikilabutan ako mismo sa sobrang kalandian ko! Pagbaba ko ng sala ay naabutan ko si Savo kasama si Sam na tutok na tutok sa pinapanood nitong Cocomelon. Hinalikan ko lang siya sa pisngi bago ako dumiretso sa kusina at nasa pinto palang ako ay halos natigilan na ako dahil sa dalawang taong nakaupo doon sa gitna n

