SESENTA Y SEITE

2234 Words

Chapter 67  SAMARA  “Samara, baka naman gusto nating bilisan ano?” nakasimangot na lingon sa akin ni Yanit.  “Papalabas pa lang ako ng ospital. Pasyente ako te. Ipapaalala ko lang sa’yo,” ingos ko sa kanya bago kinuha ang bag ko sa gilid.  “Pasyente ka lang wag kang maarte. Kanina mo pang sinasabi na susunod ka na,” naiinis niya pa ring reklamo sa akin.  Sa sobrang inis niya siguro dahil ang tagal ko kumilos ay nilapitan niya ako at kinuha ang tungkod na nasa gilid ko at sinampay ako sa balikat niya. Mamaya pa ay dumating na din si Dino na nagtaka pa kung bakit daw ako akay-akay ni Yanit.  “Buhatin mo na ‘yan at ilagay sa kotse. Susunod na kami ni Ashley,” utos niya na mabilis sinunod ni Dino.  Isang linggo na mula ng makalabas ako galing ospital at ngayon ang follow up check up ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD