Cuarenta y Nueve AKALA KO NOON kapag nakuha ko na ang lahat ng bagay na pinapangarap ko lang noon ay magiging masaya na ako. Akala ko ay magiging maayos na ang buhay naming magkapatid. Ngunit habang lumalaon ay mas marami pa pala akong dapat maranasan. Hindi ko alam kong kapalit ba ito ng lahat ng sayang pinaranas sa akin o dahil parte lang talaga ito ng buhay ko. Habang tumatagal din ay mas lalong dumadami ang tanong ko at pag-aalinalangan sa lahat. Napakislot ako ng isang makirot na bagay ang tumusok sa braso ko. Akala ko ay nananaginip lang ako pero nang dumilat ako ay bumungad sa akin ang nakangiting nurse habang nilalagyan ng bulak ang braso ko. At habang nakatingin sa kanya ay dahan-dahang bumalik sa akin kong ano ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Mabilis akong bumango

