Chapter 65 BENJAMIN Sometimes we all need a smack in our head to realize something. Realization that we often ignore o sadyang binabalewala natin. Mga bagay na iniiwasan natin hindi dahil ayaw mo o hindi mo pinapansin pero sadyang takot lang tayong harapin ang katotohanan. Kaya ngayong nangyayari sa akin ang mga bagay na ito ay hindi na ako nagtataka. Sa dami ng pagkakataon at oras na binalewala ko ang bagay-bagay sa paligid ko ay ngayon ko lang nalaman na mahalaga pala talaga ito. Kakatapos ko lang mag jogging ng tumawag si Castor para sa biglaang meeting namin. Napangiwi ako ng pagbukas ng cam ko ay hindi lang pala si Castor ang naghihintay sa akin. Nakalimutan kong nakahubad na pala ako dahil magsa shower na nga ako. Nang tumayo ako para kunin ang tshirt ko ay narinig ko pa ang pa

