“Joel Sarmiento, mula ngayon ay malaya ka na muli. Ngunit sana naman ay magbagong buhay ka na at lumayo sa masasamang gawin tulad ng pagbebenta at pag gamit mga illegal na gamot. Tandaan mo na kahit wala ka na sa kulungan ay under observation ka pa rin namin dahil ang mga tulad ay mo ay may posibilidad na malulong ulit at bumalik sa dating bisyo.” Saad ng isang pulis. Napatango naman si Joel, “Huwag po kayo mag-alala. Gusto ko nang magkaroon ng pamilya kaya pipilitin ko na magkaroon ng matinong trabaho.” “Okay, basta umiwas ka na ulit. Alam mo naman ang mga ginagawa ng mga ibang pulis sa mga drug addict. Hindi na pinapatagal ang buhay. Ayaw din nila na masyadong puno ang kulungan kaya dinadala na agad sa huling hantungan.” Seryosong sabi muli ng pulis. Hindi na sumagot si Joel pagkatapo

