“Hmp! Feel na feel niya na siya ang buntis! Leche! Eh samantalang kahit ano mangyari ay walang magiging laman ang tiyan niya! Aabutin sila ng pagmemenopause niya ay hindi siya magkakaanak! Hindi ako papayag na masira ang plano ko!” inis na sabi ni Linda. Kinagabigan ay doon natulong si Mindy kila Katy dahil saglit na umuwi si Dra. Huang sa bahay ng mga magulang nito. Nakaisip ng plano si Linda upang siraan si Miele. Kailangan kasi ay unti unti mawala ang tiwala ng mag-asawang John at Katy sa mga kasama. Nalaman niya na walang cctv sa loob ng bahay kaya malaya siya makakagawa ng anumang plano. Sa kwarto din ni Miele natulog si Mindy imbes sa kanya kaya lalo siya nainis. Naisip kasi niya kaya roon pinili nito ay dahil pag-uusapan siya. “Tignan natin!” asar na sabi ni Linda. Lumabas siya

