“Aba siyempre naman masaya kami ng asawa kong si Ed. Halika kayo at maupo na tayo sa hapag kainan,” ani Mirna. Nagsuupo na nga ang lahat. Masayang sumandok ang mag-inang Jacky at Lexy dahil sa gipit sap era ay hindi na sila makakain sa mga mamahaling restaurant noon na laging napupuntahan noong may pera pa sila. “Mga muchacha ano pa ang inaantay ninyo? Ipasok na ninyo yung maleta ni Ma’am Lexy sa dating kwarto niya para maiayos mamaya,” malareynang utos ni Jacky sa mga katulong na nakaantay kung may ipapaga ang mga amo. Atubuli naman ang mga ito at napatingin kay Mirna na simpleng nakasimangot. “Amiga, madumi sa kwarto ni John dahim ginawang tambahan ni Ed. Dito muna at mamaya ipapalinis ko ang isang guest room,” ani Mirna. “Ay ganun ba amiga. Matagal pa ba si John?” saad ni Jacky haban

