Chapter 1

1288 Words
VAYR POV. "s**t!" saad ko nang madaplisan niya ulit ang braso ko. Bigla akong napaiwas ng maramdaman kong susugatan na naman niya ako kaya sa sobrang gigil ko, ako na ang sumugod sa kaniya at sinaksak siya sa tagiliran. "Damn! H-how dare you" nang gagalaiti niyang saad sa akin. "Wala tayo sa underground pasalamat ka hindi kita tinuluyan" saad ko at ngumiti ng napakatamis sabay tinalikuran na siya. Sumakay na ako sa kotseng dala dala ko at iniwan siya sa Lugar na pinagkitaan namin. Tsk sabi niya mag uusap kami about sa... Ipinilig ko na lang ang ulo ko at hindi na inisip ang nangyari kanina. Pumasok bigla sa utak ko ang nangyari sa kaniya, anim na taon na pero hindi pa rin mawala wala sa utak ko ang nangyari. Pinunasan ko ang luhang hindi ko alam na nagsibagsakan pala. Napatigil ang pagpunas ko sa aking luha nang biglang mag vibrate ang cellphone ko at doon ko nakita ang pangalan ng kaibigan ko. "Bakit?" Bungad ko pagkatapos kong sagutin. "Nasan kaba? May pasyenteng nag hahanap sayo" Napabuntong hininga agad ako. "Papunta na diyan, may inayos lang ako sa bahay sabihin mo sa kaniya na hintayin niya ako sa opisina ko" saad ko sabay baba ng tawag. Pagpasok ko sa opisina nakita ko agad si Mrs. Montero, Asawa ng pasyente ko. Ngumiti naman ako sa kaniya at umupo sa Swivel chair. "Doc kamusta po ang operasyon ng asawa ko?" Panimula niya habang may bahid na kaba ang tono ng pananalita niya. "Ayos po ang naging operasyon niya misis" nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa sinabi ko. "Pagkatapos po ng 2 days magigising na po ang asawa nyo kaya wag na po kayo mag alala" "Thank you doc" she replied. Ngumiti naman siya sa akin at yumuko bilang pag galang bago umalis. Pagkaalis ni Mrs. Montero tumingin ako sa laptop na nasa harapan ko at pinag aralan ang sakit ng isa sa pasyenteng ooperahan ko bukas. Sabi ng pamilya niya katatapos palang nitong kumain ng bigla itong tumayo sa kinauupuan at bigla na lang itong nahilo at natumba habang ito ay naglalakad papuntang kwarto nila. Pagkatapos kong pag aralan ang sakit niya kinuha ko ang aking cellphone na katabi lang ng Laptop at nanood ng Inside Out 2. Habang tumatagal ang panonood ko hindi ko namamalayan ang oras kaya tumingin ako sa aking relo at dun ko nakitang alas 12 na pala ng gabi kaya pala inaantok at sumasakit na ang batok ko. Inalis ko muna ang white coat na suot ko at ipinatong sa swivel chair bago kinuha ang bag at umalis. K I N A B U K A S A N "Anak kumain ka muna" pababa palang ako ng hagdan ng marinig kong magsalita si mommy. "Dun na ako sa hospital kakain mom" saad ko sabay ngiti sa kaniya at nagpatuloy pababa papuntang pinto. Bigla akong napatingin sa unahan ko ng may nag abot sa akin ng sandwiches na nakalagay sa paper bag. "Oh Anak pinagbalot na lang kita ng ginawa kong sandwich, kainin mo yan ha marami yan bigyan mo mga kaibigan mo dun okay?" Tumango na lang ako at nagpaalam sa kaniya na aalis na. Sumakay na ako sa kotse ko at nag drive ng mabilis. Wala akong pakialam kung may magambala akong sasakyan, sila na mag adjust hindi ako. Pagkarating ko dito sa hospital napatingin agad ako sa ambulansiyang bagong dating. Napabuntong hininga agad ako dahil akala ko makakapagpahinga pa ako saglit mukang hindi pala aissh! Wala akong choice kundi ang tumakbo agad sa sa loob at magsuot ng white coat. "Doc Vayr may isang pasyente pong gustong ikaw ang mag opera sa kaniya" pagkalabas ko agad ng office bumungad si Nurse Jen na mukang kinakabahan na kausapin ako tsk. "Sige nasan siya?" "Sunod po kayo sakin" Saad niya sabay talikod sa akin at lumakad. Nakasunod lang ako sa kaniya habang nakatulala, sa sobrang tulala ko hindi ko namalayan na nasa harapan ko na ang pasyenteng ooperahan ko. Aish may pasyente pa akong ooperahan mamaya e ayts!. Pagkatapos ng operasyon hinilot ko ang sintido ko, sumakit ata ulo ko gawa sa kulang ang tulog ko kagabi. Habang nag lalakad ako bigla kong nakasalubong ang kaibigan ko, si Doc Marlia. "Doc Vayr tara kain muna tayo ng lunch kanina kapa jan tulala, ano ba kasi iniisip mo at pwede ng sisirin yan" tanong sa akin ni Doc Marlia. Kaibigan ko siya matagal na actually apat kaming makakaibigan at dito kami sa MANILA DOCTORS HOSPITAL nagtatrabaho. "Alam mo naman iniisip ko nag tatanong kapa" saad ko sabay buntong hininga. Tsk hindi ko akalaing uuwi siya dito sa pilipinas para lang gumanti sa akin. " Hayaan mo na yun alam kong kayang kaya natin yun. Tara na mag lunch na tayo baka may biglaan na naman tayong pasyenteng dumating" napakamot ilong na lang ako dahil sa stress. Tumango ako at nag unang naglakad, ramdam kong nakasunod siya kaya hindi na ako nag-abalang lumingon para tingnan siya. Nandito kami ngayon sa restaurant, malapit lang ito sa hospital kung saan kami nag wo-work. Pagpasok namin agad kaming binati ng isang staff, itong kasama ko naman tudo pacute porket lang ang gwapo ng kaharap. "Good afternoon ma'am pasok po kayo, nakahanda na po ang upuang pinaresearve nyo po" sabay ngiti sa amin. Tumango naman ako sabay punta sa table namin. "What's your name pogi?" Napailing na lang ako gawa sa ugali ng babaeng 'to aishh! "I'm Shan ma'am, the manager" "Ang gwapo mo naman Shan pwedeng makuha number mo?" Saad ng kaibigan ko habang nagpapacute sa manager na ito. "Menu" singit ko sabay lahad ng kamay ko, baka kung ano ano pang tanungin ng babaitang to. "Ay sorry ma'am ito po yung menu, tumawag na lang po kayo ng isang staff dito kung mag oorder na po kayo" saad niya sabay alis sa harap namin. "Ano ka ba naman Sissy pagkakataon ko na yun e epal ka talaga" napatingin naman ako ng masama sa kaniya. "Oh easy sis mag order kana tatahimik na ako dito" habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Waiter two order ng Sweet & Sour Pork, Slice Beef w/oyster sauce at Yang Chow Fried Rice" "Noted ma'am 3 minutes nandito na po yung order nyo" saad niya sabay yuko at umalis. Habang busy ako sa pagtipa ng cellphone napatingin ako sa unahan, nandito na order namin. "Enjoy your lunch ma'am" Habang kumakain kami ng matiwasay bigla na naman pumasok sa utak ko ang nangyari kagabi. Ang tibay din talaga ng loob nun para mag isang magpakita sa akin at talagang sinugatan pa ako tsk tsk tsk. May araw din para magkaharap ulit tayong dalawa, sabay smirk. "Wuy babaita! Bat ganyan ngiti mo kinikilabutan tuloy ako, ano ba nasa isip mo ha! Kanina pa may tumatawag sayo! Pati mag 1:00 pm na goshhhh omygulay tumigil tigil kana jan tara na kanina pa ata nag hihintay yung ooperahan mo grrrr" mahaba niyang saad sabay yakap sa sarili, akala mo naman sasaktan ko piste piste. "Hello? Papunta na kami jan sa hospital tapos na naman kami kumain" bungad ko sa tawag. "No No dzai! muka bang patient mo ako!! Goshhh nagulat ako sa sinabi mo ha MAGBASA BASA KASI KUNG SINO YUNG TUMAWAG!" Nalapayo bigla sa tainga ko ang cellphone gawa ng sumigaw siya. Napaka ingay talaga ng mga kaibigan ko! "Ano ba! Bakit kaba tumawag?" Inis kong saad sabay buntong hininga. "May irereto ako sayoooo dzai ackkkk omygulay ang pogi niya talaga pero ibibigay ko na sayo yun dahil mas bagay kayo" kinikilig na saad niya habang may kasamang tili. "Alam mo namang wala akong time sa mga ganyan" Bagot kong saad habang napapakamot sa ulo. Wala akong kuto ha sadyang ganito lang ako pag nababagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD