3

1119 Words
“Ano ‘to?” Narinig kong sigaw na bungad sa akin ni Tiya pagkapasok ko ng kabahayan. Nanlaki ang mga mata ko ng hawak hawak ni Tiya ang kulay pula kong panty na nawawala pa last week. “Ano ang ibig sabihin nito Georgia?” malakas nitong sigaw na hindi ko maintindihan. Napatingin ako kay Tonio na nakayuko lang at kay Tiya na umuusok ang ilong sa sobrang galit bukod roon ay halos namumula na rin ang mukha nito. “Ano po bang nangyayari ngayon?” nalilito kong tanong habang inosenteng nakatingin kay Tiya na napabuntong hininga at nakatingin pa rin sa akin. May ginawa ba akong mali? Sa pagkaalala ko ay bago ako umalis kanina ay sinigurado kong saktong hanggang pananghalian nila ang ulam at kanin na hinanda ko. Inayos ko din ang lahat ng pwedeng ayusin, lahat ng kalat sa bahay at pati na ang mga gamit ko sa kwarto. Lahat din ng labahin na pwede kong labhan ay nagawa ko na kaya ano itong pinag-iinit ng ulo ni Tiya at hawak hawak niya ngayon ang panty ko? Bakit may galit siya sa panty ko? “Totoo ba itong sinabi ni Tonio na ginagapang mo raw siya sa kanyang kuwarto? Nakita ko pa itong pula mong panty sa kanyang kuwarto bilang ebidensya! Aba naman Georgia, hindi ka ba nahihiya na sarili mong pinsan ay ginaganyan mo!” Malakas ang boses ni Tiya habang patuloy na sumisigaw. Paniguradong rinig na ang sigaw nito sa lahat ng kapitbahay namin dahil maliit lang naman itong kabahayan. “Ano pong sinasabi niyo?” mahina kong turan sa kanya dahil hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya.Pinilit kong intindihan ang lahat ng mga sinabi ni Tiya, unti unting kumunot ang aking noo dahil napagtagpi tagpi ko na ang lahat. Napatingin ako kay Tonio na nakayuko lang at bumalik naman ang tingin ko kay Tiya. Mabilis na lumapit sa akin si Tiya at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng dumapo ang palad niya sa aking pisngi. Sa sobrang bigat ng kamay niya na sumapok sa pisngi ko ay agada gad na nagdugo ang gilid ng aking labi. “Ang kapal naman ng mukha mong mag-maang mangan. Akala ko pa naman ay matino kang babae, iyon pala ay katulad ka din ng ina mong nagpabuntis sa isang kano. Ngayon, ikaw naman ay pinatos mo ang pinsan mo! Tinanggap kita sa pamamahay naming ng buo tapos ganito ang igaganti mo?!” Puno panggigil na sambit ni Tiya. Napahawak naman ako sa pisngi kong nagsisimula ng manakit dahil sa lakas ng impact ng sampal niya sa akin. Hindi ko alam kung maiiyak ako ngayon o matatawa sa sitwasyon ko. “Wala akong ginawa sa anak ninyong m******s,”unti-unti kong turan habang pinipilit kong tumayo kahit na nahihirapan ako. “At talagang may gana ka pang magsinungaling! Tinawag mo pang m******s si Tonio kahit ikaw naman itong malandi!” Malakas pang sigaw ni Tiya. Huminga ako ng malalim dahil alam kong sobrang punong puno na ako sa lahat ng sinabi at ginawa sa akin ni Tiya ngayon. “Tonio? Wag kang sinungaling at magsalita ka!” Malakas kong sambit sa kanya. “Georgia, nakalimutan mo na ba ang ginawa natin no’ng nakaraang araw?” mahinang sambit ni Tonio habang seryosong nakatingin sa akin, Hindi ako makapaniwalang lumalabas ang mga salitang ito sa bibig niya. “Ngayon sabihin mo sa akin kung sino ang walang hiya, Georgia! Wala kang hiya, umalis ka rito sa paamahay ko!” Malakas na turan ni Tiya. Pinipilit ko lang ang sarili kong kayanin ang lahat ng pangaalipusta nila sa akin pero itong sinabi at ginawa nila sa akin ngayon ay hinding hindi ko na mapapalampas pa. Kinuyom ko ang kamay na nasa aking gilid habang pinipigilan ko ang sarili kong sugurin silang mag-ina ngayon. “Oo m******s iyang anak mong batugan! Sa tingin mo ay pipiliin kong pumatol sa ganyang klase ng lalaki walang utak at pangit. At wag kayong mag-aalala, Tiya. Lalayas na ako sa pamamahay na ito at sa totoo lang wala naman kayong ginawang mabuti sa akin e, halos sobra sobra pa nga ang ginawa kong serbisyo sa inyo sa pang-aalipusta niyo sa akin mula simula hanggang ngayon. Hinding hindi niyo na ako makikitang muli!” Puno ng kumpiyansa kong sambit. Kulang na lang duraan ko ang sahig na kinatatayuan ko ngayon sa sobrang galit at pandidiri na nararamdaman ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata ni Tiya pero bago siya makapagsalita ay patakbo na akong lumabas ng bahay dala dala ang bag ko. Hindi ko alam kung kelan at saan ako papunta basta’t hinayaan ko ang sarili kong tumakbo hanggang sa humahangos na ako sa sobrang pagod. “Naawa ka ba sa akin?” mahina kong sambit bago napatingin sa kalangitan na magsimulang pumatak ng paunti-unti ang ulan hanggang sa naging malakas ang ulan. Napapikit ang dalawang mga mata ko habang niraramdam ko ang ulan sa aking mukha. Wala na akong pakialam kung halos basang basa na ako pati ang bitbit kong bag. Halos wala na ding pumapasok sa utak ko ngayon na para bang nagiging blangko ako. Nakakapagod ng isipin kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay ko. Sa murang edad ay kinukwestiyon ko na kung bakit binigay sa akin ang ganitong pahirap. Bakit hindi ako naging katulad ng ibang mabata na kahit hindi mayaman ay masaya sa pamilyang meron sila. Na kahit hindi ganoon kaalwan ang buhay ay mayroong nanay at tatay na gumagabay sa kanila sa paglaki. Napaupo ako sa gilid ng semento habang blangkong nakatingin sa mga dumadaan na mga kotse sa kalye. Ano ng gagawin ko ngayon? Saan na ako pupunta? Sila Tiya lang ang bukod tangi kong kadugo na nandito sa maynila. Saan na ako ngayon pupulutin? Urgh, bahala na siguro. “Georgia?” narinig kong pagtawag sa pangalan ko kaya unti-unti akong napatingala at ganoon na lang ang aking pagkabigla ng makita ko si Louis na nakatayo sa aking harapan na may hawak hawak na payong. “Anong ginagawa mo rito sa daan? At basang basa ka na,” pahayag niya habang pinipilit na magkasya kaming dalawa sa payong. Nakita kong napatitig siya sa kabuuan ko at tumigil ang mga mata niya sa aking pisngi kung saan sinampal ako ni Tiya. Napatingin ako sa semento para hindi na niya makita ang mukha ko ngunit lumuhod lang siya sa harapan ko ay hinawakan ang kabila kong pisngi na hindi nasaktan. “Anong nangyari sa iyo?” Sinsero niyang pagtatanong. Hindi ako makapagsalita o makasagot kay Louis dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya ngayon. Sa lahat ba naman ng pwedeng makakita sa ganitong sitwasyon ko ay siya pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD