"Pre! Nasaan ang kambal mo?" Nakakunot-noo ko namang siniringan ng tingin si Jinro. Sakit din sa panga ng isang ito, eh. "Ay, sorry, sorry. Beautiful Marci. Nasaan si Silang?" tanong niya pa ulit sa 'kin. Kunwari ay 'di ko na narinig, itinutok ko na lang ang paningin ko sa libro na binabasa ko. Nasa benches lang ako ngayon at nagpapalamig ng ulo. "Marci, Marci, Marci! Pansinin mo naman ako!" aniya na naman sabay kalabit sa 'kin na parang bata. Buwisit! Bagay talaga sila ng buwisit ko ring kapatid. Pabagsak ko na ibinaba ang aking libro. "Hindi ako ang hanapan ng mga nawawalang haduf," asik ko. Napanguso naman ito. Hindi pa rin kami nagpapansinan ng Gabriella na iyon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ibinuking niya ang dark secret ko kay Ashmer. Mula noong birthday ni Mo

