"Baby." Awtomatiko akong napalingon dahil sa narinig kong iyon. Nakita kong naglalambingan na naman ang parents ko. Napangiwi na lang ako at ipinilig ang ulo dahil sa taong pumasok sa kukuti ko. "Say it again ,baby. Please say it again." "Answer it, baby." "Hey, baby, ang lalim na naman ng iniisip mo." "No talking, baby." Oh! Damn it! s**t! Zsss! Bakit kasi kailangan niyang makiuso sa endearment na baby na 'yan? Sarap niyang isako. Iba ang epekto nang f*****g 'baby' na 'yan kapag sa kanya galing. Kapag hindi naman mula sa kanya ay siya pa rin ang naaalala ko. So unfair! Nyawa! Nandito kami ngayon ni Gab sa bahay namin. Umuwi kami dahil birthday ngayon ng mom kaya heto nga at nilalambing siya ng dad. "Ivan, nakikiliti ako, ah? Tsaka tumigil ka, nandito mga anak natin. Landi-lan

