"I love you, Percy. Mapapatawad mo kaya ako?" Wala sa sariling naitanong ko iyon. Napakalas naman siya. "Ha? Sa ano?" Naalarma naman ako. Haduf talaga! "K-kapag... Kapag sakaling may magawa akong mali sa'yo, Percy. Iyon ang ibig kong sabihin." "Kapag magkaibigan Marci, kahit anong mangyari ay mananatiling magkaibigan, tandaan mo 'yan. Kahit pa gaano kasama o kasakit ang magawa natin sa isa't-isa kasi nga noon ko pa man sinasabi sa iyo na hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa hinahara, 'di ba? Isa lang ang nasisiguro ko... Ikaw at ikaw lang ang gusto kong maging best friend. Sa 'yo lang ako magtitiwala at sa 'yo lang ako makikinig." Damn! Bakit nasasaktan ako sa mga pinagsasabi niya? Dahil ba hindi ako deserving sa tiwala niya? Hindi ko deserve na maging best friend niya? L

