SOPHIA's POV Grabe ang sakit ng ulo ko! Di ako nakatulog dahil sa kakaisip kung sino yung girl at kung bakit ganon ang reaksyon ni shiro Tsk nakakainis naman eh! PHIA! Ano hindi ka ba tapos diyan! Malelate ka na! – sigaw ni inay PABABA NA POO! – sagot ko Nagmadali na akong maligo at nagayos ng sarili sa Auburn Institute ako pumapasok, public school lang, hindi kasi kami mayaman, ang itay ko ay isang taxi driver si inay naman ang nagpapatakbo ng maliit na karinderya BLAG BLAG BLAG BLAG Hay nako phia ilang beses ko bang sasabihin sayo na buhatin mo ang paa mo kapag bumababa ka, baka magiba itong bahay natin – sabi ni inay Opo – sabi ko naman sabay kuha nung pandesal sa mesa Inay alis na po ako – sabi ko sabay halik sa pisngi niya Magingat sa daan – sabi naman ni inay

