~ 3 weeks later.. CALEB's POV Hindi kami sobrang kaclose ni Odette pero masasabi kong kaibigan ko siya, pakiramdam ko nung nawala siya, naging boring ang buong paligid, simula kasi nung nagkakilala at naging close si Hiro at Odette, ay palaging maingay, madalas din naming kasama si Odette dahil kay Hiro, nung mga panahon na yon laging nakangiti si Hiro, at si Odette nakilala namin siya, masiyahin siya at mabait, kaya naman agad napalagay ang loob namin sa kanya. Pero ngayon wala, sobrang tahimik, lahat kami naapektuhan sa nangyari kay Odette, nung gabing nakita ko siya sa ganong kalagayan ay talagang nawala ako sa sarili ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman Pero alam ko ang pinaka naapektuhan ay si Hiro, alam kong malaki ang epekto sa kanya ng nangyari kay Odette,

