Dahil sa ginawa ni Adrian na pag-alis sa Event nang gabing iyon naging trending ang binata at nagtatanong kung anong ginawa niya after iwan si Aster sa red carpet. May mga nagsabi ding nakita nila ang binata sa hospital kasama ang isang babaeg hindi nila kilala. At dahil din dito sunod-sunod na mga balita na ang lumabas tungkol sa binata. Lalo na nang alegasyong niloloko nito ang kasintahang si Aster. Sa social media naglalabasan na may itinatagong kasintahan si Adrian at matagal niya itong itinatago kahit pa alam nitong magkasintahan sila ni Aster. Sa social media din nagkalat ang video ni Adrian na kasama ang babaeng itinatago ang mukha. May isang source ang nagsabing hindi lang ito bastang itinatagong kasintahan ni Adrian dahil asawa ito ni Adrian. Lalo pang naging maugong ang balit

