Hindi magkamayaw ang hiyawan nang mga estudyanteng na nonood nang basketball finals nang biglang dumating sa gym nang host school ang ilang mga lalaking naka suot nang black suit. Para nilang pinapanood ang pagpasok nang mga tila mafia goons nga lang sa halip na baril ang dala nang mga ito may dalang mga box nang sport shoes ang mga lalaki. Naglakad ang mga ito papalapit sa bench nang team nina Adrian. Lalo pang namangha ang lahat nang ilapag nang mga lalaki ang box sa harap nang pitong basketball player nang Harrow International School. Napaawang ang labi nang lahat dahil sa nakita nila lalo na nang mga high school players. “Thank you, gentlemen.” Nakangiting wika ni Adrian saka naglakad papalapit sa mga lalaki. Tumango lang ang mga ito bago tuluyang umalis. “All right boys.” Wika ni Ad

