"Anong nangyari sa inyong dalawa?” Tanong ni Adrian nang dumating sa unit niya. Pagkabukas palang niya nang pinto ang matamlay na mukha nina Chloe at Dillon ang bumungad sa kanya. Nakatitig sa kawalan ang dalawa. “Nasaan si Elle? Anong hapunan natin?” Tanong nang binata at pumasok saka naglakad papalapit sa dalawa. Hindi paman nailalapag nang binata ang dala niyang bag. Biglang tumayo si Chloe sa kinauupuan niya at parang batang tumakbo patungo kay Adrian at niyakap ang kapatid sabay hikbi. Dahil sa gulat na bitiwan ni Adrian ang dala niyang bag. “Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?” tanong ni Adrian sa kapatid nang makabawi sa pagkakabigla saka sinubukang bahagyang itulak papalayo sa kanya ang kapatid pero lang humigpit ang pagyakap nang dalaga sa kanya. “Chloe, para kang bata. Ano bang

