Lucas Patterson
They stormed out of the room at hindi ko man lang napigilan ang pag-alis ng mag-ina ko. I'm a f*****g coward. Yes, I love Eunice but I betrayed her because I chose Kim over her. Ilang taon na rin ang nakalipas pero siya pa rin talaga ang itinitibok ng puso ko. This is not the time for Eunice to know about Kim. Sinagot ko naman ang taong tumatawag sa cellphone ko
"Hello love. I miss you sana nandito ka sa tabi ko ngayon" I sighed first before answering her "Love hindi pwede. Kailangan nila ako rito" I heard her curse on the line pero alam kong hindi niya ito pinarinig sa akin "Love sa akin ka lang. Kapag nalaman ko na kasama mo si Eunice at ang hampas lupang bata na iyan ay alam mo na ang gagawin ko. I'm dead serious Lucas. See you soon love. Bye I love you" then she ended the call
I need to stop this as soon as possible. Alam kong hindi na rin matagal ay kaya na ng kumpanya kong tumayo ng hindi katulong ang YealTelK. This company is the only one differ from my father's other successful companies.
Eunice Camille Salvatore
Nasa kwarto kami ngayon ni Light at nag-iisip kung ano na ang gagawin namin sa susunod na magkikita kami ni Lucas. It's too risky for me and my son. I like his idea. Okay lang naman na ako ang masaktan pero ang anak ko hindi. "Mama is papa going home mamaya?" Tumango nalang ako sa anak ko
Umupo muna ako saglit at tinignan ang calling card sa kamay ko
Classy InfoTechz
Chairman Analisa Salvatore
London, England
Contact no. +************
Salvatore. Ang alam ko lang ayon kina mom na ako nalang ang last na Salvatore sa Pilipinas at walang kamag-anak ang totoong Dad ko. Tinignan ko ang orasan at 3:29pm palang. Pupunta kami kina mom
Hindi rin umabot ng 40 minutes papunta sa dati kong tinitirhan. Agad kong nadatnan si dad sa wheelchair niya. Nagmano naman ako sakanya at niyakap ako "Ito na ba ang apo ko?" Humiwalay naman kami dahil nakita niya si Light. Iginaya ko naman ang anak ko na magmano
"Ang laki mo naman na hijo. Eunice salamat dito sa bahay na ibinigay mo anak. Kahit papaano umaayos na ang kalagayan ko panatag na rin ako" tumango naman ako sakanya "That's good to hear Dad. Si Mom at Gaile Dad?" Tumingin naman ako sa taas ng itinuro niya ito
"Nasa taas sila mag-ina. Anak ipasok mo naman si Gaile sa trabaho mo. Nakakahiya naman na ikaw nalang parati ang sumasalo sa amin" hinawakan ko naman ang kamay ni Dad at nginitian ito "Okay lang Dad. Kakausapin ko po ang boss ko" naging tahimik naman kami dahil nilalaro ni Dad si Light
"Oh andito ka pala. Sino yang batang kasama mo? Anak mo?" Nagulat naman ako agad kaya napatingin kami kay Mom. Nagmano naman ako at ganoon din si Light "Mom kamusta naman po kayo dito?" Nakangiti pa rin ako kahit na iba ang aura niya ngayon
"Buhay pa naman. Kulang ang pinapadala mong pera sa amin. Kailangan ng kapatid mo ng engrandeng kasal dahil nabuntis siya ng walang kwentang boyfriend niya. Ayaw ko naman na isipin ng mga amiga ko na disgrasyada ang anak ko" nanlumo naman ako ng sabihin niya yun samantalang ako noon halos palayasin na niya ako
"Sige po Mom pero susubukan ko po magbigay. Marami po akong gastusin dahil birthday na rin ni Light sa susunod na linggo. Magbabayad pa po ako ng kuryente at tubig namin ni Light" nakita ko naman na nagpalit ng expression si Mommy. "Uunahin mo pa yang anak mo kaysa sa kapatid mo? Napaka-walang kwenta mo talaga sa pamilya! Pati nga ang bahay ko hindi mo pa tinutus-tusan! Ang sabihin mo lahat ng pera mo pinanglalandi mo!" Tinakpan naman ni Dad ang tainga ni Light pero kita ko na lumuluha na ito
"I'll pay for her wedding in exchange you won't be bothering my son and Eunice" nagulat naman ako ng marinig ko ang boses ni Lucas. Paano niya nalaman na andito kami ni Light? "So ikaw ang nilandi ni Eunice para magkaroon kami ng bahay? Yung anak ko nalang sana ang pinatulan mo hindi yung may baggage na. Yun nga lang binuntis ng iba pero pwede natin ipalaglag yun para kayo nalang" is this really the mother I grew up to? What happened to her?
"I'm sorry po. But the one you're calling excess baggage is my son. I cannot tolerate what you're saying also. Gusto niyo pong ipakasal sa akin ang anak niyong buntis and the worst is you want to abort your very grandchild. I can sue you for that" biglang natauhan si Mom sa mga sinabi ni Lucas "Are you even a mother? No let me correct that. You are not worth to be called mother. Lets go Eunice" hinila na ako ni Lucas habang binitbit ang anak namin.
Nang makalabas na kami ng gate ay bumitiw ako sakanya "I don't need your help Lucas" he suddenly scoffed at me "Help? That's not even help Eunice! I'm just protecting you and my son from those. Hindi kaya ng puso ko ang mga naririnig ko sa nanay mo" nakita ko naman na lumungkot ang mukha ni Lucas. I want to kiss and hug him pero I can't. I'm scared
"Papa uwi na po tayo" tumango naman si Lucas at ipinasok na siya sa backseat at humarap sa akin. "Eunice let's make this work please. I want to be with my son. Especially you. Let's forget about the past. Let's start something new" at ng mga oras na iyon ay parang tumigil ang oras. Hinalikan ako ni Lucas. I felt butterflies in my stomach. I missed this kiss. Humiwalay ito at pinagdikit ang noo namin
"Please?" Ngumiti naman ako at tumango. I can be selfish today but i'll do everything to protect my son from her. To protect the pains will come to us in the future. "I love you Lucas"