Eunice Camille Salvatore
~Flashback~
5 years ago...
"Lucas and Eunice partner kayo for capstone project. Now the group is created you all need to find a client and finish the system by this semester's end" nakasama ko ang crush ko sa project nakakatuwa naman to
"Eunice puntahan nalang natin yung gReekTECH may kakilala ako doon na pwedeng makatulong sa atin" tinanguan ko naman siya sa idea niya. Wala din naman kasi akong maisip na pwede naming puntahan
After ng class pumunta na nga kami doon. Sa gReekTECH nakakuha kami ng gagawin naming system. Since kasama ko ang crush ko lahat ng hirap gagawin ko para lang sakanya. Kinikilig naman ako sa sarili ko. Ginawa naman na namin ang dapat gawin tuwing gagawa ng system which is data gathering
"Eunice gawin mo itong page na ito tapos sa akin nalang ito okay?" Tahimik akong tao kaya hindi ko masagot si Lucas. Alam naman niya at sanay na siya. Habang nagwo-work siya ay tinititigan ko lang siya. Tapos ko na kasi ang sa akin
"Tapos mo na? Ang bilis mo naman. Wag mo rin ako titigan ng sobra baka ma-fall ako ng sobra" nagulat kaming pareho sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin doon? Ito na kaya yung sign na umamin ako?
"Lucas. Gusto kita" boom! Nasabi ko na. Daig ko pang lalaki na sobrang torpe na umamin sa taong gusto niya. Ang hirap kasing umamin lalo na kung wala kang mapapala sa kanya. Parang codes. Gagamit ka ng variable na akala mo makakatulong yun pala at then end useless
"Alam mo parang code ka. Kasi ang hirap mong basahin pero ako lang ang solution. Gusto rin kita Eunice" and that day niligawan na niya ako. Sobrang tuwa ko ng mangyari yun
~End of Flashback~
"Ms. Salvatore! Are you listening? Kailangan mo ng i-present kay Sir Lucas ang system na nagawa mo. Aalis din daw siya agad ngayon" tinanguan ko agad ang secretary saka tinungo ang opisina ni Lucas
"Make it quick Eunice. May date pa ako mamaya kay Kim" agad ko naman inayos ang gagamitin ko. Madali nalang naman i-explain ito kaya madali rin akong natapos. Na-approvan naman ang gawa ko. Aalis na sana ako ng bigla siyang mag-salita
"Masakit ba Eunice?" Tinignan ko siya at nakikita ko ang ngisi sa kanyang mga labi. Nakikita ko rin sa mga mata niya ang lungkot. Wala akong balak sagutin ang tanong niya kaya agad ko siyang tinalikuran
"Sabagay paano ka masasaktan? Pusong bato ka na. Hindi ka na nasasaktan. Pati nga damit mo nababagay sa malamig na tulad mo. Makaka-alis ka na" nasaktan naman ako sa sinabi niya kaya umalis na ako. Dumeretsyo naman ako sa hospital kung nasaan naka-confine si Dad
Hindi ko sila tunay na magulang. They adopted me as their daughter wherein my foster mother was originally my Mom's sister. Tinatawag ko lang silang Mom and Dad dahil na rin sa kagustuhan nila noon pero ngayon wala na akong kwenta sa kanila
"Ang kapal pa ng mukha mong pumunta pa rito! Pagkatapos ka naming palakihin ganito lang gagawin mo sa akin? Sa amin? Umalis ka na rito at wag ka ng magpapakita pa!" Tinitignan kami ng mga tao sa hospital dahil sa ginagawa ni Mom kaya umalis na ako.
Dumaan muna ako sa billing para bayaran ang mga gastusin nila para sa hospital. Bumili muna ako ng grocery items para sa kanila at inuwi ito sa bahay. Nadatnan ko naman sa bahay si Gaile at inabot sa kanya. Tinignan niya lang ito saka ako nilagpasan. Inayos ko nalang muna ito bago nilisan ang kusina
Pumunta na ako sa kwarto ko at kinuha na ang mga gamit ko. Nilagay ko na ito sa isang maleta at yung iba nasa hand carry ko na. Maliit lang naman ang gamit ko. Pagkatapos noon nilisan ko na ang lugar. Pinuntahan ko na ang bahay na unti-unti kong binili gamit ang sweldo ko sa unang taon sa gReekTECH. Para sa amin ito ni Light kaso hindi pa siya nakakauwi
Ang iba ko namang salary ay binibili muli ang narematang bahay namin. Kasalanan ko rin kung bakit nawala ito sa amin. Pamana ito nila Mom sa akin. My original mother but then sinanla nila Tita. I have reasons back then why I used my money that supposedly be paid collateral for the house
Pagpasok ko sa loob ay kitang-kita ko na wala pang kagamit-gamit. Sa 15 pa ang sunod kong sahod. Malaki naman ang kita ko dahil mahal rin ang sweldo ng isang developer na tulad ko. Bibili siguro muna ako ng higaan ko at kitchenwares. Yun ang mga kailangan ko ngayon kaya dumeretsyo na ako sa mall
Pagkarating ko doon agad akong pumunta sa mga higaan. Tinignan ko ang mga klase nito hanggang sa makapili ako. Ganoon din sa kitchenwares ko. Ngayon lang ako mag-wawaldas ng sahod ko dahil wala na akong choice. Habang naglilibot pa ako sa mall bigla kong nahagilap sila Lucas at Kim. Kasalukuyan silang nasa isang clothing store. Ang saya nilang tignan. Aalis na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko
"Eunice! Saglit!" Nilingon ko naman kung sino ito. Si Manang Tess. Anong ginagawa niya rito? May nangyari ba? Bigla kong naalala na andito si Lucas at Kim kaya tinignan ko ang lugar nila at nakita na nga nila ako. Hinila ko naman si Manang Tess papunta sa isang kainan
"Ano pong ginagawa niyo rito Manang? Hindi ba sabi ko sayo na tetexan mo ako kapag pupunta ka rito?" Napakamot naman sa ulo ang matanda. Nakalimot na yata si Manang Tess pero bakit hindi niya kasama si Light?
"Eunice kailangan ka ngayon ni Light. Aalis na kasi kami ng pamilya ko at kukunin na kami ng apo ko sa Canada. Hindi naman pwedeng kukunin ko siya" kailangan ko na din siyang makuha ngayon? It's now or never then
"Sige po manang. Kailan po ba alis niyo at ako na mismo ang pupunta sainyo" tinawanan naman ako ni Manang Tess "Idadala nalang namin siya sa iyo. Wag kang mag-alala napakabait ng batang iyon"
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~