Chapter 2 ✓

1220 Words
Chapter 2: Intruder na Makulit Xyreb's POV KINABUKASAN, wala 'kong klase kaya't inatupag ko na lang ang paggawa ng mga school papers. Habang busy ako sa paggawa ay nakita ko naman ang bunso kong kapatid na si Xyrus na nakasilip mula sa 'king pintuan. Napangiti naman ako dahil alam kong naglalambing ito siya sa 'kin. "Halika rito, Rus." anyaya ko sa kaniya at masaya naman siyang lumapit sa 'kin.  Si Xyrus ay nakababatang kapatid kong lalaki. Sa edad niyang tatlong taon ay mahilig na siyang pumunta sa 'king kwarto. Kinandong ko naman siya at agad niya 'kong niyakap habang nagsusulat ako. Tahimik lang siyang patingin-tingin sa ginagawa ko.  Sumulyap naman si Mama mula sa 'king pintuan at saka napabuntonghininga. "Nand'yan ka pala kay Kuya mo. Tara na't huwag mong istorbohin si Kuya dahil may ginagawa, Baby." Ngunit yumakap lang siya sa 'kin imbes na makinig kay Mama kaya't natawa na lang ako. "Okay lang po, Ma. Namiss lang po ata ako ni Bunso at saka hindi naman po siya malikot. Good boy lang si Bunso, 'no?"  Nakangusong tumango naman si Xyrus. "Napakapasaway mo talagang bata ka. Manang-mana ka sa Papa mo. Pagpasensiyahan mo muna ang kapatid mo, Anak." sambit ni Mama.  "Sige na po, Ma. Ako na pong bahala kay Xyrus at pumunta na po kayo sa pupuntahan niyo po."  Lumapit sa'min si Mama at hinalikan kami sa noo. "Mauuna na 'ko lalo na't ayaw magpaiwan ni Xyrus sa Tita mo. Nando'n ang pagkain ninyong dalawa sa mesa at mamayang alas-otso pa 'ko uuwi." Tumango naman ako at nagpaalam na ito para umalis. Napakasipag ni Mama na magtrabaho lalo na't namatay na si Papa at naaksidente sa construction site kaya naman ang nagsusustento sa 'min ay ang kapatid ni Papa kaso nga lang ay nahihiya kaming umasa kaya naman nagtatrabaho kaming dalawa ni Mama. Scholar naman ako at nag-pa-part time job kaya't sa mga bills na lang sa bahay at iba pang gastusin kay Xyrus ang pinag-iipunan namin.  Napabuntonghininga na lang ako at inayos ang pwesto ng aking kapatid sa 'king kandungan bago ko itinuloy ang mga paper works ng mga nagpagawa sa 'kin. --- MAKALIPAS ang ilang oras ay nagpasya na kami ni Xyrus na bumaba para kumain at saka nagugutom na rin ako. Baka mapagalitan pa 'ko ni Mama na ginugutom ko si Xyrus. Nagtungo na ko sa kusina habang nakaupo sa high chair ang kapatid ko. Kahit papaano'y hindi naman siya sa sakit sa ulo kahit na bata pa kaso medyo clingy sa 'kin dahil ako na ang kinalakihan ni Xyrus dahil baby pa lang ang kapatid ko nang namatay si Papa at nagkaroon din ng depression si Mama.  "Kumain na tayo, Rus." usal ko nang naayos ko na ang lahat at saka naupo na 'ko sa tapat ng high chair niya. Sinubuan ko siya ng kanin na may sabaw ng Sinigang na Hipon. Agad naman siyang napapikit dahil sa asim kaya naman natawa ako. "Atim, Uya!" bulalas niya habang papikit-pikit pa. Sumalok akong muli sa maliit niyang feeding bowl at inumang sa bibig niya na agad niyang isinubo.  Napakagana niyang kumain at hindi rin mapili kahit mga gulay na dinurog.  "Asim kilig ‘no? Oh, isa pa, Rus."  Ngumanga naman siya at saka sinubuan ko ulit. Napapapikit pa siya sa asim na ikinatawa ko na naman.  "Oh! Kaya naman pala hindi pumunta sa bahay itong makulit na ito kasi nandito ka pala," biglang turan ni Tita Lea, kapatid ni Mama. Kakapasok lang nito sa kusina at agad naman akong nagmano at hinalikan naman nito ang pisngi ni Xyrus na may mumu pa ng kanin pero nakangiti.  "Ah opo, Tita. Wala po 'kong klase ngayon at saka para makapag-bonding na rin po kami ni Xyrus." Pumalakpak naman si Xyrus na ikinatawa namin ni Tita Lea.    "Malungkot kasi sa bahay kaya naman hinahanap ko si Xyrus. Bukas na lang siguro kami magkukulitan. Sige, aalis na muna 'ko at mamimili pa 'ko ng mga grocery sa bahay." Hinalik-halikan nito ang matambok na pisngi ni Xyrus na panay ang hagikhik.  "Opo, ingat po kayo, Tita." Umalis na rin si Tita Lea at naiwan muli kaming dalawa ni Xyrus.  Si Tita Lea ay hindi nabiyayaan ng anak kaya't pinanggigilan nilang dalawa ni Tito Otep si Xyrus. May-ari sila ng isang grocery store at kapag walang bantay sa kapatid ko'y sa kanila naiiwan.  Pagkatapos namin kumain ay naligo na rin kami. Pagkatapos 'non ay inayusan ko siya at binihisan dahil mamamasyal kami sa isang parke na may playground. Mabilis lang kaming nakarating do'n dahil walking distance lang. Nang nakarating kami ay tuwang-tuwa ang kapatid ko sa slides at swing pati na rin sa mga batang naghahabulan.  Ibinaba ko na siya at inalalayang maglakad at panay ang tunog ng sapatos niya sa bawat hakbang. Isinakay ko na siya sa swing na may safety seat at saka marahang itinulak-tulak. Sobrang lakas ng halakhak niya kaya't nahawa rin ako sa tawa ng kapatid ko.  "Uya, 'yon!" turo niya at napabaling naman ako ro'n at nakita ko ang isang lalaki na nagtitinda ng ice cream. Napangiti naman ako at saka kinarga siya para makarating do'n.  "Kuya, dalawang ice cream na chocolate flavor. Pakidamihan na lang po ang scoops," sambit ko at saka kinuha ang wallet ko para bayaran ang binili ko. Tuwang-tuwa ang kapatid ko nang ibinigay sa kaniya ang ice cream na nasa apa.  Nang nakabili na kami ay naupo na kami sa bench. Kalong-kalong ko siya habang sinusunggaban ang ice cream. Kinuha ko ang feeding bottle niya na may lamang tubig para ipainom kapag tapos nang kumain.  "Xyreb?" Napalingon naman ako sa tumawag sa 'kin at nagulat naman ako kung sino ito. "Oh, Xyreb I know it is you. Grabe! What a small world at dito pa talaga kita nakita sa playground. Hindi ko naman inakalang mahilig ka sa ganitong lugar-" Naputol ang sasabihin nito nang napansin ang kasama ko. Sinilip ko naman si Xyrus na nakakunot ang noo habang dumidila ng ice cream.  Agad namang dumukwang si Maria at pinakatitigan ang aking kapatid na busy sa pagdila ng ice cream. "Hello! Ang cute mo naman, Baby! Teka! sino siya, Xyreb? Ipakilala mo naman ako sa kaniya." "Bunso kong kapatid nasi Xyrus. Say hi, Baby." usal ko at nag-wave lang ng kamay si Xyrus na ikinatili naman nito. "Gosh, he's so cute! Ang gwapo sobra ng genes mo, Xyreb! Hindi mo natatanong  at sobrang mahilig ako sa mga bata at talagang magkakasundo tayo," eksaheradang nitong turan na ikinakamot ko na lang ng batok. Naiilang pa rin ako dito kasi hindi naman kami close. "Maria, come on let's go.!" sigaw ng babaeng kasama nito habang nakasakay sa loob kotse. Napatingin tuloy sila rito.   "Oh! Wait lang, Ate!" Bumaling naman ulit sa kanila ito. "Sige, aalis na 'ko. Nice to meet you, Cutie Boy." Nagulat naman ako nang halikan pa kami nito sa pisngi. Hanggang sa nakaalis na ito'y nakatulala ako. Naramdaman ko ang pagkalabit sa braso ko ng aking kapatid. "Uya, iss niya tayo, ah."  Nakanguso siya habang sambakol ang mukha. Nakakahiya naman, ito ang unang beses na may humalik sa 'kin na ibang babae maliban kay Mama. Nailang talaga 'ko ng sobra.  'Haysst! Napakaano talaga ng babaeng ‘yon. Sana nama'y hindi na niya 'ko kulitin kasi sobrang nakakailang na talaga.'  Napabuntonghininga na lang ako at saka ibinaling ang aking atensyon sa 'king kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD