Chapter 27: Scared Xyreb's POV "SUS! Assuming ka naman po, Kuya. Baka naman natatae lang po si Ate," biglang sabat ni Xyrus kaya't pinitik ko ang ilong nito. Lokong batang 'to, babanatan pa 'ko nang gano'ng biro habang nasa kasarapan ako ng pag-iisip. "Aray!" anas nito. Nakabusangot ito habang hinihimas ang ilong at napailing naman ako rito. Napabuntonghininga naman si Mama at tinakpan ng takip at pinapakuluan na Sopas. "Hindi pa tayo sigurado lalo na't si Maria lamang ang makakapagsabi sa 'tin kung buntis siya. Hinala lang naman ang nasa isip natin. Mamaya't hindi naman totoo at mahirap naman na umasa na lang tayo sa mga akala lang natin," segunda ni Mama at tumango naman ako. Tama si Mama, kailangan talagang makumpirma ni Maria kung tunay ba'ng hinala namin na buntis ito. "Hmp!"

