Chapter 21: Sealed (SPG) Xyreb's POV GABI na't tulog na sina Mama at Xyrus sa kwarto namin samantalang si Maria nama'y biglang nawala at baka may kinausap lamang. Nakaupo ako sa gilid ng swimming pool at nakatingala ako sa langit. Napakalamig ng simoy ng hangin. Napakaraming bituin at hindi ko napigilang itaas ang aking kamay na parang inaabot ang mga bituin at kalauna'y napabuntonghininga ako dahil napakahirap abutin 'non. Naalala ko tuloy si Maria habang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan samantalang ako nama'y nakatanga lamang sa ibaba. Napakayaman niya at sa 'kin pa talaga siya nagkagusto. Paano kaya ako magtatapat sa kaniya kung ang layo ng pagitan namin sa isa't-isa? Naramdaman ko na lang na may yumakap mula sa 'king likuran at agad kong naamoy ang mahalimuyak na pabango. L

