Chapter 16: Surprise Third Person's POV PARANG TANGA naman si Xyreb na nakahiga sa sofa habang nakatulala sa kisame at iniisip niya ang f**k buddy na inaalok ni Marie. "Argh! Kainis, nasa huli talaga ang pagsisisi. Hindi ko na naisip sina Mama at Xyrus at inuuna ko ang libog ko kaysa sa kanila." Naturingan siyang edukado at nagpapakatanga para gumawa ng kasalanan. Hindi niya maaatim na gawin muli ang gano'ng bagay lalo na't sa sinabing proposal ni Marie sa kaniya at nasusuka siya. Hindi niya kayang makipagtalik sa iba't-ibang babae at hindi rin niya kayang tikman ang mga tinitikman ng ibang mga lalaki. "Hindi na 'ko makikipagkita kay Marie dahil hindi siya maganda sa 'king sistema. Kailangan kong umayos at magbago at baka mapagalitan pa 'ko ni Mama sa mga kalaswaang ipinaggagawa ko. Mam

