CHAPTER 8 (Carrie’s POV)

1261 Words
Carrie raised her eyebrows at Winter's extremely happy good mood. Kanina pa ito nakangiti. Simula nang hawakan ito sa pwet nung lalake sa bus.   Bigla tuloy siyang napasimangot.   "Natutuwa ka ba dahil hinawakan ka sa pwet nung lalake kanina?"   Bigla tuloy itong napalingon sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata nito na tila hindi ito makapaniwala sa tanong niya.   Winter scoffed at her. "What did you just say?!"   Halata sa boses nito ang pagkainis. It was peachy and high.   She was taken a back. "Uhmm....sabi ko. Natuwa ka ba dahil---"   "Don't even try to continue that sentence! My gosh! How could you be so dense?!"   Inis na nauna itong maglakad sa kanya papasok sa meeting room.   Naikiling niya tuloy ang ulo. Kanina halos awayin siya nito. But then that woman is in extremely happy mood without reasons? Tapos ngayon mainit na naman ulo nito. Should she be worried? Mukhang bipolar ito o kaya may sakit sa ulo.   "Wait Winter!" Hinabok niya ito, pero mabibilis ang hakbang na iniwan siya nito.   "Tse!"   ..............   Salubong pa rin ang kilay nito kahit na nasa loob na sila ng meeting. Kada minuto tuloy ay napapalingon siya sa pwesto nito pero puro irap ang binibigay nito sa kanyang tingin.   "So guys. Nabalitaan niyo na siguro na i-t-turn over na ni President ang kumpanya sa anak niya. I'm here to introduce her." Nakangiting hinawakan niya sa bewang si Winter para igiya sa unahan. Mabuti na lang at hindi ito nag protesta.   Saglit niyang naramdaman ang kuryente sa paghawak na yun pero agad din siyang nakabawi. She shook her head. Focus Carrie!   "I present to you Miss Winter Mckinley." Nilakasan niya ang boses para marinig maigi ng ibang tao sa conference room.   Nagpalakpakan ang mga employee doon. Pati na ang manager ng branch na pinuntahan nila. Winter on the other hand was smiling too. Mukhang nawala na rin ang bad mood nito.   Matapos ang meeting s***h presenting the COO. Lumabas na rin silang lahat sa board room.   In-orient lang naman nila ang mga ito sa pagbabago ng management. Yun kasi ang bilin sa kanya ng matandang Mckinley.   "So how was your impression of this branch?" Nakangiting tanong niya kay Winter habang naglalakad sila sa hallway." This is one of the most prestigious branch of Mckinley Shipping."   "Ok lang." Winter said.   "What?!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito.   Matapos ang masarap na tanghalian na treat ng kumpanya dito. Sa artistic ambiance ng buong branch. Yun lang ang masasabi nito.   Her eyebrows twitch. "Alam mo bang kakilal---"   "Carrie!"   Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng may dumamba sa kanya sa likod. Muntik pa siyang ma out of balance. Buti na lang medyo magaan lang ang dumagan sa kanya. And she knew who did it to her everytime she's in this particular branch. Hinawakan niya ang legs nito para ma-steady silang dalawa dahil kung hindi ay baka matumba talaga silang dalawa.   "Michelle!"   Agad niyang inalis ang pagkakapulupot nito sa leeg niya. Saka siya tumingin kay Winter. Kitang kita niya ang bumalatay na pagkainis sa mukha nito.   "Babaera!"   "May sinabi ka ba Winter?"   Hindi niya kasi naintindihan ang sinabi nito dahil piningot ni Michelle ang tenga niya pero hindi na siya nito sinagot. Kaya ibinaling niya na lang ang tingin kay Michelle.   "Ano ba Michelle?!" Pilit niyang inaalis ang pagkakapulupot nito sa leeg niya. Nasasakal na din kasi siya.   "Na miss lang kita."Saka ito nagsumiksik sa leeg niya. Inamoy amoy pa ang buhok niya.   "Sabi ko naman sayo. I don't like you as a girlfriend. Malinaw na tayo dun di ba?"   "Pero you're really my type!"   Napangiwi siya. Kaya ayaw niya din na pumunta sa branch na 'to. This is Michelle San Antonio. Ang resident architech ng kumpanya. Isa itong bisexual na straightforward sa pagsasabi kung may gusto ito sa isang tao.   Nagising na lang daw ito isang araw na siya na ang gusto. Magkaibigan kasi sila nito. Bago ito nagkagusto sa kanya. Kaya nga kahit na ganito ito sa kanya. She was still patient with Michelle dahil kaibigan nga niya ito. At ngayon siya ang pinu-pursue nito.   Michelle didn't even accuse her of being a gold digger. Isa ito sa nakaunawa sa kanya nung pumutok yung balita tungkol sa 'allegedly' relationship nila ng ama ni Winter.   "Mich."   And yup. Ito din ang may design sa buong kumpanya. Kahit na ang artistic ambiance sa bawat sulok.   "Carrie." Nagpa cute pa ito sa kanya.   "I need you to meet first---"   Paglingon niya sa pwesto ni Winter. Naglalakad na pala ito palabas ng hallway ng kumpanya. Ni hindi nga siya nito nilingon.   "Wait lang Mich. Sa susunod na lang kita ipapakilala." Maingat niyang ibinaba si Michelle.   Nagmamadali siyang humabol kay Winter. Susunod din sana sa kanya si Michelle pero sumenyas siya dito na wag na. Mabuti na lang at hindi rin ito nakasunod ng tawagin ito ng manager ng kumpanya.   "Winter!"   Hindi talaga siya nito nililingon. Lakad takbo na nga ang ginawa niya para maabutan ito. Masyado kasi itong matangkad kesa sa kanya. Kaya ang layo na agad ng bawat hakbang nito.   "Ano ba?!"   Hinawakan niya ito sa braso at pinaharap sa kanya. Nakasalubong ang kilay nito.   "Why? Di ba tapos na ang pag tour mo sakin? Let's go." Tumalikod ulit ito.   "Pero ipalakilala pa sana kita kay---"   "Don't even mention her name!" Winter glared at her." Una yung Georgina then this Michelle. Sino sino pang babae mo ha?"   Napanganga siya. "Hindi ko babae si Michelle kaibigan ko yun. Ipapakilala sana kita pero I don't know na meron ka palang bad manners, COO. Bakit bigla ka na lang umalis?"   Winter crossed her arms. "Anong sabi mo?!"   "You have bad manners. Why did you do that? Bigla ka na lang nag walk out!"   "I don't have bad manners! Yang mga babae mo ang sisihin mo! Kung saan saan sumusulpot!" Pagkasabi nun. Agad itong naglakad ulit.   She expelled a sigh. Hindi niya talaga ito maintindihan.   Sumunod na lang siya dito sa parking. Kung saan may kotse na na naghihintay sa kanila. Hiniram niya muna sa manager ng branch. She also texted Michelle sorry for leaving abruptly.   Wala silang kibuan dalawa hanggang sa maihatid niya ito sa tapat ng bahay nito.   Bumaba siya ng kotse para pagbuksan ito. Agad naman itong lumabas at hindi na siya nilingon.   Sasakay na rin sana siya sa loob ng kotse pero nakita siya agad ng matandang Mckinley. Inanyayahan na siya nitong pumasok. Hindi niya naman matanggihan dahil malaki ang utang na loob niya sa matanda.   Magkakaharap silang dalawa habang nasa labas ng garden ng mga ito.  Saglit kasi silang iniwan ng matanda para kumuha ng business proposal nito sa kanya. Isa din kasi siya sa share holder ng kumpanya.   Nakabihis na rin ng pink cotton short at white v-neck sleeveless si Winter. Samantalang siya naka business suit pa din.   Nginitian niya ito. Pero dahil ata sa away nila kanina. Inirapan lang siya nito.   "Winter..gusto ko sanang malaman kung bakit ka naiinis sakin."   Nanlaki ang mga mata nito at parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.   "May mali ba sa sinabi ko?"   "Are you sure you are intelligent?"   Nainsulto pa tuloy siya. "Eh sa hindi ko nga alam kung bakit."   Mahina itong tumawa. "Gosh you're dense."   "No I'm not!" Mariing tanggi niya. "Bawiin mo yung sinabi mo"   "You are."   "I'm not!"   "YOU. ARE."   Sa inis niya. Tumayo siya at nilapitan ito. Halos maduling ito sa pagkakalapit nila. Napa smirk siya.   "O ano ngayon? Natameme ka?"   Nakita niya ang paglunok nito. Saka bumaba ang tingin nito sa labi niya. She can see lust in Winter's eyes. Natigilan siya saglit. Tama ba ang nakita niya sa mga mata nito? Akala niya ba straight ito? Ni hindi nga siya nito nakilala? O baka tinatago lang nito.   "Winter!"   Napalingon silang dalawa sa pinto. Saka sila agad na nag hiwalay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD