Capitulo Diecinueve

2411 Words
Kerin's "Ako na ang bahala, I'll go. Ayusin mo muna ang problema mo", suhestyon ni Wesley, na nakaupo na pala sa coach ng kwarto ko at nagbabasa ng magazine. He annoyingly smiled at me, I hissed at him bago ibinaba na muna ang phone ko. Bigla nalang itong pumasok habang may kausap ako sa telepono. Alam na niya ang nangyari, well, everybody in the country knows what happened to her. Pati si Juanco ay sinabihan ko na rin ng tunay na nangyari, and that her child isn't mine and what could possibly lead Anya to do it. She ommited herself from the world. Di na siguro nito nakayanan ang dinadala, isama pa ang kondisyon na mayroon siya pero kailangan ko munang kompirmahin lahat dahil maaring may foul play pa rin sa nangyari. Someone must've cause it, or a situation may have occured para gawin niya ang ginawa niya. No one knows, I am still in the dark. Kailangan ko na siyang maka-usap, ang inatasan kong magbantay kay Anya. Ito ang tinatawagan ko ng pumasok nalang bigla sa opisina ko sa Pacific si Wesley. Ang tinutukoy nito ang ang pagpunta ko ng ibang bansa para isara ang isang malaking deal, ilang taon na namin inaasam iyon and now that we have it in our hand; nangyari pa ang mga nangyari. I even almost forgot for a minute until I collect my thoughts kung anong ibig sabihin ni Wesley. "Are you sure?", tinapik ko ito sa balikat nasa likod ako ng coach at nakapatong ang dalawang kamay doon. "I am sure, kahit na wala ka dun. You have so much at hand, I can atleast help you with this", ibinaba nito ang magaxine bago napakamot sa mata at napahikab pa. "But you, mukhang ilang araw ka nang di nakakatulog ng maayos. May eyebags ka na", tudyo ko rito. Umikot ako upang maupo sa tabi nito, at napa-cross arm at cross legs. It's been ages since I hear from Wes, masyado kaming busy sa buhay-buhay namin at kapag nagkikita naman kami puro related sa Pacific, we never really get to bond like brothers. I miss going to the Lagoon with him. "Right, Ben and I had a fight" "What about..." "Family matters... his Dad", panimula niya. "Ayaw kasi niyang kausapin ang Dad niya. I want him to, kaya nakipagkita ako sa Dad niya, and he knew and now he's mad about it. But, aside from me, he has no other family, Rin. Gusto ko lang naman maging open siya sa possibility na magkasundo sila ng tatay niya" "Its only been months simula ng maging kayo, Wes, stop prying into his life..." "Iyon na nga eh, kami na but he doesn't let me get to know him. Ang gusto niya makuntento ako sa ipinapakita niya kahit alam kong may mali...", tinaas pa nito ang mga kamay upang i-emphasize ang point niya. "He can't even sleep well at night, lage siyang binabangungot, I always find him in his video games, decoding stuff or fencing alone. Hindi ko alam kong anong gagawin ko para mag-open up siya sa akin, maaring boyfriend niya ako but I don't feel like one", bagsak ang mga kamay at balikat na lumubog ito pabalik sa couch. Hahampasin ko sana ang hinaharap nito ang bigla itong umayos. "Tangina nito!", mura pa niya, I scoffed at him. "Umayos ka kasi, di ka na bata. Hayaan mo muna si Ben. Mahirap mag- open sa isang bagay na nasanay siyang siya lang ang may alam at may pasan. Take whatever he has now, at makipagbati ka na. Nakakasuka ka tingnan kapag broken hearted", tumayo na ako. "Tangna mo, sinong broken hearted!", nakahawak pa rin sa ibaba niyang pinatid ako pero di naabot ng paa nito. Narinig kong tumayo siya at lalabas na sana ng pintuan ng maalala ko ang kaninang naisip ko. "Wesley...", tawag ko sa kanya na agad namang lumingon. "Pagkatapos ng lahat ng ito, bumalik tayo sa Lagoon dalhin natin sina Juanco at Benille. Ano sa tingin mo?" Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Sige ba! In time, bro! See ya!", nag-salute ito sa akin bago tuluyang lumabas. ~~ "Nasa tabi ka niya upang protektahan siya at ang batang dinadala niya pero, bakit nagkaganito, anong nangyari, Scarlett?", Hinarap ko si Scarlett, her royal blue hair ay nakatali sa likod, kita ang peklat sa gilid ng baba nito, na hindi nito itinatago kapag wala ito sa kahit na anong sekretong misyon gaya na lang ngayon. Mula ng maging isa ang Sovereign at ang Pacific, Scarlett work with me, but she still works her way, secretly, siya ang kinakailangan ko when I need to get the job to be confidential and secure. Mas may tiwala ako sa kanya kesa sa mga personal security na pwede niyang pamunuan but she chose to keep it lowkey, at hinahayaan lang naman siya ni Felixto. Kaya hindi ko inaasahan na under sa security niya ay mangyayari iyon kay Anya. "Like the reports, she committed suicide, Sir" "May bumisita ba sa kanya nitong huli? What made her do this" "Aside sa tingin ko ay boyfriend niya wala na ho, and she seems happy seeing him. Wala ring nakita sa CCTV... aside sa isang phone call" "Anong phone call. With who?" "Walang nakakaalam kong sino, pero matapos ang pag-uusap, di na siya mapakali. Kinaumagahan, ginawa na niya iyon" "Her phone, asaan?" "Wala ho akong nakalap sa phone sa kabuuan ng condo niya", paliwanag nito. "What?", "Tama ho kayo sa narinig, maaring sinira na ni Anya ang phone niya bago niya naisipang gawin iyon. Hanggang sa huli, pinoprotektahan niya ang kausap niya sa telepono..." "And she chose to die with it all?" "Unfortunately, yes" "So its who I think it is?" "Opo, si Mr. Del Valle ho mismo. Siya ang nagtulak kay Anya na gawin iyon" "Kung ganun, anong aksyon ang ginagawa ng mga Del Valle... are they, planning to frame me?", tanong ko rito dahil may mule itong ipinasok sa kabila na nagre-report ng mga galaw nito sa kanya. "No Sir, actually masyado silang tahimik ngayon pero kilala niyo naman sila. Isa lang itong katahimikan bago ang tunay na hagupit. Mas mabuting maging handa tayo sa maari nilang gawin. After all, namatay ang kaisa-isa niyang apo para lang maitago ang baho niyang kapag malaman ng ibang Mafia Don's ay katapusan na nila" "Very well, thank you, Scarlett" I have the Ace for a card. It will only take one wrong move from Eustacio for me to ruin and expose him and his filthy works. Juanco's Kasama ko ngayon si Anton. Tumawag ito sa akin, gusto daw ako nitong makasama ako sa lunch, pinaunlakan ko naman ito kaya narito ako ngayon, but today, he seems odd. Kanina pa kasi nito hindi ginagalaw ang nasa harap niya at panay lang ang tingin sa akin na tila inoobserbahan ang bawat galaw ko. Ang mga mata nito ay sa akin lang nakatuon, di ako makapokus sa kinakain. I even raised my brows at him as I took a bite of my food pero hindi ito nagsalita. Mabibilaukan na yata ako sa ginagawa nito. "Anong ginawa mo sa buhok mo?" "Cut and colored it kita naman di ba?" "Pinatawag mo ako dito for a dinner. Ngayon, di ka naman kumakain" "I have something for you...", nilabas nito sa bulsa ang isang box na naglalaman ng isang singsing. "Marry me..." "Kaya ba kanina ka pa seryoso, you were mustering the guts para sabihin iyan?" "I'll give the Salvacion sayo. Hindi mo na kailangan manatili sa Pacific, you need not to fake a smile sa Kerin na iyon. We can build an empire of our own, so marry me, Juanco" "Sinabi ko na sayo di ba, make the elders like Kerin" "Why do you care for that stupid boy so much. Wag mong sabihin na nagugustuhan mo na siya? " Mabilis kong inalis ang napkin sa hita ko at tumayo, pinunasan ko muna ang aking bibig. I then looked at him and scoffed. "Hindi ka tumupad sa usapan. I knew it, not surprised though. Kung ganun, we end here too", ibinaba ko ang napkin sa mesa at maglalakad na sana paalis ng hulihin ni Anton ang kamay ko. "Stop it's...", napadako ang tingin nito sa aking leeg, "What is that?", hinila niya ang kwelyo ko na pilit kong pinipigil pero mas malakas siya, at doon ay bumalandra sa kanya ang mga kiss marks na ginawa ni Kerin. "Sino?... Sino? Umamin ka?! Who the f**k leaves those on you?!" "Wala ka nang pakialam doon" "Si Kerin, tama ba ako? Siya ang may gawa niyan. You are f*****g him too?" "We are not f*****g, so technically, siya lang at walang ikaw" Wala na akong pakialam kung malaman nito, at this point, with him acting like this, ayoko nang makisama rito. "Puta!", tinaas nito ang kamay para sana ay sampalin ako. Inilapit ko pa ang aking mukha bilang paghahamon, natigil ang kamay nito sa ere. Galit na galit ito at nanlaki ang butas ng ilong. "Sige, saktan mo ako. Diyan ka naman magaling. Kung hindi sa pananakot sa akin, sa pananakit!", ibinaba nito ang kamay. "Hindi napa sa iyo si Damien, kaya ngayon ang anak niya? Napakababa mo, Juanco! Sa tingin mo talaga ay tatanggapin ka niya kapag nalaman niya ang nakaraan mo?! I doubt!" Itinulak ko ito bago magsalita. "Wag mong idamay si Damien dito, he's in peace now. Kung anong nangyayari ngayon, this is our choice. At ikaw, after all these years, mas pinipili mo pa rin ang maging duwag and still use Damien's memory to torment me. But now, I have moved on, as you can see", sabay hawak ko sa aking buhok. Nanginginig ang kalamnan na buong puso kong wika rito. Ito ang kinakatakutan ko, ang gamitin sa akin si Damien and I know one person who can do that to me at si Anton iyon. I was even on the edge ng malaman kong may ugnayan si Kerin at Damien dahil maaaring gawin rin ni Kerin iyon sa akin but he didn't. Pinatunayan ni Kerin that you decide for your actions alone at nasa sa iyo na kung magpapaapekto ka sa ibang tao at sa katotohanan. To repeat or not a devastating cycle of physical and emotional torture. "Kaya kahit kailan hindi kita mamahalin, Anton, dahil noon pa man lamang na si Damien at kahit ngayon din, lamang pa rin bilang lalaki si Kerin", halos mapaos ko nang sabi rito ang galit nitong mukhang ay unting naiibsan at tila napalitan ng hinagpis ng pagkatalo niya sa katotohanang di na niya magagamit ang emosyon ko laban sa akin, he looked away from me. "I was happy being your friend pero itinapon mo lang iyon ng gabing pinili mong gawin sa amin iyon ni Damien. It is not Damon who caused us pain for all these year, the very reason I exiled myself; it was you, and your selfishness... Kaya please, Anton, let us stop here" Lumapit ito at hinawakan ako sa pisngi, he's being desperate again. "Paano mong minahal ang taong iyon sa kakaunting panahon habang ako, buong buhay ko, ikaw lang ang ninais ko?!" "You wanting me is not you loving me, Anton, magkaiba iyon at hanggang ngayon di mo iyon maintindihan. Right here, what you are doing is the exact reason na di ko magawa sa sarili kong mahalin ka!" Akala ko ay papakawalan na ako nito pero hinigit pa niya akong lalo sa kanya at niyakap. Umaalig ang balikat nito, umiiyak na siya ngayon, pero kinuha ko ang buong lakas upang kumawala sa kanya. "Pagsisisihan mo... kapag umalis ka sa pamamahay ko ngayon at tuluyan akong ipagtabuyan", biglang sabi nito. Ngunit buo na ang desisyon ko. Tinalikuran ko na ito at tuluyan nang lumabas. Hindi alna ako natatakot sa mga banta nito. This ends here, ayoko nang magkaroon ng kahit na anong ugnayan kay Anton sa kahit na anong paraan. So I left, and never looked back. Agad kong pinuntahan si Kerin, he's what I need. Nadatnan ko ito sa labas kasama ang mga security niya , anduon pa nga si Amir siguro ay may lakad ang mga ito. May kausap ito sa telepono ng mapansin ako nito. He smiled at me, at ako rin. Umangat ang kanina pang bagsak kong puso sa nangyari sa pagitan namin ni Anton. Muling nag-ring ang phone nito. Tinaas niya ang kamay at sumenyas na sasagutin lang nito ang tawag. Tumango lang din ako at naglakad pa papalapit rito dahil masyadong malapad ang front yard, malayo pa ko. I was all smiles na papalapit dito ng tila nawawala ang kanyang mga ngiti na napalitan ng pagkalungkot hanggang sa naging blanko ang kanyang ekspresyon, at bagsak na ibinaba ang kamay, napatigil ako sa paglalakad. Ilang dipa nalang ang layo ko rito ng magsalita siya. "Si Wesley... Si Wes--" *BOOOOOOOSGH!!! Isang malakas na pagsabog ang nanggaling sa buong kabahayan at silang lahat na nasa harap ko ay tila mga debris na nag-iisahang tumilapon patungo sa akin habang ako rin ay ganuon ngunit papalayo sa kanila. Naningkit ang aking mga mata at tanging matinis na panting sa aking tenga lang ang aking naririnig habang tila nagso-slow mo ang lahat hanggang sa bumagsak ako ng nakatihaya sa malamig na sahig sabay ang isang katawan rin na bumagsak padapa sa aking tabi, si Kerin iyon, nakapikit, walang malay tao, habang ako ay unti-unti na rin na napapapikit. Nanginginig man ay pilit ko siyang inaabot, napakasakit ng katawan ko, may nakatusok kasing isang bubog sa aking kaliwang binti. It was like before... It's happening again... Like Damien and I... now, Kerin and I "N-no...", garalgaral na ang aking boses. Nahihirapan man ay tumihaya ako at pilit na nilalabanan ang pagkahilo at kahit na anong sakit. Pilit na ginagapang ang sarili palapit kay Kerin na nagawa ko naman din. "K-k-ker... Agh Ke-Ker-kerin ugghaa! Kerin!", nahihirapan kong tawag dito pero hindi ito sumasagot. Parang-awa niyo na! Kerin please, kahit isang maliit na ungol lang, please, stay with me Kerin! Hinuli ko ang mukha nito, inangat ang sarili upang maupo at sinubukan itong i-resuscitate. "Come on, Kerin please. Just one breath please!", sigaw ko na rito at pinaghahampas na ang dibdib niya in desperation. Hanggang sa dumilat ng mga mata nito. "Kerin?", iniangat nito ang kamay sa aking pisngi, kinuha ko iyon. "Ju-juan-co?", tumango-tango ako at hinagkan ang kamay niya at nang tila kumalma na ay muling nagpanting ang aking tenga at ako naman ang bumagsak rito tanging pagtawag lang ng pangalan ko ang aking huling narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD