[KENT'S POV] Pagkatapos ng birthday party ni James ay pumunta na kami sa assigned bedroom namin. Mga 1AM na rin kami natapos. Ako lang ang mag-isa rito sa kwarto ni Fredison dahil doon sa kwarto ni James matutulog si Keith. Sana lang ay walang mangyari sa kanila. May pagkamanyak pa naman 'tong si James, at ito namang si Keith ay madaling bumigay kapag makakita lang ng abs. Naalala ko pa nga yung time kung paano niya pinagnasaan ang abs ni Billy noong makita niya itong topless sa isang magazine. Noon pa 'yon nung may feelings pa siya kay Billy. Sina Shin, Tao at Lachlan naman ay sa sala na natulog. Naging masaya ang birthday party ni James. Kahit paano ay hindi ko na masyadong naiisip pa si Fredison but I still love him. Pahiga na sana ako sa kama nang mapansin ko ang librong nahanap k

