"PAANO kaya kung lahat ng panaginip nangyayari sa totoong buhay?" ani ko kay Arsen saka tumingin sa kanya. "Wag naman sana lahat."
"Para kang baliw bes," sagot niya saka ininom ang juice na naiwan sa inumin niya. "Teka nga, ba't ba ganyan iniisip mo? Di naman siguro kulang tulog mo?"
"E kasi naman bes, paano kung totoo pala 'yun? Di ko kilala si Ate Megan, tapos ikaw, naiinis ako sa'yo. Tapos may lumabas pa na gwapong mukha doon sa diary ko. E, nakakatakot kaya bes." giit ko sa kanya.
Nadamay ko pa sa kabaliwan itong kaibigan ko dahil sa panaginip ko kagabi. Sino ba naman kasi ang di maka-move on doon? Buti na lang sa totoong buhay, di totoo ang mga 'yun. Hays, pasalamat ako di umabsent si Arsen ngayon at may makwentuhan ako.
"Ang OA mo lang talaga bes, nai-stress kilay ko sa'yo!"
Natawa ako sa sinabi niya. Buti na lang talaga di baliw mag-isip si Arsen kundi dalawa na kami ang baliw ngayon.
"By the way, himala bes ah, di ka absent ngayon" hagikhik ko saka kinuha ang maliit na salamin sa harapan niya. Lagi itong bitbit ni Arsen, maya't-maya kasi chini-check yung kilay niya at magli-liptint. Talo pa ata ang hinog na kamatis sa pula na bibig niya.
Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. May malaki akong nunal sa ibabang banda ng labi ko. Marami rin ako alagang tigyawat sa mukha. Maputi naman ako at maganda rin ang pagkaayos ng ilong at mukha ko. Mapula rin naman yung lips ko. Yun nga lang, wagwag lagi ang buhok. Ayaw kasi makisama ang suklay at shampoo sa maalon alon kong buhok.
"Miss kita e, marami pa naman nag-aaway sayo dito, walang may magtatanggol sayo." paismid na sagot niya saka inagaw sa akin ang salamin.
Sus! Kala mo naman tinatanggol talaga ako ng babae to. Wala naman may nag-aaksayang umaway sa akin! Kung tutuusin, walang may pakialam sa existence ko.
"Parang may mali ata doon sa pagtatanggol mo sa akin, parang baliktad bes..." suway ko.
Napahagikhik na lang siya sa sinabi ko.
Arsen is a best friend. Simula bata ata e magkakampi na kami. Ang pinagkaiba lang namin, mas pangit siya kaysa sa akin. Minsan, napagkamalan kaming wakwak sa gabi dahil sa buhok namin.
Pero joke lang yun, maganda si Arsen. Manang-mana ang maamo niyang mukha sa namatay niyang papa. Ang papa niya at mga magulang ko, sabay na namatay dahil sa aksidente.
That was 12 years ago.
Dahil sa aksidente na 'yun, si Ate Megan na ang tumayo bilang magulang ko. 16 na ako ngayon at 22 na si ate Megan.
Kaming dalawa na lang sa buhay ni ate. Nakikitira lang kami sa paupahan ni Madamme Yola, mama ni Arsen.
Bago pa mag-ring ang bell ng Hevton University, nasa loob na kami ng classroom ni Arsen. Ganyan ako mag-impluwensya kay Arsen. Sadly, I'm not that good student in our class and average lang kung mag-isip. Unlike Arsen, top student kahit laging absent at late. And because of that, marami ang humahanga sa kanya despite sa kakulangan niya sa school. Yun nga lang sa sobrang pagkahanga sa kanya, minsan nababastos na siya which is gustong-gusto niya naman.
Mag-isa lang ako sa upuan. Sa likod. Malapit sa bintana. Ako ang may gusto nito. Si Arsen doon umuupo sa unahan, katabi 'yung gwapo namin na classmate. Si George. Crush niya kasi 'yun.
George Mosqueda is a top 1 student and president sa campus. Si Arsen naman ang sumusunod sa yapak niya. And to be honest, bagay silang dalawa. Maganda at gwapo.
Kita ko kung paano kinikilig si Arsen kapag kinakausap niya si George. Minsan iniisip ko, ano kaya ang pakiramdam na kinikilig. Pero good thing, di naman ako naiinggit o nagseselos kay Arsen. Sa totoo lang, masaya ako sa kanya kasi lagi siya nandiyan sa akin.
Siguro kung wala akong sakit na asthma, hindi ako maging ganito. Siguro mahilig ako makipaghalubilo sa mga classmates ko, makipagbiruan at halakhakan sa kanila. Siguro, marami akong sports na sinasalihan at laging nagpaparticipate sa klase.
'Yun nga lang kay Arsen at sa diary ko lang talaga umiikot ang kuwento ko. Wala kasi ibang may gusto makipag-usap sa akin, ayaw kasi nila mahawaan sa sakit ko. Baka daw kasi may tuberculosis ako dahil sa lagi ako nadadala sa Hospital.
My life is really boring. Nagiging exciting lang ang buhay ko dahil sa napapanaginipan ko. O kung minsan, may pumapansin sa akin. O madalang na pagtatanggol kay Arsen mula sa bumabastos sa kanya. Good thing naman kasi walang may nagtatangkang awayin ako.
Siguro kung wala ang diary ko at si Tres, lunod na lunod na ako sa ka-boringan ng buhay. Di kasi sa lahat ng oras, naku-kuwento ko kay Arsen ang lahat na pangyayari sa buhay ko.
Pero di ibig sabihin 'nun na kuntento na ako sa buhay. Isang pagkakamali 'yun. I want to live in an exciting life too. Pero di ko alam kung kailan mangayayari 'yun kung may sakit pa ako na nilalabanan ngayon.
Naudlot ang pag-iisip ko nang biglang sumigaw si Mr. Sanchez, history professor namin dahil sa ingay ng mga classmates ko.
Tila ba dumaan si Satanas dahilan para tumahimik ang lahat at napukaw ang atensyon namin.
Kanina pa nagtuturo si sir. Kita yung inis sa mukha niya dahil iilan lang sa amin ang nakikinig.
Kumunot lang saglit ang noo ni sir sa pangingimkim bago siya bumalik sa pagtuturo. Ayaw kasi nito magalit ng todo baka atakihin siya anytime ng kanyang high blood.
"Again, listen everyone," gigil niya saka inulit ang kanina'y tanong "Sino sa inyo dito ang naniniwala na may sariling buhay ang aklat o ating kwaderno?"
Tila may tumulak sa loob ko sa tanong ni sir dahilan para magtaas ako ng aking kamay. Nagsimula na rin ang samo't-saring reaction ng mga classmates ko sa tanong ni Mr. Sanchez pero wala naman may nagtangkang tumaas ng kanilang kamay.
Napako ang atensyon ni sir sa pagtaas ng kamay ko. Ang kanina'y inis sa kanyang mukha ay napalitan iyon ng mukhang di makapaniwala.
"O....only Ms. Mira Salazar believes in it?" pansin sa boses ni sir ang may pag-alinlangan.
Natahimik at nagsipaglingunan agad ang mga classmates ko sa akin. Iilan sa mga mata nila ay nagtataka at halos di rin makapaniwala. Alam kong first time ko mag-participate sa klase kaya ganoon na lamang ang reaction nila.
Para bang may kung anong insekto ang bumulabog sa naramdaman ko ngayon. Di ko maitago ang sobrang pagkahiya.
Nagkaroon ulit ng bulungan sa klase. May narinig pa ako na-engkanto ako. Pero di ko na iyon inisip pa nang magsalita ulit si sir.
"This is first time Mira that you're participating now in my class, and I'm glad. Anyways..." napangiti ako ng palihim dahil sa sinabi ni sir. Nagkaroon tuloy ako ng confident sagutin kung ano man ang katanungan niya.
"If I'm not mistaken, tumaas ka ng kamay dahil naniniwala ka na may sariling buhay ang ating mga aklat?" paninigurado niya. "Well, this is a bit weird question at sayo pa talaga natumong ang tanong."
"Yes, sir." sagot ko in a confident way. Pero joke lang. Tumango lang ako bilang pagtugon kay sir.
"How can you prove that?" intriga ni sir. "Do you have a living book?"
Narinig ko ang mahinang hagikhikan ng classmates ko.
Dahil sa tanong ni Mr. Sanchez, unang pumasok agad sa isipan ko ang aking diary. Naalala ko kung paano ko ito binigyan ng buhay simula nang mamatay ang aking magulang. Isang dekada narin ang nakalipas. At hanggang ngayon, lagi ko na ito kasama.
"Like novels, Bibles, diaries, etc., lahat po ito ay may kanya-kanyang buhay na di natin basta basta mabura sa kasaysayan. Ang buhay na iyon ay kwento po ng ating nakaraan at maging sa hinaharap. And I think, books will never exist kung walang buhay ang laman nito o kung walang impact ang kwento nito sa ating mga buhay. Naniniwala kasi ako na 'di gumagawa ng aklat ang mga author kung di nila bibigyan ng buhay ang laman nito. That's why the book they made reflects to their lives and also to our lives. That's all po, sir."
Di ko alam kung tama ba ang sagot ko o may connection ba ito sa tanong ni sir. Basta ang alam ko ay hinihingal ako ngayon dahil sumasabay ang kaba at confident sa sistema ko.
Wala naman may nag-react sa sinagot ko. Katunayan, natahimik ang lahat at para bang naghihintay sa susunod ko pang sasabihin.
"Wow, bestfriend ko 'yan," naputol ang katahimikan sa sigaw ni Arsen. Sa puntong iyon, mas lalo ako nabuhayan ng loob. "Galing mo, bes" dagdag niya sabay bigay sa akin ng thumbs up.
Napangiti ako sa bestfriend ko. She saves my day.
Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ang pagngiti ni George sa gawi ko. Alam kong ako ang nginitian niya. Like I know George, suplado siya. Why on earth is he smiling on me?
Batid ko napansin iyon ni Arsen.
"Wow Ms. Salazar, you have a good explanation," puri ni sir. "keep it up and please participate to us always," dagdag niya saka ngumiti sa akin.
Nang matapos ang buong maghapon na klase, tumatambay muna ako doon sa mini garden sa likod ng Writer's Room o WR sa school namin.
Sa WR kasi dumiderecho si Arsen pagkatapos ng klase. Siya kasi ang editor-in-chief ng school papers ng Hevton.
Matagal na ako dito sa school, pero di pa ako nakapasok sa loob ng WR. Higpit na i***********l kasi ang pagpasok ng mga students dito except sa mga editorial boards. Ayon kasi kay Arsen, maraming elemento rito na di pwede makita o mahawakan ninuman. At pag nangyari 'yun, maging komplikado ang takbo ng buhay ng isang tao o kundi mamamatay.
Mataas na gusali ang WR. Payapa. Malayo layo sa mga school buildings kung saan napapalibutan ng mag-aaral. Di tulad nila, dito sa mini-garden sa likod ng WR ko nai-enjoy ang aking sarili.
"Miss mo ba ako, Tres?" malapad ang ngiti ko papalapit sa kaibigan na isang puno. Alam ko baliw lang ang gumagawa nito, but Tres really gives me a comfort.
Umupo ako sa gilid ni Tres. Malaking puno siya. Kapag katabi ko siya at ang diary ko na si Raid, pakiramdam ko wala akong sakit na anytime aataki sa akin.
"Alam kong miss mo na rin si Raid, Tres. Two days din kasi kami hindi nagpakita sa'yo," ani ko habang binubuksan ang bag. Nilabas ko si Raid kasama ang paborito kong red ballpen.
"May ku-kuwento na naman ako sa inyo, Raid. Matagal tagal din ako hindi nakapagsulat sa'yo ng entry. Wala na kasi masyado exciting at magandang ganap sa buhay ko. Buti na lang kanina, meron," excited na litanya ko sa kanila.
Lumang kwaderno na si Raid. Malinaw pa sa utak ko ang isang matandang lalaki na bumigay nito sa akin. Ani ng matanda 'di ko raw ito pababayaan hanggang sa muli naming pagkikita. Alam ko mahalaga itong kwaderno sa kanya. Kung hindi lang daw marahil magkamukha kami ng yumao niyang kasintahan, di niya ito ibibigay sa akin.
Nang binuksan ko si Raid, napapangiti na naman ako sa unang pahina kung saan dito ko sinulat at binigyan buhay ang aking diary. Ito lagi ang bumubungad sa akin. This entry is like a prayer for me before writing another entry.
*****
Hi Diary,
Para mas unique ka di tulad sa ibang diary, bibigyan kita ng pangalan, Raid... Nyahaha (smiley)
Please take care my life inside this diary... inside you, Raid. I am your life. I will be your life.
Ayaw ko na sana maging malungkot, Raid. Please be my happiness... until my life's entry ends.
*This Journal belongs to Mira Salazar*
*****
Matapos ko basahin iyon, nilipat ko na agad ang atensyon sa aking last entry. It was entry #364, nakasulat dito yung time na hinoldap ako ng mga adik doon sa pasilyo kung saan ako dumadaan kapag uuwi sa bahay namin.
"Isang buwan din pala ako di nakapagkwento sa'yo, Raid." saad ko sa diary nang mapansin na last month pa pala ako nakapag-entry.
Inumpisahan ko na rin sulatin ang entry #365 kay Raid.
"By the way...." napangiti ako nang pumasok sa isip ko ang magandang nangyari kanina sa klase ni Mr. Sanchez. Minsan talaga may araw na sobrang saya natin. Ito ata yung sinasabi nila na darating 'yung right time para sayo.
I think, right time yun kanina. Masaya ako dahil nagawa ko magsalita sa harap ng aking mga kaklase. Pinuri ako ng guro ko for the first time. Tapos ngumiti pa sa akin ang crush ng campus. Pakiramdam ko, di ako iba sa kanila... na tanggap nila ako.
Ang ngiti ko ay nadagdagan ng biglang pagluha sa aking mata habang sinusulat ang entry kay Raid. Hinayaan ko na tumutulo ang butil ng mga luha ko sa kanya. "Masaya lang talaga ako."
Nilipat ko ang tingin kay Tres. Sumasayaw siya sa bawat pag-ihip at simoy ng mahinahong hangin. Hudyat iyon na masaya si Tres sa akin.
Sandali akong namamahinga sa katawan ni Tres pagkatapos ko sumulat ng entry. Maya't-maya'y chinecheck ang oras sa aking relo.
5:30 pm na rin at di pa lumalabas si Arsen sa WR. Di na iyon bago sa akin. Kung hindi lang kami magkapitbahay ni Arsen, baka nasa bahay na ako sa ganitong oras.
Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kakahintay.
***
NAGISING na lang ako nang may kamay na humihimas sa aking ulo. Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang babae kanina sa Hospital. Kilala ko na siya. Siya nga si ate Megan na tinutukoy kanina ng doctor sa akin.
"Ate, bakit?" bigla na lang ako napahikbi sa takot nang maalala kung paano ko siya nakalimutan kanina sa Hospital. "Bakit di kita nakikilala sa tuwing umaataki ang asthma ko? Bakit pakiramdam ko nasa ibang katawan ako? Na parang di po ako si Mira Salazar? Ate, natatakot na ako."
"Ssshh tahan na sis, dito lang ang ate" kita ko ang malungkot na tingin sa akin ni ate Megan. "Di ka pababayaan ng ate..."
Araw araw, para akong nabibingi sa mga nangyayari sa akin. Parang kay lungkot lungkot ng buong buhay ko. Para akong nakakulong sa isang madilim na lungga na gusto makahanap ng kaginhawaan.
Nakakapanghina. Nakakabingi. Nakakawalang gana mabuhay. Kung di lang dahil kay ate, matagal na akong sumuko sa buhay.
Hinahagod lang ni ate ang ulo ko. Ganyan lagi ang ginagawa niya para mapatahan ako.
Natatandaan ko kanina ang nangyayari sa akin. Na hindi Mira Salazar ang pangalan ko kundi Yassy Del Mundo. Yung babae na nangialam ng diary ko. I remember her name. ARSEN. Her name is familiar pero alam ko di siya nagi-exist. Yung gwapong mukha na nagpakita sa diary ko. They were only in my imagination at all. What happened is like a sickness of mine that never cures.
Ganyan ako everytime inaataki ako ng aking asthma. Minsan di ko nakikilala ang aking sarili, maging ang mga tao sa palibot ko. At ang pinakasaklap, kung sino sino na lang na tao ang pumapasok sa isipan ko na parang totoo sila.
"Ate, anong oras na?" tanong ko kay ate Megan nang mahimas-himasan ako. "Hindi ba may importanteng lakad ka ngayon?"
Tumango si ate Megan saka ngumiti sa akin. "Quarter to 7pm na sis. Kaso ayoko magising ka na wala ako sa tabi mo," paglalambing niya.
Nakabihis na si ate Megan. Alam ko na hinihintay niya lamang na magising ako bago umalis.
"Ate, late ka na ng 30mins," ani ko sa kanya. Binigyan ko siya ng tingin na ayos na ako.
"Sigurado ka na pwede na kita iwan rito?" alalang tanong niya.
Tumango ako.
Ilang sandali pa na pamimilit ko sa kanya na kaya ko na ang sarili ko saka pa niya ako iniwanan dito sa nirerentahan namin na boarding house.
Huminga ako ng malalim. Sobrang nakadagdag ng kabingihan ang katahimikan.
Tumayo ako at naisipan na kunin ang aking diary na nakatago sa loob ng lumang aparador namin. Matagal tagal na rin kasi na di ko iyon nagagalaw. Gusto ko sana magsulat ng entry at mga ganap sa buhay ko kaso ubos na ang pahina nun.
Medyo inaabog na ang diary nang masilayan ko ito. Sandali ko ito minasdan bago ko kinuha. Parang may kuryente na dumaloy sa loob ko nang mahawakan ito. Di ko na iyon pinansin at kumuha na lang ng damit para punasan ito.
Mas minasdan ko ng mabuti ang diary pagkatapos ko malinisan. Napakurap ako nang sandali akong nahipnotismo sa pagtitig. Para itong may sariling buhay.
Naalala ko tuloy ang gwapong mukha na lumabas rito. Pero imahinasyon lamang ang mukhang iyon.
Iniling ko na lang ang aking ulo. Di ko dapat iniisip ang mga ganito lalo pa't ako lang mag-isa sa bahay. "Malabo naman mangyari iyon" ani ng isip ko.
Binuksan ko na lang ang pinakahuling entry na sinulat ko rito.
Entry #365
Babasahin ko pa lang sana ang nakasulat sa last entry nang biglang nagsipagtayuan ang aking balahibo.
Kitang kita sa mga mata ko na unti unti nabubura ang sulat mula rito. Parang mga alitaptap ang bawat letra na kusa nagsi-alisan sa papel.
Labis na takot ang bumalot sa aking sistema. Nanginginig ang katawan ko sa nasasaksihan. Para akong sinaniban at kinukuryente ng kakaibang elemento. Kahit anong pilit ko alisin sa kamay ang diary ko ngunit labis ito nakakapit sa aking palad dahilan para lalo ako manghina.
Makalipas ang ilang segundo, biglang nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag mula sa diary dahilan para mapapikit ako ng sobra at tumilapon sa pader. Ni hindi ko man lang naramdaman ang impact na pagkatalsik ko.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko, iniisip na baka nagkaroon na naman ulit ako ng bagong imahinasyon.
Ngunit dismayado ako.
Isang lalaking nakahubo't-h***d ang nakatayo sa kinalalagyan ko kanina bago tumalsik.
Halos lumuwa sa laki ng mata ko sa nakikita. Pero mas labis na nangingibabaw ang takot ang nararamdaman ko.
Pinikit ko uli ang mata ko at pinapakalma ang sarili. Baka imahinasyon lang ulit ito. "Ganito naman ako lagi diba?" ani ko sa sarili.
Unti unti ko minulat ang mata ko pero nasawi ako sa iniisip. Nandoon parin ang lalaki. Sa puntong iyon, may suot na itong damit pambabae.
"Hi, Mira. You are my life and I will be your happiness. Please let me live in reality," seryosong litanya ng lalaki. "I am Raid, the one you created inside this diary."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Imahinasyon parin ba ito o totoo na?" tanong ng isipan ko.