Isang linggo na rin pala ang nakalipas. Isang linggo na puno ng gulatan, puno ng rebelasyon at puno ng pagpapanggap. Ingat na ingat ako sa bawat kilos ko. Ni halos ay hindi ako umiimik kapag nandito lang ako sa bahay. Hindi rin ako makatulog dahil ang mismong mga alaala ni Elisa sa panaginip ko ay gumugulo sa akin. Some of her memories are playing in my head kaya minsan sa sobrang pag-alam ko sa aking misyon ay nakakaligtaan kong matulog. Kaya nagmumukha akong zombie kinabukasan.
"Hija, bakit gan'yan ang hitsura mo? Bakit mukha kang puyat?" tanong ng ina ni Elisa sa akin. Sa wakas din ay nalaman ko na rin ang pangalan nitong si momshie ni Elisa. Siya pala si Senyora Esmeralda o kilala sa tawag na Senyora Esme. Mabait naman siya at maalalahanin. Sa pamilyang ito ay dapat sabay-sabay kaming kumakain. Walang nauuna at walang nahuhuli kaya naging pasakit sa akin tuwing kumakain kami dahil pakiramdam ko ay lahat sila nakatutok sa bawat kilos ko. Samahan pa itong kapatid ni Elisa na si Elias. Malaki pa rin ang hinala nito sa katauhan ko kahit ilang beses na siya pinagsabihan ng kanilang ina. Hindi rin lumalapit si Elias sa akin at panay lang siya sa pagtitig na animo ay iba akong tao sa paningin niya. Kung minsan din ay hindi ako makasabay sa kung ano ang kanilang pinag-uusapan kaya panay na lamang ako sa pagtango.
"Pasensya na po, ina. Nakaligtaan ko po kasi ang oras kagabi dahil sa pagbabasa ko," pagsisinungaling ko. Kung minsan ay iniisip ko na baka magka-award ako sa pagiging sinungaling. Kotang-kota na ako sa pagsisinungaling na kung minsan ay tinatablan na ako ng konsensya ko.
"Alagaan mo ang iyong sarili, hija. Lalo pa at darating na si Francisco mamaya rito," wika pa nito atsaka hinawakan ay siyang kamay ko. Ngumiti lang ako bilang pagtugon sa sinabi nito.
This is it! Makikilala ko na rin ang lalaking nais takasan ni Elisa. Ang lalaking nais siyang pakasalan. Ang matandang hukluban na si Francisco. Hindi talaga maalis sa isip ko ang posibleng hitsura nito. Ayon na rin sa mga nakikita kong mga mukha sa history books ko. May balbas, may salamin sa mata tapos kulubot na ang balat. Ngayon pa lang ay napapangiwi na ako.
"May hindi ka ba nagustuhan sa mga hinanda ngayon?" nagtataka na tanong naman ni Senyora Esmeralda sa akin nang masiplatan nito na nakangiwi na pala ako. Pahamak talaga itong isip ko minsan. Ayan tuloy, sa sobrang pag-iisip ko ng hindi maganda ay nababasa na pala nila ang pagmumukha ko.
"Pasensya na ina, may naalala lang po ako," tugon ko.
Natapos ang lahat kumain at nakahinga na ako nang maluwag. Agad akong tumambay sa garden area ng mansyon. Magkahalintulad pa rin naman 'yong garden area namin sa kasalukuyan at 'yong garden na nandirito. Ang naiba lang ay ang mga tanim na naririto at ang landscape ng lugar. Alagang-alaga kasi ni Andoy 'yong garden namin eh kaya ganoon. Mahilig talaga ang lalaki sa pag-aayos ng mga halaman sa mansyon kaya mas maganda iyong tingnan kung ikukumpara ko ito ngayon.
Tahimik lang akong nagpapahinga sa kubo na naririto hanggang sa may narinig akong ingay na siyang kumuha ng atensyon ko. Sa likurang bahagi ng mansyon ay parang may naghuhukay ng lupa. Kaya agad nagpunta upang makita ko kung anong ginagawa nila sa likod-bahay at kung bakit sila naghuhukay. Wala rin naman akong ginagawa might as well check it out. Gusto ko ring mag-unwind dahil alam kong kailangan kong mag-ipon ng lakas ng loob para mamaya. Hindi ko kasi nakikita si Moning eh. Baka busy sa kusina. Nais ko pa naman sana maging kakulitan iyon. Kailangan na magkausap pa kami. Mukha kasing maraming alam ang isang iyon pagdating kay Elisa.
"A-andoy?" gulat kong tawag sa lalaki. Umangat ang tingin nito at nakita niya akong nakanganga habang nakatingin sa kan'ya. Pati ata ang lalaki ay nagulat sa biglaang pagsulpot ko sa harap niya. "Ay este! Crisanto!" kinakabahan kong sabi. Nawalan na ako ng poise na siyang dapat na lagi ko pinapanatili sa pagkatao ko. Lagi kong nakakalimutan na mahinhin pala dapat ang isang Elisa.
Bakit ba kasi magkamukha na magkamukha sila na parang iisa lang ang hulmahan nilang dalawa? Sa paningin ko ay siya talaga si Andoy, pati sa kilos ay kuhang-kuha nito ang Andoy na kilala ko sa kasalukuyan. Magmula nang malaman ko ma may lihim na pagtitinginan pala si Crisanto at Elisa ay hindi ko na alam kung anong magiging kilos ko sa harapan nito. Mabuti na lamang dahil mukhang hindi big deal ang hindi nagpapansinan sa panahong ito kaya naiiwasan ko ang lalaki sa tuwing naririto siya sa mansyon.
"Pasenya na… Naabala ba kita?" alanganing tanong ko kay Crisanto na nagtatanim pala ng bermuda grass sa likod-bahay.
Natigil muli sa pagtatanim ng bermuda grass ang lalaki at napatingin sa akin. Hindi ko talaga matagalan ang titig niya. Hindi ko kayang tingnan siya ng diretso sa mata. Naduduwag ako. Sa nasaksihan ko ngayon ay parang nanumbalik ang siyang alaala ko no'ng unang araw ko sa mansyon. Ganitong-ganito rin ang eksena. Ang kaibahan lang ay nahuli ako ni Andoy na umiihi sa bagong tanim nitong bermuda grass.
Dahil sa hindi ko naman alam ang sasabihin ay tumalikod ako at nagpasya na bumalik na lamang sa loob. Mukhang wala naman atang plano na makipag-usap itong si Crisanto sa akin at panay titig lang ang lalaki na animo ay kinakabisa niya ang bawat parte ng aking mukha. Natigil ako sa paglalakad nang magsalita ang lalaki na siyang dahilan ng pagkataranta ng aking puso.
"Magpapakasal ka na ba talaga aking binibini?" tanong nito sa akin. Para akong baliw na panay linga ako sa paligid at tinitingnan ko kung may tao bang nakakakita o nakakarinig sa pinag-uusapan naming dalawa.
"Hindi ko alam iyang pinagsasabi mo," pagkakaila ko. Dahil sa tensyon sa sitwasyon ay mahigpit akong napahawak sa suot ko. Halos malukot na iyon dahil sobrang kaba ko. Mapapahamak kami kapag nakita kami ng ibang tao na nag-uusap.
"Talaga bang ibinaon mo na sa limot ang siyang pinagsamahan natin? Maayos naman tayo 'di ba? Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo ako? May nagawa ba ako na siyang ikinagalit mo, sabihin mo sa akin binibini?" malambing na tanong nito sa akin.
Paanong hindi ko siya iiwasan?! Magka-lovey dovey pala sila ni Tita Elisa tapos what do they expect me to do? Ang gawin din 'yong mga ginagawa nila ni Elisa noon? No, hindi ko kaya iyon. Mas naging worst pa nga na naging kamukha niya ang lalaking kinaiinisan ko sa panahon ko. Ang lalaking unang kumuha ng interes ko. Hindi ko siya kayang harapin kung sa bawat pagtingin ko sa katauhan niya ay si Andoy ang siyang nakikita ko. Atsaka si Elisa ang siyang mahal ni Crisanto. Ako si Elise, magkaiba kami at ayaw ko siyang linlangin. I wanna focus on my mission. Alam kong maiintindihan iyon ni Elisa.
"Tapusin na natin ito Crisanto. Ikakasal na ako kay Francisco at nais kong mamuhay ng tahimik. Ayaw ko na sana ng gulo pa," sagot ko. Nakatalikod pa rin ako sa kan'ya habang nanginginig pa. Nanginginig ako dahil natatakot akong magkamali ng sasabihin. Hindi ako sanay sa purong tagalog kaya baka mahaluan ko ng english ang siyang mga salita ko. Ito 'yong perfect example ng sinaunang paasa. Kung totoong si Elisa ang kan'yang kaharap ngayon ay baka iba ang naging sagot nito. Pasensya na talaga, Crisanto. I don't wanna risk my identity para mapagbigyan lang 'yong pagmamahalang mayroon kayo ni Elisa. Kailangan ko ring makabalik sa mundo ko.
Umalis ako kaagad at hindi ko na hinintay pa ang sagot nito. Mabuti na lang talaga at mukhang walang ibang nakarinig o nakakita sa amin. Agad akong pumasok sa kuwarto ko at dinampot ang siyang diary na pagmamay-ari ni Elisa. Nagsulat ako at inilabas ang saloobin tungkol sa nangyaring pag-uusap sa pagitan namin ni Crisanto. Pagkatapos ay hindi ko na naapigilan ang magpagulong-gulong sa kama ko. Bakit ba kasi iniisip ko na si Andoy 'yong nagsasalita kanina. Nakakahiya mang aminin pero pakiramdam ko talaga kanina ay si Andoy iyong nagsasalita pero malabo iyon mangyari. Imposibleng si Andoy nga siya. Dahil kung iisipin ko ay hindi iyon magagawa ng totoong Andoy. In love 'yon kay Katarina kaya malabo rin. Baka ang makuha ko lang sa lalaki ay ang walang kamatayang cold treatment nito.
Hindi ko namalayan ang oras at napansin ko na lang na abala na ang mga tao sa loob ng bahay. Naghahanda ang mga ito sa pagdating ng mga Alvarez. Nalaman ko rin na mga Alvarez pala ang siyang namumuno sa bayang ito kaya alam ko na kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan ni Senyor Fabian na maipakasal si Elisa kay Francisco. Naglakad ako papunta sa bintana nitong kwarto. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin upang kumalma. Pero sana pala ay hindi ko na iyon ginawa.
Nakita ko kasi si Crisanto sa labas. Nakatingala ang lalaki rito sa kuwarto ko habang nasa dibdib ang sombrero nito na gawa sa abaniko. Nagkatitigan kami muli. Ang titig nito ay puno ng pang-aasam at pangungulila na kahit pati ako ay nadadala. Hindi ko magawang bawiin ang tingin ko at nais ko na lang din ang titigan siya hanggang sa magsawa ang mga mata ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nais kong pawiin ang kalungkutan na nakikita ko sa mukha niya. Siguro ay alam na nito na ngayon mamamanhikan ang mga Alvarez kay Elisa.
Unang nagbawi ng tingin si Crisanto. Tumalikod ang lalaki at umalis. Sinundan ko pa ng tingin ito hanggang sa hindi ko na nakita ang lalaki. Hindi ko alam kung binabagabag ba ako ng aking konsensya. Mali ba itong naging pasya ko na bitawan si Crisanto? But I know how tragic love can be sa panahong ito. Lalo pa na magkaiba ang estado ng kanilang pamumuhay. I read lots of books about history at kasama na rin ang mga kalunos-lunos na sinasapit ng mga ganitong klase ng pag-iibigan sa pagitan ng mayayaman at mahihirap sa panahong ito. I'm just trying to stay away from danger. Ayaw ko na rito ako mamatay. I do have the advantages dahil may alam ako sa takbo ng buhay sa panahong ito. Kaya nga umiiwas ako. What they feel for each other is a trouble waiting to happen.
Sa palagay niyo ba ay magugustuhan iyon ni Senyor Fabian kapag nalaman niya na ang anak nitong si Elisa ay nakikipag-relasyon sa isang mahirap na uri na katulad ni Crisanto? This is the reality at hindi na ito maiiwasan. Kung ipipilit ko pa ay mas lalo akong mahihirapan and would both put me and Crisanto's family in danger.
"Senyorita Elisa, kailangan niyo na pong maghanda." Pumasok sa loob ng kuwarto ko si Moning kasama pa ang tatlo na kasambahay sa bahay. May bitbit silang bagong damit na siyang mukhang aking susuotin ngayon.
"Sige," malungkot kong ani. Ngayon ko na makikilala ang lalaking kailangang pakasalan ni Elisa. Kung tama nga ang pagkaka-intindi ko kailangan ko lang mapigilan na maikasal sila para matapos ang siyang misyon ko rito. May mga naiisip na akong paraan kaya kailangan ko lang isagawa iyon ng pulido.
Pinaliguan nila ako at may kung ano-ano pa silang ginawa sa katawan ko. Ibinabad nila sa gatas ang siyang buo kong katawan at isa-isa nilang hinilod ang bawat bahagi niyon. Apat silang nagtulong-tulong para gawin iyon. This is overwhelming for me. Kinakabahan ako pero hindi ko rin maiwasan ang mamangha. Ganito sila maghanda sa panahong ito. Women are so valuable para sa pamilya na naghahangad ng karangyaan at kapangyarihan. Para sa kanila ay puwede nila maging sandata ang pagkakaroon ng babaeng anak. They can easily marry them to some wealthy man na may-impluwensya to gain something in return.
"Handa ka na po, senyorita," saad ni Moning. Nakapikit kasi ang mga mata ko habang may kung anong nilalagay sila sa mukha ko at inaayos nila ang buhok ko. Nang makita ko ang sarili ko ay halos hindi ko na makilala ang siyang nakikita kong babae sa harap ng salamin. Hindi ako makapaniwala na puwede pala ako magmukhang ganito kapag naayusan. Alam kong maganda na ako and that's natural to me. Kahit siguro hindi ako mag-ayos ang litaw pa rin ang gandang mayroon ako. Hindi 'yan sa pagmamayabang. Nagsasabi lang ako ng totoo.
"Ang ganda-ganda niyo po," kinikilig na wika ng mga kasama ko. "Mas lalong mabibighani si Heneral Alvarez sa iyo binibini," dagdag pa na sabi nila.
"Heneral? Ganoon ba siya katanda?" nakangiwing tanong ko. Napa-hagikhik pa silang apat dahil sa sinabi ko. Ha? Anong nakakatawa sa sinabi ko aber?
"Sinong matanda, senyorita? Si Heneral Francisco Alvarez ay kilala sa pagiging batang-heneral. Guwapo ho iyon at bata pa. Magkasing-edad lang kayo ni Heneral Francisco at magkababata rin ho kayo. Nakalimutan niyo na ho ba?" tanong ni Moning sa akin. I don't know what to say. I'm speechless. Basta ang alam ko lang ay parang gusto ko na lamang umatras. Paano ako magpapanggap sa harap ng isang lalaki na alam kong kilalang-kilala ang pagkatao ni Elisa? The man is Elisa's best friend! Bahala na nga.