Pagkagising ko kinabukasan ay may pagkain ng nakahanda sa maliit na lamesa sa kuwarto na kinaroroonan ko. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatulog kagabi. Halos inumaga na ako sa kasisigaw ko. Umaasa ako na may makatulong at makarinig sa akin pero wala pa rin. Nawalan na rin ako ng boses dahil do'n. Umiyak din ako dahil nagsisimula na naman akong panghinaan ng loob pero kapag naiisip ko ang kagustuhang bumalik sa panahon ko ay unti-unti akong nagiging kalmado. Bumangon ako at biglang kumalam ang sikmura ko nang malanghap ko ang masarap na amoy ng tinolang manok. Gutom na gutom na ako. Hindi ko rin alam kung anong oras na ngayon. Nahihilo na ako at sinamahan pa ng p*******t ng binti ko at buong katawan. Mabagal akong naglakad at nagtungo sa maliit na lamesa kung saan naroon ang pagkain

