Kinagabihan din iyon ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. I need to know why I'm here at si Elisa mismo ang nakakaalam no'n. She brought me here for one reason, and I need to find it out. Hindi ako p'wedeng magtagal dito sa mundong ito. This is not where I belong. Hindi ako galing sa panahong ito. Kinuha ko ang diary na siyang pinatago ko kay Moning kanina. That girl is kind and nice. Ang buong akala ko talaga ay wala ng tutulong sa akin. Pero hindi ko inaasahan 'yong loyalty ni Moning kay Elisa. Maybe they are friends in the first place. Nabanggit kasi ng babae kanina na siya ang tagapasilbi nito.
Hindi ko inaasahan na sa pagbukas ko ng diary nito ay may mababasa akong nakasulat. Nagtataka ako. Nahalungkat ko na lahat-lahat ang diary na siyang pagmamay-ari ni Elisa ngunit wala akong nakitang nakasulat dito noon. Bakit mayroon na ngayon? Ito na ba ang kasagutan sa lahat ng mga katanungan ko? Agad kong binasa ang siyang laman ng diary nito. Nagbabasakali na makakuha ng kasagutan sa kung bakit ako naririto at kung paano ako makakabalik sa panahon ko.
Unang Pahina (Isang daang araw)
Ngayong araw ay naisipan namin puntahan ang talon sa lupain namin. Kasama ko si Moning na siyang kasama-kasama ko na noon pa man. Matalik kong kaibigan na lagi kong masasandalan. Ngayon lang din ako nakabalik dito sa mansyon mula sa kumbento. Damdamin ko ay nasisiyahan habang nagbabalik-tanaw sa lahat ng magagandang alaala.
Pero hindi ko maiwasan ang malungkot. Kalungkutan na pilit kong binabaon sa puso ko. Sana magbago pa ang lahat.
-Elisa, 1898
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa lahat ng iyon. Ang dami kong nalaman. Ang dami ring bumabagabag isip ko. Tama nga talaga ang sabi ni Moning sa akin. Nais ni Elisa na magmadre pero tutol ang mga magulang nito sa nais ng anak nila. Nais nilang ipakasal si Elisa kay Francisco. Ito ba ang dapat kong pigilan? Elisa?! Kausapin mo ako, maawa ka. Paano kita matutulungan kong hindi ko alam kung saan ako magsisimula?
Napatulala ako saglit sa kawalan. This is a big responsibility tapos mag-isa lang ako. Kaya ko nga bang magpanggap sa panahong ito? Isang maling pagkakamali mo lang ay ma-dededs ka na dahil masyadong mahigpit ang batas sa panahong ito. Nakakatakot magkamali. Napalingon naman ako sa diary na nasa kama ko nang umilaw iyon. Hindi kasing-lakas no'ng nasa sasakyan ko no'ng nakaraan. Tamang ilaw lang at biglang nabura iyong sulat sa unang pahina. Halos maitapon ko pa ang hawak na diary nang bigla na lamang may lumitaw ulit na mga letra. Nang basahin ko iyon ay nagulat na naman ako. Siguro kung mahina lang ang puso ko ay baka kanina pa ako inatake rito.
"Isulat mong muli ang lahat-lahat. Isulat mo muli ang buhay ko, Elise," basa ko sa nakasulat na agad din namang nabura.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko. Ngayon ko lang napansin na ito pala ang kwarto ko sa mansyon. Kwarto pala 'yon ni Elisa kung saan ako namamalagi? Magkaparehong-magkapareho kasi ang disenyo kaya nalaman ko. Pagkakataon lang ba 'yon o tadhana ko talagang mapunta sa lumang kwarto ni Elisa sa mansyon? Ang dami-daming kwarto ng mansyon pero 'yong kan'ya 'yong napili ko. Ang galing naman no'n. Sa dami ng nangyari ngayon parang gusto ko na lang isipin na panaginip lang lahat ng ito. Dumagdag pa sa iisipin ko ang sinabi ni Senyor Fabian kanina na siyang ama ni Elisa. Sabi niyang sa susunod na linggo ay mamamanhikan na ang pamilyang Alvarez.
Pamilyar ang apelyido nila. Hindi ko lang alam kung saan ko iyon narinig. Isang linggo na lang at makikilala ko na si Francisco. Ngayon pa lang ay naiiyak na ako. What if kalbo? Pangit tapos matandang manyak pa?! Kaya ko bang makisama sa gan'yang tao? Ako na ayaw sa mga pangit na species? Kahit gaano mo pa kayaman kung undesirable naman ang pagmumukha mo ay ekis ka talaga sa akin. Ano ba naman ito Tita Elisa, ang ganda nating dalawa pero 'yong si popshie mo at si momshie mo mukhang trip ata tayong ipakasal aa matandang hukluban. Looks doesn't matter pala sa panahong ito. Basta madatong kay ay go kaagad. Same lang din naman sa kasalukuyan, pero kasi sa panahong ito uso ang arrange marriage. Mga magulang mo ang may hawak ng buhay mo kaya wala kang choice kung hindi ang sumunod na lamang.
Bukas din ay pupuntahan ko ang talon na siyang nakasalulat sa diary na ito. Kailangan ko raw isulat muli ang buhay ni Elisa kaya pupuntahan ko ang mga lugar kung anong nakasulat sa diary niya. Kung ano ang nangyari ay babaguhin ko. Nasa isip ko na lahat na siyang gagawin ko kinabukasan. Ang kailangan ko lang ay matulog at mag-ipon ng lakas para bukas. Hindi naman nagtagal at nakatulog na ako ng mahimbing. Unang araw sa panahong ito pero parang nais ko na lang sumuko. Kailangan ko tatagan ang puso ko dahil alam kong hindi ito magiging madali.
Hanggang sa kinabukasan ay maaga akong ginising ni Moning. Tinulungan niya ako sa pagligo ko at pagbibihis. Noong una ay nais ko pa sanang umayaw pero baka ay isipin na naman nila na nababaliw ako. Ito ang nakasanayan na buhay ni Elisa. Susundin ko na lamang dahil magkaka-problema pa ako kung mas inuna ko ang katigasan ng ulo. Mukhang hindi pa naman 'yon effective sa panahong ito. Wala kang choice kung hindi sumunod. Boses nila ang boses mo. Ang hirap magpanggap lalo na at magkasalungat ang siyang mga ugali namin ni Elisa. Nangangati na nga akong sagut-sagotin itong tatay niya. Nandito kasi kami ngayon sa may kusina at sabay-sabay kaming kumakain. May isang batang lalaki pa akong nakita. Siguro ay nasa edad pito pa siya at panay tingin lang sa gawi ko. Siguro ay kapatid ito ni Elisa. Hindi naman namin 'yan makakasabay sa pagkain kung hindi siya parte ng pamilyang ito.
"Elias, kumain ka na. Kanina mo pa tinititigan iyang ate mo," saway no'ng nanay ni Elisa sa batang lalaki na ang pangala palay ay Elias. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan nitong si momshie. Patay ako nito kapag nagkataon. Sino bang anak ang hindi makakaalam sa pangalan ng nanay nila? Hindi dapat nilang malaman iyon. Ang dami ko ng problema. Parang sasabog na ang isip ko. Hindi na magkasya iyon sa lahat ba naman ng p'wede kong bantayan at alalahanin tapos nagpanggap pa ako.
"Hindi siya si Ate Elisa ko," mahinahong ani ni Elias na siyang ikinalaki ng mata ko. Fvck this, bakit niya alam?! Paano niya nalaman na hindi ako ang totoong Elisa?! Natataranta na ang kalooban ko pero pilit pa rin akong ngumiti sa gawi nito atsaka nagsalita.
"A-ano b-ba i-iyang pinagsasabi mo, Elias?" nauutal ko pang tanong sa batang nasa harap ko. "Ako i-ito, s-si A-ate Elisa mo… Nakalimutan mo na ba ako?" Hindi nakatulong ang mga titig ni Popshie Fabian at itong si momshie sa akin. Parang may pagdududa pa rin sila kung makatingin sa gawi ko. Grabe naman ng pamilyang ito. Masyado kayong conscious ha?
"Elias," tawag ni Popshie Fabian sa anak nitong si Elias. Isang tawag pa lang nito sa pangalan ng anak at napatigil niya na ito. Ganito ata talaga ang taong ito. Ganito ang epekto niya. Mapapansin mo ang pagka-strikto nito at ang pagiging metikuluso nito sa lahat ng bagay. He's a perfectionist, mga taong hindi ko nais makasalamuha. They tend to be controlling in everything kaya ang hirap nilang pakisamahan at kung minsan may bad temper pa 'yong iba. Naalala ko tuloy si Francis. Kung bad temper lang ang pag-uusapan ay wala ng makakatalo sa isang iyon. Ano na kayang nangyari sa lalaki at kay Andoy?
Bigla akong nawalan ng ganang kumain nang maisip ko ang kalagayan ni Andoy. Kahit naman hindi kami magkasundo no'n ay hindi pa rin kakayanin ng konsensya ko kung may masamang nangyari talaga sa kan'ya. Na-ospital na nga ang kapatid nito dahil sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati siya ay napahamak na din. Tahimik kaming kumakaing apat hanggang sa may pumasok na isang lalaki. Halos mabilaukan ako at hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Mahigpit kong hinawakan ang mga kubyertos ko sa kamay upang hindi iyon malaglag. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko sa mga panahong ito nang makita ko ang pagmumukha ng lalaking nasa harap ko.
Anong ginagawa ni Andoy rito?!
"Hijo!" galak na tawag ni Senyor Fabian kay Andoy. Hindi ako p'wedeng magkamali. This man is Andoy! Grabe 'yong t***k ng puso ko ngayon habang papalapit siya rito sa lamesa kung saan kami kumakain. Nakasuot ng abaniko na sombrero ang lalaki at damit na lagi-lagi nitong sinusuot noon kapag nagtatrabaho sa mansyon. Hindi ako mapakali. Parang sinilihan ang pwet ko nais ko na lang siya dumugin ng mga tanong at makausap.
"Senyor," balik na bati nito. "Magandang umaga ho," pangkalahatang bati nito sa amin. Kahit kailan ay hindi nagawi ang tingin nito sa akin. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin na siyang pinagtataka ko. Para bang iniiwasan niya akong tingnan.
"Hija, magpasalamat ka kay Crisanto at niligtas ka niya mula sa pagkakalunod no'ng isang araw," biglang wika ni Senyor Fabian. Sinong nalunod? Ako? At sino si Crisanto?! Si Andoy 'yan eh! Anong kabaliwan na naman ito Tita Elisa!?
"A-ah, e-eh… Salamat?" patanong ko pang ani. Mabuti na lang at hindi sila nagtaka sa kinikilos ko. Baka ganito na talaga si Elisa. Mahiyain ata talaga si Elisa noon. Kabaliktaran sa pagkakaroon ng makapal na pagmumukha na gaya ko.
"Walang ano man iyon, Senyorita Elisa. Ako'y napadaan lamang kay inay, senyor. Aalis na rin ako para magtrabaho," pagpapaalam nito sa amin. Tumango lamang si Popshie Fabian at wala na akong nagawa nang tuluyan ng umalis si Andoy, ay este si Crisanto na siyang tawag sa kan'ya ng mga tao rito.
"Ama…" Unang salita ko pa lang ay agad nilang itinuon ang mga mata nila sa akin na para bang binabantayan nila ang bawat kilos ko. I need to be extra careful. Mukhang mga detective ang pamilyang ito. Ang lala ng trust issues nila. "Nais ko sanang mamasyal. Gusto kong mag-pinta ngayon. Isasama ko naman si Moning kung nag-aalala kayo sa akin," dagdag kong sabi.
May ilang segundo pa sumagot si Senyor Fabian at simpleng pagtango lamang ang sinagot nito sa akin. A man of few words, I see. Hindi siya palasalita na tao. Ang dami kong dapat bantayan. Dahil successful ang siyang plano ko ay pagkatapos ko ding kumain ay agad ko ng isinama si Moning sa talon na siyang nakasulat sa diary ni Elisa. Sakay-sakay kami ng kalesa habang binabaybay namin ang malawak na lupain ng mga Montereal. Mabuti na lamang at nasanay na ako sa pagsakay sa kalesa namin sa mansyon. Nakatulong iyon sa akin para hindi ako magmukhang ignorante at maging natural lang ang pagpapanggap ko.
Habang tahimik lang namin binabaybay ang daan ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong kay Moning patungkol kay Crisanto. Si Crisanto nga ba iyon o si Andoy? Kailangan kong malaman ang totoo at baka pareho kami ng naging kapalaran ni Andoy nang lumitaw ang sobrang liwanag na ilaw na iyon. Hindi naman imposibleng pati rin siya ay nahigop noon at naglakbay muli sa nakaraan na ito. Nandito nga ako eh, kaya hindi talaga imposible ang ideyang iyon. Kapag nagkataon na siya talaga si Andoy ay sobrang magagalak talaga ako. Hindi na ako nag-iisa sa panahong ito kung tama nga ang hinala ko ay may kakampi rin ako sa wakas.
"Moning…" pasiuna kong tawag sa tagapagsilbi ko na seryoso lang nakatingin sa labas. Masyado talagang seryoso ang isang 'to.
"Bakit ho, Senyorita Elisa?" Naaasiwa talaga ako kapag nakakarinig ako ng senyorita sa bawat pagtawag nila sa pangalan ni Elisa. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi. Hindi talaga ako sanay sa ganito.
"Elise na lang, I mean… Ay! Ang ibig kong sabihin ay Elisa na lang ay siyang itawag mo sa akin." Napalunok ako sa katangahan ko. Muntik ko ng mapahamak ang sarili ko. Buti na lamang at maingay ang takbo nitong kalesa kaya hindi siguro masyadong narinig ni Moning ang iba ko pang sinabi. Tumango si Moning atsaka naghintay pa siya ng iba ko pang sasabihin.
"A-ano, s-si Crisanto?" tanong ko.
"Bakit ho? May ginawa po ba ang kapatid ko?" sagot ni Moning.
Wait a minute! Si Moning atsaka 'yong Crisanto na kamukha ni Andoy ay magkapatid?! Nanlumo ako. Talaga bang magkapatid sila? Magkamukhang-magkamukh kasi si Andoy at 'yong si Crisanto eh. Hindi ako p'wedeng magkamali. Nang titigan ko siya kanina ay iba ang naramdaman ko. I know, in my heart, siya si Andoy. Pero paano kung hindi? Tuluyan na ba akong mag-isa sa panahong ito?