Pakiramdam ko ay nakahiga ako sa ibabaw ng mapayapa na tubig. Ang gaan sa pakiramdam habang dumadampi sa balat ko ang mainit na sinag ng araw. Naririnig ko pa ang bawat huni ng ibon na animo ay kumakanta at sumasayaw sa mga puno. Ang sariwa ng hangin sa paligid na sa bawat paghinga ko ay kapayapaan ang hatid niyon.
Nasaan ako?
Ito na ba ang kabilang buhay?
Mas lalo kong dinama ang siyang mapayapang pakiramdam na siyang lumulukob sa pagkatao ko. Para akong muling isinilang sa mundo. 'Yong pakiramdam na naninibago ka sa lahat? Gan'yan na gan'yan itong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko magawang idilat ang siyang mga mata ko. Gusto ko na lamang humimlay sa lugar na ito. Walang sakit, walang pagdurusa, at hindi ako nakakaramdam ng lungkot. Isang paraiso ang lugar na ito sa akin kaya hindi ko na nais pa ang bumalik kung talaga ay nasa paraiso na ako.
"Babalik ka Elise… Hindi mo pa oras…"
"Naririnig kita Elisa… Kilala kita... Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto mo? Bakit ako? Anong kaugnayan ko sa'yo?" nalilito kong tanong sa boses na siyang narinig ko.
Hindi na muling sumagot pa ang boses na iyon. Alam kong siya si Elisa. Alam kong may kailangan siya sa akin. Paano ko siya matutulungan kung hindi ko alam ang siyang dapat kong gagawin? Sino ka Elisa Montereal? Bakit tayo magka-apelyido? Bahagi ka ba ng pamilya namin? Kahit ilang ulit ko hinalungkat 'yong mga lumang litrato noon sa mansyon ay wala akong makitang ni isang litrato na p'wedeng maging si Elisa. Wala rin akong nakuhang impormasyon tungkol sa totoong pagkakakilanlan nito. Wala ring alam si lola sapagkat hindi naman siya ang Montereal. Si lolo ang siyang dapat kong pag-tanungan pero paano ko gagawin iyon? Matagal na kasing patay ang lolo ko. Pakiwari ko ay parang may pader akong pilit na tinitibag para lang matuklasan ko ang lihim sa pagkatao ni Elisa. Kung isa siyang Montereal, ang ibig lang sabihin niyon… Bahagi siya ng pamilya kung saan ako nagmula. Isa siya sa mga ninuno ko.
Naalimpungatan ako mula sa maganda kong panaginip nang nakarinig ako ng iyakan. Mga iyakan na animo ay parang may namatay dahil sa lalim ng paghihinagpis na siyang maririnig mo sa kanilang mga boses.
"Fabian! 'Yong anak natin!" Naririnig ko ang malalang pag-iyak ng isang babae. May kinakausap itong Fabian. Sa isip-isip ko naman ay nagtataka ako. May tauhan ba kaming Fabian ang pangalan? Baka mayroon. Sa dami ba naman kasi ng tauhan sa hacienda ay baka nakaligtaan ko lang noong ipinakilala silang lahat ni lola sa akin.
Sinong anak naman ang tinutukoy nila? Bakit pakiramdam ko ay ako 'yong iniiyakan? Guni-guni ko lang ata 'yon. Napatawa pa ako sa aking isipan. Plano ko na sanang bumalik sa mahimbing kong pagkakatulog kanina nang mas lalong lumakas ang iyakan na naririnig ko sa paligid dahilan kung kaya't nagtaka ako.
"Fabian! Natatakot ako… Ang anak natin, Elisa…" garalgal na ani ng isang babae.
Agad nagpanting ang teynga ko. Did they just say, "Elisa?"
Tama naman ang dinig ko, 'di ba? Tinawag nilang anak si Elisa. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at isa-isang tiningnan ang siyang mga taong nakapaligid sa akin. Noong una ay halos mapanganga ako. Ano 'to? Bakit gan'yan ang suot nila?! Sino sila? Nasaan ako?! Sa Sobrang late ng reaction ko ay late na rin akong napasigaw. May humigit kumulang nasa sampu ang siyang naririto sa silid na ito kung nasaan ako ngayon. Lahat sila ay nakatingin sa akin na may pagtataka sa mga mukha. Ang iba nga ay nag-iiyakan na siyang ipinagtataka ko pa.
"Anak!" Agad yumakap ang isang babae sa akin. Ang wari ko ay nasa kuwarenta na ang edad nito. Katabi ng babae ang isang maputi at matangkad na lalaki. May suot itong salamin at mukhang magkasing-edad lang silang dalawa. Hindi ko na maibaba ang kilay ko dahil sa pagtataka. Nilalamon ako ng kuryosidad ko kung nasaan ako ngayon. Sa nakikita ko sa paligid at sa paraan ng pananamit nila ay para silang mga character na hinugot sa history book.
Acting ba 'to? Nasa Intramuros ba ako ngayon? Musical theatre ba ito? Dahil kung oo, ang galing ng styling ha? Para talagang bumalik ako sa spanish era. Teka lang… Ang huling natatandaan ko ay kasama ko si Andoy. Si Andoy na nakikipag-buno kay Francis. Nasa daan kami no'n. Kitang-kita ko kung paano sila magsuntukan. May liwanag... Oo, may liwanag ang bumalot sa buo kong katawan. Nasa ospital din ang kapatid nitong si Andres, tapos…
"Argh! Sino kayo? Nasaan ako?" Marahas kong iginala ang paningin ko sa bawat sulok nitong kwarto. Pamilyar ang kwartong ito. Magka-halintulad ang disenyo nito aa kwarto ko sa mansyon. Tuluyan na ba akong natangay ni Francis? Nagtagumpay ba siya sa plano niya?! No, I need to get out of here. Anong ginawa niya kay Andoy? Nasaan si Andoy. I need to go home. Kailangan pa namin i-report 'yong ginawa ni Francis kay Andres. Kailangan niya 'yong pagbayaran. Hindi na ako papayag na may mabiktima muli siya. He needs to face the consequences.
"Let me out of here! Help me! Help," sigaw ko. Nagsisigaw ako upang makahingi ng tulong. Kailangan kong bumalik sa Ildefonso. Kailangan kong umuwi. Kahit isa sa kanila ay walang tumulong sa akin. Nakagapos ang siyang mga kamay ko sa kama kaya hindi ako makaalis. Panay lang silang lahat sa pag-iyak habang tinitingnan ako na may awa sa kanilang mga mata.
"Fabian… Anong nangyayari kay Elisa?" Humagulgol ang ginang na nasa harap ko habang nakayakap sa isang lalaki.
"Sino si Elisa?! Untie me please. Kailangan kong bumalik sa pamilya ko. Did Francis tell you to do this? Kung ano man ang kasinungalingan na sinabi niya sa inyo ay huwag kayong maniwala. I'm the victim here! He kidnap me, please maawa kayo." Nawawalan na ako ng pag-asa. They are just looking at me with pity in their eyes. Para akong sinapian sa paraan ng pagkakatali nila akin sa kama. Wala silang balak na kalagan ako.
"Kami ang pamilya mo… Nakalimutan mo na ba kami Elisa? Ako ito anak, si mama ito," naiiyak na sabi ng ginang. Marahan nitong hinaplos ang siyang pisngi ko. Bahagya akong natigilan sa pagwawala ko. 'Yong mga haplos niya sa akin ay parang haplos ni mommy no'ng nabubuhay siya. Somehow, I felt peace because of her touch. Parang hinaplos din nito ang puso ko. But, wait a damn minute? Anong sinasabi nilang pamilya ko sila?!
"I'm sorry ma'am, but I have my own family. Hindi kita kilala, hindi mo ako anak atsaka matagal ng patay ang mama ko," prangkang sabi ko. Sabay-sabay gumawa ng ingay ang mga taong nasa paligid ko. Napasinghap sila sa narinig mula sa akin na parang hindi nila inaasahan iyon. Bakit ang OA ng reaksyon nila? Bakit sa paraan ng pag-react nila ay pakiwari ko ay may ginawa akong mabigat na kasalanan?
"Elisa! Hindi ito biro!" Dumagundong sa buong silid ang siyang boses no'ng tinatawag na Fabian ng babaeng nasa harap ko. Why do.I feel like magka-ugali sila ni daddy? I can sense a dark awra to this man. Hindi naman sa dark na dark talaga. Hindi ko lang feel 'yong binibigay niyang energy sa akin. I can sense that he's strict and perfectionist. I can tell, just by looking at their appearance and mannerism. Kanina pa siya nakatingin sa akin na para akong isang bagay na hindi niya ma-analisa. He is observing my behavior at nang hindi siya makakuha ng sagot ay gan'yan siya umasta ngayon.
"Excuse me mister? You can't just shout at me!" sigaw ko rin. Napuno na naman ng bulong-bulongan ang buong silid.
"Anong wika iyon? Ano iyang pinagsasabi ni Senyorita Elisa?" rinig kong sabi ng mga tao. Bakit ba ang daming tao rito? Am I some sort of tourist attraction here na kanina pa nila ako binabantayan at tinitingnan? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Like duh? They are staring at me intently na parang isa akong perpektong nilalang. Iyon nga lang may pagtataka sa mga mukha nila. Ano ba kasi ito? Is this a prank?!
"Elisa, makinig ka sa akin. Kung ginagawa mo lang ito para takasan ang iyong kasal kay Francisco ay riyan ka nagkakamali. Ikakasal ka sa kan'ya sa ayaw at sa gusto mo," seryosong ani ng lalaking ito sa akin. Tinitigan niya ako sa mata na parang sinasabi nito na hindi na siya natutuwa sa ginagawa ko. At sino siya para utos-utosan ako?
"Who the hell is Francisco!? Anong ikakasal? Look, I'm an heiress! Tagapagmana ako ng mga Montereal, hindi mo siguro nanaisin na banggain 'yong pamilya ko 'no? Kaya ibalik mo na ako! I want to go home. P'wede ko kayong kasuhan, this is k********g!" galit kong sigaw. Hindi ko na talaga mapigilan ang panggigigil ko sa sitwasyon ko ngayon. I am being tied like crazy here habang pinagpipiyestahan ako ng mga tao na naririto.
Lumagapak ang isang malakas na sampal sa pisngi ko. Galing iyon sa lalaki na kanina pa galit sa akin. Napayuko ako. Ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi ko at ang kawalan ng dapat na sasabihin sa nangyari. I am shocked. He hit me? He freaking hit me!
"Lahat kayo! Labas!" sigaw no'ng lalaki sa mga kasama namin sa kwarto.
Nag-alisan ang mga kanina pang naki-usyoso sa amin. Ang naiwan na lamang ay 'yong babae at itong lalaking nanampal sa akin.
Namutawi ang katahimikan. Ako na nakayuko habang hindi makapaniwala. Someone just slapped me in my face. No one dared to do that to me before. Natatakot ako, takot ako sa nangyayari. I don't even know where I am. Wala akong kasama o kakampi. Tapos sabi pa ng lalaking ito na he would marry me off to someone named Francisco. Who the hell is that?! Bakit tunog pang-matanda 'yong pangalan? Na-human trafficking ba ako?
"Elisa, anak… Makinig ka sa ama mo. Ginagawa lang namin ito para sa kinabukasan mo," the lady said. Napaatras ako nang sinubukan ulit nito na haplosin ang siyang pisngi ko.
"Sino si Elisa?! Si Elise ako. Hindi ako si Elisa! Ano ba? Nababaliw na ba kayo?!" sigaw kong muli. "Is this some kind of joke?!" dagdag ko pa. Grabe 'yong galit ko ngayon. Nanginginig ako at napapakagat-labi ako habang natutuliro sa nangyayari.
"Matagal ko ng sinasabi sa'yo, hindi ka magmamadre. Hindi nababagay sa'yo ang propesyon na iyan. Kailangan mong pakasalan si Francisco! Matagal na natin 'yang pinag-usapan. Gagawin mo ito para sa pamilya natin. Alam mo naman siguro iyon 'di ba?" tanong pa nito sa akin.
"Kasal! Kasal! Kasal! You keep saying about wedding. Sino ba kayo para sabihin 'yan? This is crazy!" Nagpupumiglas ako. Pinilit kong makawala sa pagkakagapos ko. The woman in front is just crying silently habang tinitingnan ako na nahihirapan sa ginagawa ko. Awang-awa ang tingin nito sa akin. Parang ako pa ang naiinitan sa suot nito. Balot na balot kasi siya ng damit sa katawan. Naka-barong at saya kasi siya tapos naka-bun ang buhok na may mga palamuti na nakasukbit roon. Given the humidity the Philippines has, hindi ba siya naiinitan?
"Magtawag na siguro tayo ng albularyo, Fabian," ani ng babae.
Sandaling tinitigan ng lalaki ang babae na nasa harap ko saka sumagot. "Ipatawag mo si Apo Lakay," utos nito sa babae. Muli akong sinulyapan no'ng babae bago ito lumabas ng kwarto at naiwan ako sa kamay nitong abusive na lalaking ito. Masyadong mapanakit, hindi ko naman inaano.
"Look, I am Elise Montereal. Taga-Maynila ho ako, but I'm originally from Ildefonso. That's where our hacienda is located. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. But there's a misunderstanding happening here," mahinahon kong wika.
"Hindi ka dapat makita ni Francisco na nagkakaganito. Kailangang magamot ka na bago ang kasal," seryosong saad nito sa akin bago lumabas ng kwarto.
Hindi ako baliw… Hindi ako bali-- napaiyak ako. Sa kalagayan ko ngayon ay itinuturing nila akong baliw na kahit hindi naman. Nakagapos ako sa higaan habang wala ni isa man ang tumutulong sa akin.
I want to go home…
Andoy…
Nasaan si Andoy? I am hoping that he will come and save me from this place and from this madness. Kanina pa nila binabanggit ang pangalan ni Elisa. Kilala nila si Elisa pero nalilito ako kung bakit ako 'yong tinatawag nila sa pangalang iyon. Kulto ba ito? Na-kidnap ba ako ng mga kulto? Napatigil ako sa paghikbi nang may pumasok na isang babae rito sa kwarto. Sa palagay ko ay magkasing-edad lang kaming dalawa. May suot din itong mahabang saya. Ang pormal ng pananamit nito na pati ang kuko nito sa paa ay hindi ko makita.
"Tulong, tulungan mo ako." Parang nagulat ko ata siya dahil nanlaki ang mata nito nang magsalita ako. "Naiintindihan mo ba ako? I need help. Kailangan kong makauwi," dagdag kong sabi. Punong-puno ng pag-asa ang puso ko ngayon. Umaasam ako na sana ay maawa siya sa kalagayan ko at tulungan niya akong makatakas.
"Pero senyorita, nakauwi na ho kayo," sagot no'ng babae atsaka tinitigan ako ng seryoso sa mata. "Nakauwi na ho kayo sa Ildefonso, Senyorita Elisa."