Prologue

959 Words
Ako na lang palagi ang mabuting anak, kaklase at kaibigan. Palagi akong mabait sa kanila. Lagi kong sinusunod ang mga sinasabi nila sa akin. Pero sa huli, ako rin pala ang kawawa. Noong nasa Elementary pa lamang ako. Ako na lang lagi ang invisible sa klase. Ni hindi ko nga alam kung aware talaga sila sa prensensiya ko o hindi. Ako na lang ang palaging loser, walang kaibigan at walang malalapitan. Pero noong High School na ko, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ko magiging invisible sa klase. Magkakaroon ako ng maraming kaibigan, lagi na lang nila ako mapapansin, at wala nang mang-aapi sa akin dahil lahat sila gagawin kong kakampi ko. Oo, iyon ang plano ko pero bakit naging ganto? “Sino pa ba ang kulang?” sabi ng isa sa mga kaklase ko. Tumakbo na ko ng mabilis papunta sa park. Gagawa kasi kami ng projects. Siyempre mga ‘kaibigan’ ko sila e kaya kasama ako. Masaya ako noong naging high school student ako sabi ko naman diba, magbabago na ko. “Siya na lang pala ang kulang e. Tara alis na tayo. Ba’t ba natin papahalagahan ang taong yon?” Napatigil ako sa mga sinasabi nila. “I know right? Akala niya belong siya sa group natin. Like duh? Kailangan lang naman natin siya para tumaas ang grades natin eh at tsaka sipsip yon sa mga teachers.” “I really hate her. She’s disgusting.” “Don’t worry hindi lang naman tayo ang naiinis sa kanya eh. Paano ba naman feeling niya alam niya ang lahat. Buti na lang at uto-uto siya. Ambisyosa pa! Talagang naniwala na kaibigan natin siya.” At muli ay nagtawanan silang lahat. Sa bawat salita na naririnig ko kumikirot ang dibdib ko. “Pero hanggang nagagamit natin siya ligtas tayo. Baka mag-repeat tayo ng 4th year ano! Ayokong mangyari yon. Ikakahiya ako ng parents ko.” “Okay, let’s go girls. Mag-shopping na lang tayo. Sabihin na lang natin sa kanya na siya na ang gumawa ng mga projects tutal matalino naman siya e.” “Oo nga, let’s say na umalis na tayo kasi ang tagal niya.” Ilang minuto akong nakatayo roon. Pilit na ina-absorb ng utak ko lahat ng narinig ko mula sa mga tinuturing kong kaibigan. Ilusyon lang ito diba? Diba… kaibigan ko talaga sila? Akala ko ayos na ang lahat. Akala tagumpay na ako sa gustong kong pagbabago pero ginagago lang pala nila ako. Sila….hindi ko sila mapapatawad. ~*~ “Hoy! Ayusin mo nga ito. Lintek na bata ka. Simpleng Physics problem di mo masagutan ng tama.” Sigaw sa akin ng nanay ko. Physics teacher siya. Parang gusto kong sabihin na hindi ko talaga kaya 4th year palang ako. Pero kung sasabihin ko naman yon saksaktan na naman niya ako. Gusto niya akong maging perpekto. Gusto niya akong maging matalinong matalino, maging katulad niya. Kahit hindi ko naman kaya. Hindi ba pwedeng tanggapin na lang niya na hanggang dito lang ako? “Huwag ka ngang tumunganga diyan! Sagutan mo to. Walanghiya ka, masasapok kita pag hindi mo nasagutan ng tama yan!” Nanggagalaiti ang mga mata niya habang sinisigawan ako. Natatakot ako. Binigay ko sa kanya ang sagot ko sa problem at sinampal niya ako bigla. “M-Mama..” Sabi ko habang mangiyak ngiyak. “Napakabobo mo talagang bata ka! Nagtataka ako sa school mo kung bakit nilagay ka sa top kung ganyan ka naman katanga. Wala akong anak na bobo! Maghanap ka na ng bago mong mga magulang!” nilayasan niya ako pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Tumingin ako sa tatay ko na nakatayo lamang sa gilid ng pintuan at kanina pang nagmamasid sa aming dalawa ng nanay ko pero imbis na pumunta siya sa kinauupuan ko at yakapin ako, tinignan niya ako ng sobrang sama yung tingin na para bang napakaliit kong nilalang. “Wala kaming anak na bobo.” Sabi niya at pagkatapos noon ay umalis na siya. Mama…Papa…ayaw nyo rin sa akin? ~*~ “Bakit ka umiiyak?” nagulat ako sa pagdating ng isa kong kaklase. “Ayaw sa akin ng lahat. Nanay ko, tatay ko, lahat ng taong nakapaligid sa akin. Lalong lalo na sa klase na ito. Wala, walang kwenta ang mga tao dito. Gusto ko nang maglaho. Ayoko na. Sawang sawa na ko. Ayoko sa kanilang lahat! Pinagmumukha nila akong tanga!” Sabi ko habang patuloy na umiiyak. Ni hindi ko inisip ang mga lumabas sa bibig ko dahil kilala ko naman itong tao na ito. Sa lahat ng kaklase ko siya lang ang tanging mapagkakatiwalaan ko kahit na hindi naman kami ganun nakakapag-usap. “Pareho pala tayo.” “Ha?” Nagulat ako sa sinabi niya. P-Pareho kami? Impossible. Hindi ko maisip na pareho kami ng sitwasyon. Ibang-iba siya sa akin. Kung titignan nga parang perpekto na ang buhay niya. “Gusto mo tulungan kita?” “Papano?” “Maghihiganti tayo.” Punong puno ng galit ang puso’t isipan ko, nawala na nga yata kahit katiting na kabutihan at dahil sa hirap na dinanas ko simula noong binuhay ako ng nanay ko sa mundong ito. Inaabot niya sa akin ang kamay niya ngunit nagdadalawang isip pa rin ako… seryoso ba siya? “Maghihiganti tayo..makikita mo silang nagmamakaawa sa harap mo, umiiyak diba napakaganda nun? Ang mga dating sumisira ng buhay mo, ikaw naman ang sisira sa mga buhay nila. Makukuha mo na ang inaasam mo ang mapakita sa kanila kung ano ang kaya mong gawin at kahit kelan di ka na nila pupwedeng ipagwalang bahala na lang dahil matatakot sila sayo. Gusto mo nun diba?” Biglang pumorma ang mala-demonyong ngiti sa mga labi niya. Inabot ko ang kamay niya. Maghintay kayo. Ipaparanas ko sa inyo kung papano mamuhay sa impyerno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD