Chapter 4: la muerte está cerca

1479 Words
Kai’s POV “KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” Bumungad sa amin ang katawan ng isang senior sa section A, si Kuya Kenjie, isa sa mga sikat sa buong Manga University. Nakatali ang dalawa niyang kamay sa magkabilang dingding at may takip ang bibig. Punong puno rin ng sugat ang katawan niya ngunit ang pinakanakakakilabot sa lahat ay ang nakasulat sa dibdib hanggang sa tiyan niya na “la muerte está cerca”. Sa tingin ko ay sinulat ito gamit ang isang matulis na bagay kagaya ng kustilyo dahil isang tingin mo palang, alam mong napakalalim ng bawat sugat napakarahas. Nasa pagitan ito ng classroom namin at ang classroom mismo nila Kuya Kenjie walang nagtatangkang dumaan. Di naman kami masyadong nag-uusap ni Kuya Kenjie pero naririnig ko rin ang iba’t-ibang balita patungkol sa kanya. Sa pagkakaalam ko, mabait siya, maginoo at walang kaaway sa buong school .Ngunit bakit sa kanya ginawa ito? Sigaw pa rin ng sigaw ang mga babae. Nagkakagulo na rin ang ibang estudyante mga nagtatakbuhan palabas ng school. Madaming nadadapa sa hagdanan dahil sa siksikan, madaming takot at isa na ako doon. Ngunit ang pagkakaiba ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napako na ata ang mga paa ko sa kinatatayuan ko na tila ba kahit anong galaw na gawin ko ay ayaw sumunod ng mga ito. Pilit kaming pinapakalma ng mga teachers pero wala silang magawa dahil sa takot na takot na ang lahat. Ang mga natira naman ay nagsiksikan doon sa dulo. Tila, takot na takot sa bangkay na nasa harap nila. Sinong gumawa nito? Ang mga killers ba? Anong kasalanan ni kuya Kenjie sa kanila? Pinalabas muna kami ng mga teachers at pinapunta sa school grounds. Madami pa ring hindi mapakali at takot na takot sa amin. Halos kalahati ng klase ay nawala. Kakaunti na lang kaming natira. Wala na ring 4th year dito. Siguro nagsialisan na silang lahat at dahil dalawa lang ang classroom sa 4th floor kami lang ang natira. Dumating ang mga pulis at tuloy tuloy sila sa 4th floor kung san naroon ang kaawa-awang bangkay ni Kuya Kenjie. Kitang kita mula rito sa kinauupuan ko ang nakasabit na bangkay ni Kuya Kenjie. Nakakakilabot. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakasaksi ng ganito. Ito pala ang pakiramdam kapag nakakita ka ng bangkay. Ilang oras ang nakalipas at nandito lang kami… nakaupo. Ang iba sa amin ay tinatawagan na ang mga magulang nila upang magpasundo. “Sino ang tingin nyong pumatay?” narinig ko ang boses ni Chantal. Bigla rin akong napaisip sa tanong niya ngunit nanatili akong tahimik at pinakinggan na lamang ang usapan nila. “Siguro yung bagong janitor. He’s creepy.” Tugon naman ni Amanda. “Oo nga tapos bakla pala yung janitor at nagkagusto si janitor kay Kuya Kenjie at dahil straight si Kuya Kenjie tinanggihan niya si janitor. Tapos ni-r**e siya at pinatay.” Narinig kong sinabi ni Maisie habang seryosong seryoso ang tono ng pananalita niya. “Ang stupid mo talaga Maisie. San mo ba nagpakukuha yang mga ideas na yan? Eww.” Dagdag ni Amanda. “Tsss..Malay nyo tama ako.” Siguro nga walang kinalaman dito ang tatlong killers… sana. Hindi ko alam kung bakit iyon ang hiling ko. Siguro ginagawan ko pa rin ng dahilan ang pagkamatay ni Teacher Cheryl . Sana nga hindi totoo ang mga sinabi ni Cyne dahil kung totoo, nakakatakot. “Ikaw Reign , sino ang tingin mong pumatay?” narinig kong tanong ni Amanda kay Reign “Masama ang mangbintang sa kapwa. Hayaan na lang natin na sa mga pulis mismo manggaling kaysa nag-iisip tayo ng masama tungkol sa ibang tao.” Tuloy tuloy na sagot ni Reign. “May point ka. Hintayin na lang natin ang mga pulis kasya nababaliw tayo sa kakaisip dito.” “Pano kung tayo na ang isunod?” nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Chantal. Papano nga kung isusunod na nila kami? “Stop that Chantal! Nakakakilabot ang mga sinasabi mo.” Tugon ni Anne. “I’m just being realistic guys.” Pagtatanggol ni Chantal sa sarili niya. Natigil ang usapan nila nang lumapit sa amin ang isa sa mga pulis. “Ako nga pala si Chief Rodriguez.” Pamungad ng pulis na lumapit sa amin. Naka-uniporme siya, may suot na gloves at may hawak-hawak na kwaderno. Tinanggal din niya ang face mask na suot niya at muling tumingin sa amin. Nagsilapitan naman kaming lahat. Kahit ang iba ay wala naman talagang pakialam sa sasabihin ng pulis ay lumapit pa rin naman sila. “Pwede ko ba kayong tanungin ng ilang mga katanungan?” “Opo” sabay sabay naman naming sagot. “Sino ang pinakamalapit sa biktima?” “Sa pagkakaalam ko po si Cyne at ang mga barkada niya.” Sagot ni Rain. “Kanino ang jacket na to?” pinakita niya sa amin ang kulay putting jacket. “Kay Cyne po..” sabi ko naman. Naalala ko nga ang jacket na hawak niya. Iyan ang suot ni Cyne noong nag-usap kami kahapon dahil sa lamig ng panahon at pagkasira ng blazer niya. Paano napunta yan sa kamay ng pulis? Diba dapat na kay Cyne ngayon yan? Ngunit patay na si Cyne. “Nasan si Cyne? Nandito ba siya?” “P-P-Patay na po si Cyne.” Sagot naman ni Reign. “Kailan pa?” “Kahapon lang namin nalaman.” Sagot ni Ash sa pulis. “Iyon lamang ang kailangan kong malaman.” Pamamaalam ng pulis kasabay ng muli niyang pagsuot ng face mask at paglakad papunta sa High school building. ~*~ Chief Rodriguez’s POV Tinignan naming mabuti ang bangkay ng biktima. Wala kaming makuhang fingerprints mukhang binuhasan ng dugo ang biktima at nabura ang mga inaasam naming ebidensiya. Nag-iisip pa ako ng paraan upang makakuha ng sapat na ebidensiya sa bangkay ng biktima nang lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan ko. “Sir.” Nabaling ang atensyon ko sa isang pulis. “May nakita po kaming jacket sa isa sa mga classroom. May bahid ng dugo po ito at nasa bulsa ang taling ginamit sa biktima.” Tumango ako sa kanya at sinundan ko ang silid na tinuturo niya. Pumasok ako sa loob at nakita ko nga ang sinasabi niyang jacket na nasa isa sa mga upuan ng mga estudyante. Kinuha ko ang jacket at inilabas ang tali sa loob nito. Tama nga, ito nga mismo ang tali na ginamit sa biktima. May bahid din ito ng dugo na tiyak kong galing din sa biktima. Kung ite-test ang jacket na ito, maaring makilala namin ang gumawa ng pagpatay. At sa pagkakataong ito. Maaring isa sa mga estudyante ang pumatay o kaya isa sa mga staff ng school. Ang kailangan ko pa ay isang matibay na ebidensiya. Lumabas ako ng classroom. Nilapitan ko muli ang biktima habang hawak hawak ko ang jacket. Sabi ng mga guwaridya, wala naman daw tao dito bago dumating ang mga estudyante at hindi nila alam kung papano nagawa ito ng pumatay. Tila napakatuso ng gumawa nito mukhang alam na alam niya kung papano makalabas at makapasok sa eskwelahan na walang nakakapansin. Pagkaraan ng ilang sandali ay unti-unti na nilang iniaalis ang bangkay ng biktima upang ipa-test na ito. Ako lang at ang ilan sa mga tauhan ko ang natira sa crime scene. Pero maari rin na hindi talaga dito pinatay ang biktima. Tinignan ko muli ang jacket na nasa kamay ko. Inilapit ko sa ilong ko para maamoy. Napagdesisyunan kong bumaba sa grounds kung saan nanroroon ang mga natitirang estudyante. Tinanong ko sa kanila kung sino ang pinakamalapit sa biktima ngunit hindi talaga iyon ang pakay ko kundi gusto kong malaman ang tungkol sa jacket na ito. “Kanino ang jacket na to?” ipinakita ko sa kanila ang jacket na hawak ko. Ngunit hindi ko pinahalata ang parte ng jacket na may dugo.. “Kay Cyne po.” Isang babae? “Nasan si Cyne? Nandito ba siya?” tanong ko muli sa kanila. “P-P-Patay na po si Cyne.” Kung babae ang may-ari nito at kung patay na ang may-ari nito. Bakit nandirito pa ang jacket? Papano ito napunta sa isa sa mga classroom? Bakit ito ang gamit ng may sala sa pagpatay? “Kailan pa?” tanong ko muli. “Kahapon lang namin nalaman.” Sagot muli ng isa sa kanila. “Iyon lamang ang kailangan kong malaman.” Pagpapaalam ko. Bumalik na ako sa crime scene na may malapad na ngiti sa aking mga labi dahil tagumpay ang nanyari. Hindi ko alam na ganito lang pala kadali ito akala ko mahihirapan ako. Muli akong napangiti nang nakita ko ang hawak hawak kong jacket. Binigay ko ito sa isa sa mga tauhan ko at tumingin sa baba kung nasaan ang mga estudyante. Alam ko na kung sino siya. Kilala ko na kung sino ang pumatay.. Sigurado ako. Hindi ako pwedeng magkamali.. Nakuha ko ang huling ebidensiya na kailangan ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD