Cia's Point of View
Maraming estudyante ang nagsasabi na hindi ako nararapat sa barkadang kinabibilangan ko. Ang mga kaibigan ko kasi ay kilala sa school bilang mga varsity player at cheerleader, meaning may mga itsura at maraming schoolmate namin ang nagkakandarapa. Well kilala rin naman nila ako, hindi nga lang kagaya ng mga kaibigan ko na nakikilala dahil sa pagiging varsity kundi nakilala ako bilang isang sabit sa barkada namin.
Yes, binansagan nila akong sabit sa barkada namin dahil naiiba ako sa kanila. Simula kasi noong lumipat ako sa University na ito, natutunan kong magsuot ng salamin at hindi mag-ayos ng sarili dahil sa pinagdaanan ko sa pinanggalingan kong school noong High School ako. Isa pa, mula noong nakilala ko sila, hindi na ako nakipag-usap sa ibang estudyante, palagi ring sila ang kasama ko. Kung wala sila, nasa library ako at nagbabasa habang wala pang klase.
Masyado rin kasi akong conservative. Hindi ako nagsusuot ng mga revealing dresses. Pakiramdam ko kasi, kita na ang lahat sa akin kapag ganoon ang mga isinusuot ko.
"Cia, the sabit queen!" Narinig kong sigaw ng isang estudyante pero hindi ko ito pinansin.
"Feeling belong, hindi naman maganda!" Sigaw pa ng isang estudyante.
Normal na sa akin ang mga naririnig ko. Sa apat na taon ko dito sa University, paulit-ulit ang naririnig ko dahil kabilang ako sa isa sa pinaka kilalang grupo sa school.
"Cia!" nang marinig ko ang pangalan ko, agad naman akong tumingin sa pinanggalingan nito. Nakita kong si Jizel ang tumatawag sa akin kaya naman huminto ako at hinintay na makalapit siya sa akin.
"Cia!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Pagtingin ko sa gawi ng sumigaw na babae, nakita kong si Maggie ito. Si Maggie ay isa mga estudyanteng gustong mapabilang sa grupo nila Jizel. Unfortunately, hindi siya in-entertain ng mga ito dahil kilala siya bilang isa sa mga bully ng University.
"Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ikaw ang nasa grupo ni Jizel. Kitang-kita naman na mas qualified ako lalo na sa appearance ko, unlike you!" saka niya ako itinuro. "Ugly, disgusting!" Panlalait niya.
Kahit sanay na ako sa mga sinasabi nila, aaminin kong nasasaktan ako lalo na sa mga hindi magagandang salitang binibitawan nila. Ayaw ko kasing mapa-away na naman sila Jizel. Kapag nakikita nila akong naaapektohan sa mga sinasabi ng iba, pinupuntahan nila ang mga iyon at napapa-away sila. Nakakahiya na rin sa kanila, ayaw ko rin isipin ng ibang tao na masyado akong umaasa sa mga kaibigan ko.
"What did you say?" Narinig ko namang tanong ni Airene kaya naman napunta sa kanya ang atensyon ko. "Ikaw? Qualified? Saan?" Sunod-sunod niyang tanong habang naglalakad palapit kay Maggie.
Kita naman sa mukha ni Maggie ang kaba at takot. Isa kasi si Airene sa pinakakinatatakutang babae dito sa University dahil sa tapang at taray niya. Hindi naman talaga siya mataray, mataray lang siya sa mga taong hindi niya gusto ang ugali.
"Hindi mo naman sinabi na may application pala" pang-aasar na sabi ni Jizel habang nakatingin kay Airene.
"Girls, stop it" awat ni Aaron kay Jizel at Airene.
"Huwag ako ang patigilin mo. Si Maggie ang patigilin mo sa pangbubully sa kaibigan natin." Sigaw niya kay Aaron saka siya lumapit sa akin. "Let's go, Cia. Huwag mo na pansinin ang babaeng iyan" bumahid ang inis sa mukha ni Airene habang naglalakad.
"Don't do that again" narinig kong sinabi ni Aaron.
Nang makarating sa classroom namin, agad naman kaming pumunta sa pwesto namin sa likuran. Akmang uupo na ako ng may tumulak sa akin na naging dahilan ng pagbagsak ko sa sahig. Tiningnan ko kung sino ito, hindi na ako nagtaka kung bakit bakas sa mukha ng mga kaibigan ko ang galit.
"Hindi ka ba talaga titigil!" Sigaw ni Airene.
"Saan?" Tanong ni Maggie.
"Aaron, ilayo-layo mo iyang haliparot na iyan at baka kung ano magawa ko" utos niya kay Aaron kaya naman hinigit siya ni Aaron palabas ng classroom at si Mark naman ay tinulungan akong makatayo.
Sila ang mga kaibigan ko. Si Airene at Jizel na nakikipag-away para sa akin. Si Aaron na palaging taga-awat kapag nakikipag-away na sila Airene at Jizel. At si Mark na palaging kasama ni Aaron kapag napapa-away na ang dalawa.
Ilang minuto ang lumipas ay pumasok na ulit sa loob ng classroom si Aaron. Bakas sa mukha niya ang inis.
"Anong nangyari p're?" Tanong ni Mark ngunit umiling lang si Aaron.
Ilang segundo lang ang lumipas ay dumating na ang professor namin kaya naman lahat ng estudyante ay napunta sa professor ang atensyon.
Sinilip ko ang gawi ni Airene at Aaron, kita pa rin sa mukha ni Aaron ang inis. Siguro ay dahil ito sa nangyari kaninang umaga. Nasigawan kasi siya ni Airene. Ang alam ko kasi, may pagtingin siya kay Airene pero hindi niya ito maligawan dahil may boyfriend na ito. Hindi pa naman niya cino-confirm sa amin kung totoo ba ito kasi ayaw naman niyang pinag-uusapan ang mga ganoong bagay lalo na pagdating sa kaniya.
Minsan napapa-isip ako, bagay na bagay ang dalawa kapag nagkatuluyan sila. Pareho kasi silang mga varsity players, matatalino at may mga itsura. Ang alam ko rin ay magkaibigan ang pamilya nila.
Ibinalik ko naman ang tingin ko sa professor namin na nagtuturo. Pero kahit anong gawin ko, walang pumapasok na lesson sa utak ko.
Hindi naman mahina ang utak ko, sadyang wala lang napasok sa utak ko ngayon kasi ngayon ko na lang ulit nakitang nainis si Aaron at Airene.
Nang matapos ang klase, agad naman kaming lumabas ng classroom at pumunta sa canteen ng University.
"Ako na ang oorder, sabihin niyo na lang kung ano gusto niyo" volunteer ni Mark.
"Sasama na lang ako sa iyo" sabi naman ni Jizel habang kinukuha ang wallet sa bag niya.
"Huwag niyo na akong isama. Pinapatawag kasi kami ni Coach" sabi ni Airene habang nakatingin sa kaniyang cellphone.
"Ingat ka!" Sabi ko kay Airene bago siya tuluyang umalis.
"Cia, ano order mo?" Tanong ni Jizel.
"Kahit ano na lang" sagot ko naman.
"Ikaw Aaron?" Baling niya kay Aaron.
"Sasama na lang ako" sagot niya. Akmang tatayo na siya ng pigilan ito ni Mark.
"Hep! Huwag ka nang sumama. Kami na lang ni Jizel my love. Baka mamaya puntaha si Cia ni Maggie, naku rambol na naman ito" sabi ni Mark kaya walang nagawa si Aaron kundi ang maupo na lang sa katapat kong pwesto.
Ilang minuto lang ang lumipas ay naramdaman kong may naglalakad palapit sa pwesto namin. Akala ko ay sila Jizel at Mark ito kaya naman umisod ako pakanan para maka-upo si Jizel sa tabi ko ngunit hindi pala sila iyon.
"Hi babe" sabi ni Maggie noong maka-upo na siya sa tabi ni Aaron samantalang si Aaron ay nakatingin sa malayo saka siya lumayo kay Maggie.
"Babe, bakit ka lumalayo?" Nagtatampong tanong ni Maggie habang pilit na kumakapit sa braso ni Aaron.
Yumuko naman ako para hindi makita ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Ngunit sa pagyuko ko, biglang may tumabi sa akin at umakbay sa balikat ko.
"Babe, ipagpapalit mo ba talaga ako sa babaeng iyan?" Napatingin naman ako sa katabi ko at laking gulat ko nang makitang si Aaron ito. Pilit kong inaalis ang kamay niya sa balikat ko pero hinawakan lang niya ang kamay ko ng mahigpit.
"I'm taken, so stop calling me babe. Lalo na sa harap ng girlfriend ko" halos mabilaukan ako sa mga sinabi ni Aaron samantalang si Maggie naman ay tumayo at lumabas ng canteen.
Hindi ko alam kung bakit kumabog ng napakalakas ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko, namumula ang buong mukha ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko kinikilig ako, wala naman akong gusto sa kanya.
"N-Nababaliw ka na. Bakit mo sinabi kay Maggie yon? Alam mo namang napaka-init ng dugo noon sa akin" bulyaw ko kay Aaron.
"Anong nangyari?" Narinig ko namang tanong ni Jizel kaya naman napatingin ako sa gawi niya.
"W-wala" nauutal kong sagot kay Jizel.
"Wala? Ano ang nakita ko?" Pagpupumilit niya.
"Ewan ko diyan kay Aaron" sagot ko habang kinukuha ang mga pagkain na inorder nila.
"Wala, para tantanan na niya ako" sagot bi Aaron.
"Bakit? Ano bang ginagawa ni Maggie sa iyo? Hindi ka pa rin ba tinitigalan noong babaeng iyon?" Curious na tanong ni Mark, umiling naman si Aaron.
"Hindi mo ba siya type?" Tanong pa ni Mark.
"Kung iniisip mo na sa itsura ako tumitingin, then you're wrong. Yes maganda siya, pero napaka bully" sagot ni Aaron kay Mark.
"So, sino type mo?" Tanong ulit ni Mark.
"Type ko? Type kong kumain ng mapayapa at walang tanong nang tanong" sagot ni Aaron kay Mark.
"Mark, punta lang kami ni Cia sa CR" paalam ni Jizel kay Mark saka ako hinila papunta sa CR.
Aaron's POV.
"Your crazy!" Singhal ko kay Mark.
"Bakit?" Tanong niya sa akin.
"Tinanong mo pa talaga?" Naiinis kong sabi.
"Bakit nga?" Pilit niyang sabi.
"I already told you. How many times do I need to say it? Huwag na huwag mong itatanong sa akin kung sino ang type ko, especially sa harap nila" sagot ko sa kaniya.
"Hindi ko naman sinasadya. Alam ko namang gusto mo SIYA" inemphasize niya ang SIYA sa sinabi niya.
"Shut up, baka dumating ang dalawa, marinig ka pa. Baka makaranas kang ingudngod diyan sa kinakain mo" pagbabanta ko kay Mark.
"Bakit kasi hindi mo na lang ligawan? Malay mo may pag-asa ka sa kanya" tanong niya.
"Ayaw ko masira pagkakaibigan namin." Sagot ko sa kaniya.
Sa totoo lang, hindi ako natatakot masira ang pagkakaibigan namin, natatakot ako sa rejection. Maraming nagkakagusto sa akin, pero sa kanya ako tinamaan. Sa taong alam kong imposibleng mapunta sa akin.
"Ayaw masira pagkakaibigan o ayaw ma-reject? Look, kami nga ni Jizel 3 years na, ni-reject niya ba ako? No. Nasira ba pagkakaibigan namin? Still no" sabi niya.
He's right, and up until now, their relationship is strong. Bibihira ang away, pag nag-aaway sila, hindi naman nadadamay ang barkada namin.
"Don't worry, I have a plan" sabi ni Mark nang biglang dumating sila Jizel at Cia.
"Anong plan?" Curious na tanong ni Jizel kay Mark.
"Plan?" sabi ni Mark habang nagkukunwaring walang alam kaya naman siniko ko siya. "Ahh, plan sa birthday ko. Akala kasi ni Aaron wala akong plano sa birthday ko. Oo tama, iyon nga" nakita kong pilit siyang ngumingiti at ang dalawa naman ay naniwala sa palusot niya kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Nang tapos na kaming kumain, nagpahinga lang kami saglit bago bumalik sa classroom namin para sa susunod na klase. Ilang oras lang ang lumipas ay patapos na ang klase namin.
"Okay class, dismiss" sigaw ng prof kaya naman lumabas na ang ilan sa mga kaklase namin. Hinintay ko lang si Mark saka ako sumabay papunta sa gym para sa training namin.
"Cia, punta ka sa Saturday ah" sabi ni Mark kay Cia, ngumiti naman si Cia saka tumango.
"Sige magpapaalam ako" sagot ni Cia.
"Ang ganda mo talaga" sabi ng isipan ko. Nang marealize ko ang nasa isipan ko, agad akong umiwas ng tingin saka ako pumikit. Nang maramdaman kong naka-alis na sila, saka ako tumingin muli kay Mark.
"Nakita kita" sabi ni Mark saka ako tinapik sa balikat.
"Ha?" Maang-maangan kong sabi.
"Asus! Akala mo hindi ko nakitang nakatitig ka sa kanya?"sabi niya.
"Hind, hindi ako nakatingin sa kanya" pagtanggi ko.
"Alam mo, wala kang maitatago sa akin. Kahit ilang beses mong itanggi, nakikita ko sa mata mo ang totoo." Sabi niya. "Ewan ko nga bakit hindi makita-kita sayo ni Cia na siya ang gusto mo" pagkasabi niya ay napabuntong hininga siya.
"Wala akong planong ipaalam sa kanya iyon" sabi ko naman.
"Ito na naman tayo, Aaron. What if may ibang manligaw sa kanya? Ano? Gagawin mo na naman ang ginawa mo noong 2nd year tayo?" Pagkasabi niya ay nanumbalik sa ala-ala ko ang ginawa ko.
"Kung kailangan, gagawin ko" tipid kong sagot.
"Ewan ko sayo, napaka protective mo sa kanya, hindi mo naman siya nililigawan. Hindi ka ba natatakot na isampal niya sayo ang katotohanan?" Sabi niya saka siya naglakad ng mas mabilis sa akin.