Nagising siya ng dahil sa sinag ng araw na nakakasilaw. Pagdilat ng mga mata niya, una niyang nakita ang ang kalangitan. Bumangon siya at umupo. Nakita niya si ate na nakaupo din at nakasandal sa isang puno malapit sa kanya. Natutulog lang ang babae. Napansin niya ding nakabandage na pala yung ulo niya.
"Si ate. Malamang siya ang may gawa nito." Napangiti siya.
Umungol ang babae. Parang nasasaktan ito. Saan naman kaya parte? Nakikita niyang medyo hinahaplos nung babae yung mga paa nito. Tiningnan niya ang mga paa ng babae at nakita niya ang malaking sugat sa kaliwang paa nito.
Parang nasunog ang buo niyang paa! Nakakapanlulumong tingnan an nangyari sa mga paa ng babae. 'Dahil kaya yun sa pagsabog kahapon? Kung ganun, malapit na talaga siyang nadali. Pero bakit ganun, yung ginawa niyang pananakot at pagpatay kahapon sa lalaki? Bakit parang wala naman siyang nararamdaman na sakit kagabi?'
Ang bilis ng mga pangyayari kagabi, hindi lang niya man lang alam na may iniinda pa la itong sakit sa katawan. Naisip niya tuloy na ang galing naman magtago ng nararamdaman itong ate niya. Naawa tuloy siya bigla. "Ano kaya ang kaya kong gawin para sa kanya. Nakaya niyang asikasuhin yung sugat ko sa ulo pero yung sugat niya sa mga paa niya hindi man lang niya inasikaso."
Pero di ko parin niya malimutan ang nangyari kagabi kung paano pinatay ng ate niya ang lalaki na alam niyang kakilala lang ng ate niya. Natakot talaga siya kagabi sa ate niya pero kung isa nga siyang masamang tao dapat matagal na niya silang pinatay mag-ama dahil sa pagkakaalam niya galit ang ate niya sa kanilang dalawa. Ilang beses narin silang sinabihan na papatayin sila ng babae. Imbis na matakot sa kanya, hindi siya malimutang ang magagandang bagay na ginawa naman nito gaya ngayon at 'yun ang nangingibaw sa kanya.
Tumayo siya ng mahinahon at sinubukan niyang hindi gumawa ng ingay para hindi niya ito magising. Medyo hindi naman ganun ka sakit ang katawan niya ngayon di tulad nung kahapon. Naghanap na siya ng dahon o kahit ano na pwede kong maigamot sa sugat ng ate niya.
Kumuha narin siya ng tubig at inilagay niya 'yun sa isang maliit na lalagyan at kumuha na din siya ng dahon ng bayabas. May kinuha din siyang isang bato at hinugasan niya 'yun sa may batis kung saan siya kumuha ng malinis na tubig.
Bumalik na kaagad siya. Napagod talaga siguro ng husto ang babae dahil hanggang sa pagbalik siya, hindi parin ito gising. Sinimulan siya ng dikdikin yung nakuha niyang dahon ng bayabas. Lumapit na siya sa ate niya at tiningnan muli yung sugat na natamo nito. Pinunit niya yung ibabang parte ng tela ng shorts na suot niya at insubsob niya 'yun sa tubig tsaka niya ipinunas sa binti at paanang bahagi ng katawanniya nito. Hindi pa nga naipunas ito nang may humawak sa kamay niya.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tiningnan siya ng masama ng ate niya at natakot siya bigla.
"Pupunasan ko sana yung sugat mo." Nabigla ang babae sa sambit ng bata. "Bakit hindi mo kasi inasikaso yung sugat mo eh nagawa mo namang asikasuhin yung akin." Sabay hawak sa kanang bahagi ng ulo niya.
Tiningnan siya ng babae bago yumuko at sinabihan siya na, "Kaya ko na 'yan. Hindi ko kailangan ng tulong mo."
Ngumiwi lang ang bata. Kukunin na sana ng babae yung tela sa mga kamay niya pero tinabig niya lang ung kamay nito. Kitang-kita niyang nagulat ang babae sa ginawa niya. First time niya din kaya niya ginawa 'yun sa nakakatandang babae. "Ako na sabi eh. Pwede ba ate, huwag ka ngang magpanggap. Alam ko namang mabait ka at nag-aalala ka sa amin kaya nga tinulungan mo ako diba?"
"Nagkakamali ka. Narinig mo naman siguro ang sinabi ko kagabi diba? Nandito ako dahil gusto ko siyang patayin at hindi dahil sa----ouch!" Napasigaw bigla ang babae. Diniinan niya kasi ang pagpunas sa mga sugat nito.
"Nasasaktan ka pa din pala ate?" biro niya, sabay ngiti.
Tiningnan lang siya nito ng malalim. "Bakit ate?" Umiwas lang ito ng tingin sa kanya. He wondered why though. Was that something uncommon to do?
Inilagay niya na din yung dinukdok niyang dahon ng bayabas tsaka niya inilagay sa sugat nito. 'Nakakatuwa naman 'to.' He giggled at that thought.
"Bakit ka ba tumatawa?" tanong sa kanya ng babae. Kitang-kita sa mukha ng babae na hindi na siya natutuwa sa mga kinikilos ng bata sa kanya.
"Paano kasi ate, first time atang hindi mo ako pinigilan." Natahimik ang babae sa sagot ng bata. Hindi niya lang tiningnan ang reaksyon sa kanya ng babae dahil nakatuon lang ang atensyon niya sa pagamot sa sugat nito.
"Thank you ate. Nung una hindi talaga ako sigurado na dadating ka at sasagipin mo ako. Akala ko talaga, wala ka na gaya ng sabi ng lalaking yun. Natakot talaga ako at nalungkot." Umiiyak na sabi ng bata. "Pero nagpapasalamat ako sa Diyos at buhay ka. Buhay tayong dalawa." Pinunasan niya yung mga luha niya tsaka siya humarap sa babae at ngumiti.
Nagulat ang babae at tiningnan siya, natakot siya baka ikakagalit naman ito ng babae sa kanya pero laking gulat niya ng napalitan din ito ng isang simpleng at maliit na ngiti sa labi ng babae.
'Grabe! Nagulat ako! Napanganga ako ng literal! First time ko kasing nakita yung ngiti ni ate kahit hindi ganun ka 'wide' pero kahit na! Ngumiti pa din siya sa akin. Nakita niya siguro ang pagkabigla ko sa ginawa niya kaya binawi niya agad ang ngiti niya at umiwas na lang ng ngiti at tumayo. Namamalikmata lang ba talaga ako? O totoo talaga yun?'
Kumurap siya trying to process if what he just saw was just pure hallucination but he knew that wasn't the case.
Tumayo na ang babae ad agad naman siyang sumunod rito. Medyo natumba pa siya nung nagsimula na silang maglakad. Mabilis siyang naglakad para makaabot sa babae nung tumungo ito sa may cliff side.
"O nga pala ate. Patay na ba talaga ang lalaking iyon?" tanong ng bata sa ate niya.
"See for yourself." At tiningnan nito yung sa ibaba ng bangin. The boy followed to where she's looking.
Kaya naman napadungaw tuloy ang bata at napasigaw. "Hm!" Napaiwas agad siya ng tingin. Paano ba naman kasi nakita niya yung lalaki kagabi na nasa ibaba na ngayon ng bangin, lasug-lasug ang katawan dahil na din siguro sa mga sanga ng kahoy at mga bato na nabagsakan niya.
Ang panget tingnan. Tiningnan ko si ate at nakatitig padin siya sa ibaba. Hindi ba siya nasusuka sa nakikita niya?
"Tayo na." Paanyaya ng babae sa kanya. Nauna ito naglagad papaalis. Hindi niya masikmura ang ganung klaseng tanawin. Hindi siya sanay. It was the first time seeing that. He felt nauseous. Buti naman at hindi niya naituloy ang pagsuka right there, right then.
Naglakad-lakad na silang dalawa papunta sa di malamang direksyon papuntang sa bahay nila. Sumusunod lang naman siya sa nauunang maglakad na ate niya. He looked at her from behind and thought how strong this woman must be, physically and mentally. After all they have seen, it's like parang wala lang ito sa kanya. After all the wounds and pain she had gotten, she was able to walk straight as if she's not injured or in pain.
'Ang galing naman. Sana ako din,' he giggled at the thought of him being strong, too.
"Kung hindi ka titigil sa kakangiti, iiwan kita dito at maglalakad na lang ako mag-isa." Bigla nitong sinabi na nakatalikod parin sa kanya.
"Okay. Okay."
"Kaya kung maglakad ng mabilis kahit ganito ang kalagayan ko. Tamang distansya lang para hindi mo ako masusundan," pagbabanta ng babae sa kanya. He pursed his lips in response. Hindi na siya dapat magreact pa or else iiwan talaga siya ng babae. Kahit alam naman niyang hindi naman ito kayang gawin ng babae sa kanya, kinaya nga nitong iligtas siya sa isang lalaki kagabi eh, iiwan pa kaya but he just followed her orders.
Ang babae kasi ang nagdidikta kung saang direksyon sila papunta eh. Sumusunod lang siya. Kung iiwan siya nito dito malamang hindi niya na malalaman ang daan pauwi. Kaya tumahimik na lang siya at hindi na siya ngumiti pa sa mga oras na yun but he was smiling all troughout in his thoughts.
Ilang oras nadin silang naglalakad dito sa kagubatan. Ilang sandali lang tanaw na tanaw niya na ang bahay nila sa di kalayuan. 'Wow ha. Ang galing talaga ni ate. Nahanap niya talaga ang bahay!' Habang papalapit na sila ng papalapit, nakita niya ang papa na nakaupo sa may bench sa labas ng bahay. Nakayuko. Yung palagi niyang ginagawa pag nag-aalala ito at di mapakali.
"Papa..." Bulong niya sa sarili niya. Namiss niya na talaga ang papa niya. "Papa!" Sigaw niya. Napalingon naman ang papa niya sa iba't-ibang direksyon bago niya sila makitang dalawa.
She stopped and let me walked passed her. Alam niya kung ano ang nais iparating sa kanya ng babae kaya naman hindi na siya nag-atubili pa at tumakbo na nga siya papunta sa ama niya. Niyakap siya ng mahigpit ng kanyang ama as if he's been gone too long at ngayon lang ulit sila nagkita kahit ilang oras lang naman ang nagdaan since the last time they saw each other.
Nararamdaman niya ang pag-hikbi ng papa niya habang yakap siya.
"Ano ka ba naman papa? Matanda ka na umiiyak ka pa din? Para kang bata," sabi niy lang sa ama niya.
"Iyakin naman talaga ako eh pagdating sa'yo," sagot nito na mas lalo pang napahigpit sa pagkakayap sa kanya.
"Hindi nga halata eh." He felt sorry for his father because the first and last time he had seen his father crying was when his mother died. This time, it was because of him. "Namiss kita pa at mahal na mahal kita," he whispered.
"Mahal din kita, anak." Humarap sa kanya ang kanyang ama at hinalikan siya nito sa noo bago bumalik agad sa pagkakayakap.