Ang lamig ng simoy ng hangin. Nandito kasi siya ngayon sa labas ng bahay. Nakapagluto na siya ng agahan para sa kanilang tatlo. Yung dalawa, tulog pa ata hanggang ngayon. "Ang ganda talaga ng hangin sa bukid. Ang presko-presko. Tapos lahat ng makikita mo ay natural." Pinikit niya ang kanyang mga mata. Damang-dama niya ang medyo malamig na simoy ng hangin. Dinig na dinig nuya ang mga huni ng ibon. Binuksan niya ang mga mata niya at may napapansin siyang kung ano mang bagay sa di kalayuan. Isang tao.
"Tao ba 'yun?" Nakatalikod kasi ito sa kanya. Nakasandal lang ang tao sa isang puno. Nung humarap ito, nabigla din ito dahil nakita nitong nakatingin din siya sa kanya. "Sino po kayo?" Tanong niya sa tao ng pasigaw kaso bigla itong tumakbo ng mabilis at nawala na sa kanyang paningin. Hinabol niya sa masukal na daan kaso nawala ito ng parang bula.
"Sino kaya yung taong yun?" Bulong niya sa sarili. Tumakbo na lang siya pabalik sa bahay. Pagpasok niya, nakita niyang bumangon na pala ang kanyang ama.
"Saan ka ba galing ha?" Tanong ng matanda.
"Patawad papa."
"Halika na nga dito at ng makakain na tayo." Paanyaya ng kanyang ama papunta sa kanilang hapagkainan. Nagsimula ng umupo sa upuan ang bata.
"Ah teka! Si ate--"
"Nasabihan ko na siya, mamaya na lang daw siya," pagputol ng kanyang ama.
Sumimangot lang ang bata and thought of when would the young woman join them for dinner.
"Okay." Umupo ang bata sa upuang nasa harap ng kanyang ama at nagsimula na silang kumain. "Nga pala papa, may bagong lipat po ba dito sa lugar natin?"
Nakatingin sa kanya ang kanyang ama na may pagtataka. "Ha? Wala naman. Bakit mo naman naitanong?"
"Paano kasi may nakita akong lalaking nakasuot ng itim kanina sa di medyo kalayuan sa bahay natin. Di lang yun, nakita ko din yung lalaking yun kahapon doon din sa lugar kung saan ko siya nakita kanina."
Biglang napatigil sa pagkain ang kanyang ama. Tiningnan siya ng kanyang ama na puno ng pag-alala.
"'Simula ngayon, 'wag kang lang lalabas na ikaw lang mag-isa. Naintindihan mo ba ako?" Warned his father.
Natakot siya bigla sa kanyang ama. He displayed an expression the boy didn't know his dad could. Nakita niya ang babae, pababa ng hagdanan.
"Ate?" 'Bakit ganun si ate? Nakatayo lang kasi siya sa may hagdanan.' Pagkarinig ng kanyang ama na tinawag niya ang ate niya, napansin niya na naman na nagkatinginan ang dalawa na para bang nag-uusap. 'Narinig niya kaya ang pinag-usapan namin kanina?'
"Haay.." Bumuntong hininga na lang siya dahil hindi niya alam kung ano na ang nagyayari sa dalawa. "Kain ka na ate," paanyaya niya na kanyang ate. Uminom lang ang babae ng isang basong tubig tsaka bumalik na agad sa kwarto nito. Nagkatinginan ulit ang dalawa ng papa at ate niya bago ang tuluyang umakyat sa hagdan ang huli. Bigla namang nagsalita ang kanyang ama. "Sundin mo sana ang sinabi ko sa'yo anak. Para din 'to sa kabutihan mo."
"Ha? Ah..opo." 'Ang weird talaga ng dalawa. Gusto ko pa sanang magtanong kaso alam ko namang hindi niya ako sasagutin ng diretsyo. Sige na nga lang. Sa susunod na ako magtatanong.' Gusto man niyang malaman ang dahilan pero minabuti niyang 'wag na lang pakialamanan ang dalawa.
Ilang araw niya na ding nakikita yung lalaking nakaitim. Pabago-bago lang siya ng lugar na pinagtatayuan. Nung una, sa likod ng isang puno. Minsan sa may damuhan lang. Minsan naman din sa ibang puno. "Ngayon kaya? Makikita ko kaya siya?" Sumisilip siya sa bintana ngayon para tingnan ang nasa labas. "Kanina pa nga ako dito pero hindi ko siya ulit nakita. Sino kaya yun?" Bulong niya. Bawal naman siyang lumabas dahil lang din sa taong 'yun. Naisip niyang baka naman humihingi lang sa kanila ng tulong ang estranghero.
'Bakit ko nga ba hinahanap at hinihintay ang lalaking 'yun ngayon?' Kahapon kasi, nakita niya ang lalaki doon sa likod ng isang puno ng mangga. Pinuntahan niya ito kaso nawala agad ito sa paningin niya. Pagkarating niya sa kinatatayuan nito, may nakita siyang isang maliit na papel na nakaipit sa isang maliit na bato. Binasa niya ang nakasulat, "Tulungan mo ako." Kaya ayun, hinihintay niya ito ngayon kasi nga gusto niyang malaman kung anong klaseng tulong ang kilangan ng lalaki. Ibaba niya na sana an kurtina nang may nahagilap siyang isang pigura sa di kalayuan ng bahay nila.
Napasigaw siya. "Siya yun!" Yung lalaking ilang araw niya na ring palaging nakikita.
Hindi na ito nakatago ngayon, nakatayo lang ang tao sa may damuhan na malapit sa bahay nila. Sinara niya na agad yung bintana at dali-dali siyang lumabas ng bahay para puntahan ang lalaki. 'Teka nga lang, bawal akong lumabas diba?'
"Wala naman si papa eh, bukas ng gabi pa siya uuwi kaya di niya ako mahuhuli." Sinilip niya yung bintana sa itaas sa labas ng bahay kung saan nagpapahinga ang kanyang ate. "Natutulog siguro siya. Babalik naman ako maya-maya eh."
Tumakbo na siya papalit sa lalaki kaso ang lalaki naman tumatakbo din papalayo sa kanya pero kahit na ganun sinundan niya padin ito. It mightead him to where he needs his help. Lumiko ang lalaki sa kanan. Pagkaliko niya sa kanan, nawala agad ang lalaki. Lumingon-lingon siya pero hindi niya talaga ito makita. Hanggang sa naramdaman niya na lang na ang paghampas ng isang bagay sa kaliwang bahagi ng ulo niya. Dahil sa sobrang sakit, unti-unti siyang natumba sa damuhan at nawalan na ng malay.
"Arrrgghhh!" Sumasakit ang ulo niya. Hahawakan niya sana ng kanyag mga kamay ang kanyanh ulo ng mapansin niyang hindi niya ito maigalaw at maitaas dahil sa mahigpit na pagkakatali nito sa kanyang likod. Hindi lang pala ang mga kamay niya kundi pati na din ang mga paa niya.
"Ahhhh!" Hindi niya rin maiaalis ang mga tali sa kanyanhlg mga kamay at paa kahit ano pang gawin niya. Ang higpit kasi ng pagkakatali. Masakit na din ito sa balat niya. Tiningnan niya ang paligid. 'Gabi na pala, anong oras na kaya?' Madilim sana ang paligid kung hindi lang dahil sa apoy malapit sa kanyang mukha. 'O nga pala. Yung lalaking yun!' Alam niyang ang lalaki ang may gawa nito. Lumingon-lingon siya pero di niyo ito makita. 'Nasaan na kaya yun?'
"Iniwan niya lang kaya ako ng mag-isa dito?" Maaaring tama siya dahil wala ngang nagbabantay sa kanya ngayon. Ito na ang pagkakataon niyang makatakas. Pilit niya pa ding inaalis ang mga tali sa kanyanh mga kamay, pero umabot na siya ng ilang minuto pero di niya padin ito matanggal. Sumasakit na din ang mga kamay niya at napapagod na rin siya.
"Kainis," bulong niya. 'Kainis talaga.' "Papa." He was on the verge of tears but he choked it back. He doesn't need to be weak right now. Bukas pa darating ang kanyang ama. Napanghinaan na siya agad ng loob.
"Si ate! Siya na lang ang pag-asa ko." Bigla niyang naisip ang ate niya, napangiti diya. Nagkaroon ulit siya ng pag-asa pero....napalitan din agad ito ng lungkot at kawalan ng pag-asa. 'Si ate? Tutulungan ako? Impossible ata yun. Muntikan niya nga akong saktan nung isang araw eh. Alam kong galit pa din siya sa akin hanggang ngayon.'
"Kainis." Yun na lang an nasabi niya sa sarili niya.
'Mamatay ako dito. Mamatay akong mag-isa. Walang makakaalam pwera na nga lang kay papa pero bukas pa niya malalaman yun o baka hindi niya na talaga ako mahahanap kahit kailan dahil itatapon ako sa ibang lugar na hindi ako kahit kailan man mahahanap. Grabe. Ito na lang pala ang katapusan ko.' Tumingala siya sa langit. Ngayon niya lang naramdaman ang sakit na gawa ng sugat sa ulo niya.
The moon was huge and the sky was clear. Wala man lang ulap na nakapaligid sa kanya, kahit ang mga bituin, walang makikita sa kalangitan. Parang siya lang. Nag-iisa. Nalulungkot. Walang ulap o bituin na dumadamay sa kanyang paghihirap ngayon. Hindi niya na namalayang unti-unti na palang lumuluha ang kanyang mga mata. Bakit ba siya umiiyak? Dahil ba sa mamatay na siya? O dahil sa wala padin siyang nagawang mabuti at kapaki-pakinabang sa buhay niya at sa ibang tao lalo na sa papa niya?
Naisip niya tuloy ang papa niya. Paano na ang papa niya ngayong mawawala na siya? Mamimiss niya talaga ito. Mas lalong bumuhos ang kanyang luha ng dahil sa pag-iisip niya sa kanyang papa. Sa pag-iisip niya rito, naririnig niya ang pakaluskos ng mga dahon malapit sa kanyanh pwesto.
May paparating.
Natakot siya. Takot na takot. Hindi kaya ang lalaking gumawa nito sa kanya ang paparating para tuluyan na siyang patayin? Nagdasal diya ng mataimtim sa loob ng utak niya. 'Please po, Lord. Tulungan niyo po ako.'
"Oh. Gising ka na pala," sabi ng mababang boses ng isang lalaki.
He looked up. Tiningnan niya ang lalaki na puno ng takot. Mas matanda lang ng ilang taon ito sa kanyang ate. Marami din itong hikaw sa teynga nito at mataas ang kanyang buhok abot hanggang dibdib.
"Huwag kang mag-alala, matapos kong tapusin yung babaeng yun, ikaw na ang isusunod ko. Maghintay ka lang ng ilang minuto at idadala ko na dito an kanyang malamig na bangkay." Sabay buga ng usok ng sigarilyo sa baba niya.
Nanglaki agad an mga mata mg bata. 'Babae? Babae?! Si ate! Siya nga ang kanyang tinutukoy. Mamatay na ba si ate o patay na ba siya? Diyos ko po! Huwag naman sana.'
"Hindi pa siya patay....sa ngayon. Naglagay na ako ng mga patibong para lang sa kanya at sinisigurado kong mamatay siya sa oras ng tumapak siya dito." Tumawa siya.
Inisip niyang hindi naman siguro mamatay ang ate niya ng ganun-ganun lang. Malakas ito alam niya 'yun. "Hindi siya mamatay. Malakas siya. Alam kong hinding-hindi siya mamatay ng dahil lang sa walang kwenta mong mga patibong!" Ewan niya kung saan galing ang tapang na ipinapakita niya ngayon. Mamatay nga lang niya ngayon, hindi siya papayag na magpapa-api.
Kailangan kong magtapang-tapangan. Alam kong medyo nagalit siya sa mga sinabi ko. Pano kasi hindi na siya nagsalita ulit at nawala na ang 'amusement' sa mukha niya. Nagmukha na siyang seryoso.
"Sa tingin mo? You're probably right. Pero alam ko din na hindi niya kakayanin ang mga patibong na ginawa ko para sa kanya dahil hindi padin ako titigil hangga't di ko siya naibabagsak." Umupo ang lalaki sa malaking bato na malapit sa hinihigaan niya.
"Sigurado ka ba diyan? Sa pagkakaalam ko kasi, si ate ang pinakamalakas at matapang na babaeng nakilala ko. Di mo lang alam, papunta na siya dito para kunin ang walang kwentang buhay mo." Ngayon alam niyang galit na galit na ito sa kanya. Inubos na nito agad ang nakasindi niyang sigarilyo at itinapon na niya agad ito binti ko. Tinapakan niya pa ito para diinan.
"Aray! Ahhh!" Napasigaw siya sa sakit, parang naiiyak sa sobrang hapdi ng binti niya ngayon.
"Yan ang bagay sa'yo. Ang daldal mo kasi. Mas mabuting tumahimik ka na lang diyan. Lubus-lubusin mo na ang natitira mong oras, bata." Pagbabanta nito sa kanya at umupo na ulit ang lalaki sa may batohan sa harap niya.
'Kainis! Wala man lang akong magawa.' Alam niyang ililigtas siya ng kanyang ate sa ngayon pero baka patay na siya bago paman ng ate niyang maisip na nawawala siya at kailangan niya ng tulong. "Ano yun?" May narinig siyang malakas na pagsabog sa di kalayuan. May malaking usok siyang nakikita at mga ibon ng lumilipad papalayo sa pinanggalingan ng usok.
'Teka nga lang. Hindi kaya---?!'
"Tama ka, bata. Narinig mo naman siguro ang malakas na pagsabog na yun diba? Bomba 'yon na inilagay ko malapit sa bahay niyo." Tumawa ang lalaki ng mahina. Nakatayo na pala ito na naka tingin parin sa direksyon ng usok at ng pagsabog.
'Hindi pwede! Hindi pa siya patay. Hindi pwede.... Paano na yan ngayon. Wala ng magliligtas sa akin. Hindi maaari.'
"Okay. Tapos na ang trabaho ko. Kailangan ko ng itapon ang basurang naiwan ko. Magpasalamat ka nga at pangalawa pa kitang tatapusin. Yung babae kasi ang mauna dapat kahit anong mangyari." Tumingin ang lalaki sa kanya ng nakakaloko at nakakatakot.
'Ako na! Ako na ang susunod niyang papatayin. Hanggang dito na lang talaga ang buhay ko.' Nanginig at sumasakit na ang buo niyang katawan sa lamig ng hanging humahaplos sa buo niyang katawan at sa mga bahagi ng mga sugat niya. Natatakot dahil mamamatay na siya. Pinagdasal na lang niya na hindi masyadong masakit ang pagpatay sa kanya. At pagkalungkot dahil maiiwan niya na ang papa niya ng mag-isa. Pinikit niya na ang mga mata niya samantalang kinakaladkad siya ng lalaki hila-hila ang damit niya. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Ang alam niya lang, umiiyak na siya.
'Ito na ang katapusan ng aking buhay.' He cried in silence.