Isang buwan na ang lumipas at nakakalakad na siya ng maayos. Nararamdaman niya parin ang sakit sa ibang parte ng katawan niya. Kahit ayaw niya ng tulong sa dalawang kasama niya sa bahay, tinutulungan pa din nila siya sa paglalakad, pagpakain, etc. They served her na wala kahit isang reklamo. It was actually weird for her.
The first month was a hell for all of them. As much as she tried to shove them away with hurtful words, deadly glares and kahit ano pang threats ang gagawin niya, they didn't even seem to bother. She knew they heard her. She knew they understood pretty well what she said. Pero kahit na ganun, parang pinapalabas lang nila ito sa kabilang tenga. They sure are persistent. Pero kahit na ganun, parang hindi na siya masyadong naiirita sa presensya nilang dalawa. She was somehow getting used to their presence.
"Ate, kain ka na. Nagluto ako ng tapsilog para sa tanghalian." Paanyaya ng nakababata sa kanila.
Hindi niya lang ito pinansin. She's in front of the house now, sitting at the wooden bench. She couldn't run though, walking was already hard for her. Alam niya hindi parin umaalis ang bata sa likod niya. Hinihintay parin ang sagot niya.
"O..okay. Kumain ka na lang pag-gutom kana." There was sadness in his voice. Tumingin muna ang bata sa kanya bago ito tumalikod papasok at sinara na ang pinto.
She sighed. Damang-dama niya ang hangin na humahaplos sa buo niyang katawan. 'Ang sarap ng hangin. Ang sarap ng pakiramdam.'
Dahil tulad ng hangin, 'I'm....free.' For the first time for the past years since she entered the Society, she was finally free but she had no direction. None at all. Where does she go from here?
Kagabi lang nalaman niya ang nangyari nung gabing iyon, kung ano talaga ang nangyari sa Org nung gabing iyon. It's all over the news since last month. Ang alam lang ng lahat ay aksidente lang ang lahat ng nangyari pero ngayon the media uncovered some of the organization's deepest secrets.
"Kawawa naman sila. Ang raming namatay. Mga anak mayaman nga daw lahat eh," sabi nung anak.
"O nga. Sabi dito sa dyaryo, marami daw ang namatay kasama yung presidente ng kompanya," sabi naman nung ama.
"Ano nga pong pangalan nung kompanyang yun? Va--va--"
They were really talking about the company. Kahit nasa labas siya ng bahay, rinig na rinig niya ang pinag-uusapan nilang dalawa.
"Valhalla Cornporation 'yon. Sikat kaya ang kompanyang iyon. Lahat na ata ng mga tao, ito na ang pinag-uusapan," sabi nung ama. "Sabi dito 240 daw ang nasa loob ng building ayun sa nakuha nilang ulat at base na rin daw sa nakuha nilang report. Tapos 250 daw yung nakuhang sunog na bangkay."
"Pero bakit po ganun? Bakit nadagdagan ng sampu?" Tanong naman nung bata sa kanyang ama.
"Siguradong hindi rehistrado yung ibang pumasok. Di ko alam. Nung isang buwan lang ang alam lang ng lahat ay ang tungkol lang sa kompanya pero ngayon, nalaman din ng gobyerno ang tinatago nilang baho. May sekretong organisasyon sa likod ng kompanya, isang illegal na organisasyon. Sa pagkakaalam ko sa gabing iyon din sinunog ng di pa malaman na salarin, ang ibang branches at buildings na may kaugnayan sa kompanya at dinakip na ng pulisya at kinasuhan na lahat ng taong may kaugnayan dito."
Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa mga narinig niya ngayon. She's sure that it's not pity nor sadness. She doesn't care about those useless lives anyway. Ang sa kanya lang eh, tuluyan ng nawala ang organisasyon. The secret organization has finally been exposed. Something that she never thought would happen while she's still working in the Org. She always thought she would be dead first before that could happen. It happened too soon.
The father and son continued talking about some other things not related to the organization anymore so she chose to ignore it and retreated in her room.
Humiga siya sa kanyang kama at nag-isip. 'What is this feeling? I couldn't comprehend it. Was I happy that the Org and the Soc finally ended or was I sad? What is this empitiness I am feeling? Why do I feel fear?'
Tuwa dahil she doesn't have to take someone's order anymore, which what she hated the mosta being in the organization. As much as she loved her work, ayoko niyang inuutusan siya.
Panghihinayang dahil ano naman ang gagawin niya ngayong wala na ang organisasyon?
Pagtataka dahil hindi niya alam kung sinu-sino ba talaga ang kumpirmadong namatay na galing sa organisasyon.
Kaba siguro dahil baka buhay pa sila. If she escaped that night, baka sila din. And if buhay pa nga sila, she knew that they will hunt her or most probably kill her.
She's not afraid to die. Ayaw niya lang mamatay ng walang kalaban-laban. Sa condition niya ngayon, hindi siya makakalaban ng patas. She doesn't want that. She hates that. Bago siya mamatay sa kamay nila sisiguraduhin niya munang mabibigyan niya.din sila ng parehong damages that they sure will regret for the rest of their lives.
Narinig niya din pala kanina ang malaking epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa pagbagsak ng organisayon. At hanggang ngayon, hindi parin alam ng media ang tungkol sa kanila. Wala pa sa balita ang tungkol sa Angels of Death. Or is it? The police might already be doing their research and might be already hot on their tracks and if it's not the police, it would probably be their enemies searching for their scents like K9 dogs. "Lucky for them. Lucky for us."
She doesn't know what to do with her life now. If she was dead after what happened to the Org that night then wala na sana siyang problema ngayon but due inexplicable reasons, she lived. What is she going to do with her life now that the Organization is over? She sighed. Papasok na sana siya sa bahay kaso nasalubong niya ang matandang lalaki.
"Mangangahoy na muna ako iha. Babalik ako bago gumabi," sabi ng matanda na may dalang itak at sako.
She just nodded in response and the old man just smiled at her.
'Wait..did I just nod? What?!'
Bakit nga ba niya iyon ginawa? "I am not acknowledging his presence, am I?" Lately, there must be something wrong with her. Hindi niya na sila sinisigawan, she's not shooting deathly glares at them nor threatening or cussing at them. 'What's wrong with me?' This is so not like her. Sila lang ang taong pinayagan niyang lumapit at humawak sa kanya. Don't know why but I feel different when she's with them. The feeling was so alien she doesn't know what to think of it.
Pagpasok niya sa loob ng bahay, nakita niya ang batang lalaking nasa sofa. Nagbabasa ng newspaper.
"Pa...p...pa...pal...a..lap..it. Papalapit!" He exclaimed.
"Okay, sunod naman. N..na...si...ya..s..sa...lu..g..ar..na siya sa lugar!" He exclaimed again. She just looked at him.
Umupo na siya sa kusina para kumain.
"Oh! Andyan kana pala ate!" He turned and smiled brightly at her.
'Bakit ba palagi na lang siyang ngumingiti? Lahat na lang nginingitian niya. Nakakairita na.' Hindi niya lang ito pinansin. She started munching on her food when the boy talked to her again, "Alam mo ate-teka lang! Marunong ka bang magbasa? Tulungan mo naman ako paminsan-minsan. Gusto ko talagang magbasa at mag-aral kaso wala kaming pera eh kaya ayun." She could feel the determination as well as sadness in his voice. Gusto niya talagang mag-aral.
"Grade 1 lang natapos ko eh at 10 years old na ako. Pero...kahit ganun alam kung makakapag-aral pa din ako. Kahit matanda na ako, mag-aaral pa din ako."
Patuloy lang siya sa pagkain ng ksnyang agahan. As much as she wanted to ignore him, nadidinig niya parin lahat ng mga sinasabi ng bata.
"Kaya nga lang medyo malayo-layo pa yon mangyari pero handa naman akong maghintay. At tsaka, tinuturuan naman ako ni papa paminsan-minsan eh."
He chuckled, namumula ang kanyang mga pisngi. "Nakakatawa ngang magturo si papa eh."
He looked at her for a few seconds. Tumalikod na lang ang bata sa kanya at bumalik na ito sa kanyang posisyon kanina sa pagbabasa ng newspaper.
"Alam mo ba ate bakit gusto kong mag-aral?"
When he heard no response coming from her, nagpatuloy na ulit siya sa pagsasalita.
"Hindi dahil sa gusto kong maging mayaman. Hindi ko kailangan ng maraming pera. Gusto kong makapag-aral para matutunan ko ang mga bagay-bagay sa mundo. Pagkatapos nun, gagamitin ko ang mga natutunan ko para makatulong sa mga taong nangangailan. Gusto kong gumawa ng pagbabago sa mundong ito, para wala ng taong tulad namin ni papa ang maghihirap sa mundo." He paused for a while. "Eto ang pangarap ko. Eto ang dahilan kung bakit ako nabubuhay."
Nung marinig niya yun, she stopped eating immediately. She was..shocked and slightly impressed. She looked at him and saw that he's also looking at her. Then he smiled, genuinely. His smile was so warm na parang mawawala lahat ng worries and problems mo sa buhay.
She just stared at him. Shocked.
"What exactly is the reason...on why you are living?" Bakit bigla niya namang naalala ang sinabi ni Shadow sa kanya nung gabin yun. Umiwas na lang siya ng tingin sa diti at tumayo.
"Eh? Hindi ka pa tapos kumain ate ah?" Nababahalang tanong ng bata sa kanya habang tinatahak niya ang hagdan paakyat papunta sa kanyang kwarto.
"Nawalan na ako ng gana," she said coldly. At umakyat na siya papunta sa kanyang kwarto.
She closed and locked the door. Humiga siya sa kama at tumingin sa kawalan. Naisip niya lang kung tama ba siya o mali. She really doesn't have any reason to live. Kaya ba nagkaganito siya ngayon? 'Buhay nga ako pero bakit hindi ko nararamdaman na buhay na buhay ako. I felt like a zombie. I'm constantly moving but I don't feel like living.'
Walang patutunguhan ang buhay niya sa ngayon.
'Kailangan ba talaga ng rason para mabuhay? Paano kung wala? Kung meron man, paano ko yun malalaman? Mahahanap?' Those were the few questions she had on her mind.
's**t!' Bakit ba pagdating sa kanilang dalawa marami siyang naiisip na hindi niya kailan man inisip noon. Weird feelings and emotions are coming right through her. She slowly closed her eyes hanggang sa hindi ko na naramdamang nakatulog na pala siya.
Nagising na lang siya ng dahil sa isang malakas na katok sa pintuan ng kwarto niya.
"Ate! Ate! Ate! Buksan mo po ang pinto!" Patuloy pa din siya sa pagkatok sa pintuan pero hindi niya lang ito binuksan or pinansin man lang. She remained silent.
"Ate naman eh! Si papa! Hindi padin siya umuuwi hanggang ngayon! Kailangan natin siyang hanapin," he started crying.
Hinanap niya ang cellphone niya at tiningnan ang oras, 11 pm na pala.
"Ate please po! Hanapin natin siya!" Puno ng pag-alala ang boses niya at patuloy padin siya sa pagkatok.
"Hindi ka ba naawa ate? Kailan namin ng tulong mo ngayon!" Napalitan na ng galit ang kanyang boses ngayon at iyak siya ng iyak dahil wala itong nakikita kahit ano mang reaksyon galing sa kanya. She's his only hope. The only one he thought could help him. He was wrong though...or was she?
"Wala kang puso! Wala kang utang na loob ate! Wala kaming ibang ipinakita sa'yo kundi kabutihan pero bakit...bakit?! Bahala ka! Wala kang pakialam sa amin! Ako na lang maghahanap!" At padabog siyang bumaba.
She didn't respond. Ilang minuto narin ang lumipas at wala na siyang ingay na naririnig sa labas ng kwarto niya. Mabuti naman umalis na siya.
'Wala kang puso! Wala kang utang na loob ate! Wala kaming ibang ipinakita sa'yo kundi kabutihan.'
"Nakakainis. Bakit ko ba yun iniisip? I don't care. I don't care about them! Hiningi ko ba ang tulong nila? Hindi ko hiningi yun! Kusa nilang binigay yun! I didn't beg nor did I ask them to take care for me! I don't need their god damn presence!" She covered her face with her pillow and screamed.
'Urggh! Nakakainis!'