“No movement, Sir. Lumalabas lang daw po si Miss Chantal kapag may bibilhin. Pero nakita raw po ito na nakatingin sa eskwelahan ng dalawang bata,” Qui reported. They have been monitoring Chantal’s everyday activities. Ngayong naging maganda na ang relasyon ng boss niya at ni Ma’am Elena kailangan nilang paghigpitin ang security nito. Si Qui ang mas pinagkakatiwalaan ng boss niya kaya hindi niya ito pwedeng biguin. “Continue to monitor her. Mas lalong delikado ang babaeng ‘yon kung walang ginagawa. She may be planning something disastrous and I won’t take a risk for that to happen, Qui. Kahit buhay ko pa ang kapalit,” seryosong sagot ni Raphael habang pinapanood ang nasa monitor ng kanyang desktop. Linagyan nila ng hidden camera ang loob ng condo ni Chantal pati na sa labas. “Yes, boss.”

