Bago pa man makabuka ng bibig si Raphael ay sumalubong na sa kabilang kamay niya ang isa pang sampal gaking sa palad ng dalaga. “Para ‘yan sa pagwasak mo sa pangako mo!” Isa pang sampal. “Para ‘yan sa pagdurog mo sa pusong walang ibang ginawa kundi mahalin ka ng buo!” Isa pang sampal. “Para ‘yan sa pag-iwan mo sa akin at pagpili sa babaeng ‘y-yon knowing how much it will cost our marriage and friendship!” Isa pang sampal. “Para ‘yan sa masasakit mong salita na mas pinawasak ang puso. Mga salitang hindi ko akalain na s-sasabihin mo sa akin!” Isa pang sampal. “Para ‘yan sa anak ko!” Isa pang sampal. “Para ‘yan sa sarili ko!” Hindi na-realize ni Elena na lumuluha na siya habang pinagsasampal ang dating asawa. She sniffed and wiped her tears. Hinayaan lang siya ni Raphael na nakati

