Two days later. Pagkapasok pa lang ni Elena sa kanyang shop ay sinalubong agad siya ng kanyang empleyado na may ngiti sa labi. They always do naman. It’s part of their policy to always smile and be polite not just to the boss or customers but also towards their co-workers. Gusto n’yang maging maganda ang environment ng mga empleyado niya. “Good morning, Ma’am. May dumaan po rito kanina at may pinabibigay sa’yo,” imporma nito. Kinikilig sila dahil sa bagay na ‘yon. Who knows which guy gave it. “Ano naman iyon?” “Ayon po, Ma’am.” Turo nito sa bouquet ng tulips. It was wrapped in a white and lavender wrapper. Dinala iyon ng isang empleyado at binigay kay Elena. The woman hesitantly reached for it with a clear expression of confusion. “Sinong nagbigay nito? Do you know?” Umiling ang em

