CHAPTER SEVENTEEN

3502 Words
Chapter 17 "Sinong kakanta?" Ang saya ko talaga ngayon! Siya lang ata ang hindi. Pagkatapos niyang sabihin kanina na magbihis ako ay nag assume agad ako na aalis kami kaya nag bihis agad ako. And I'm right! Sa Stagium kami pupunta! "Bakit ka ba kasi naka simangot?" Inis na tanong ko. Andito kami ngayon sa Stagium at nakaupo sa mga tables and chairs na nakahanda. Clear din ang space sa gitna sa tapat ng ginawang stage dahil minsan nagiging wild daw minsan ang mga tao. Caleb also said na minsan daw parang bar ang lugar dahil nag seserve dito ng mga alak. They also serve foods like sisig and some pulutan. I look at Caleb again. Nakasimangot parin siya. Simula nung pumunta kami dito ay nakasimangot na siya. "Nakakainis ka na ah? Bakit ba naka simangot ka?!" "I told you ayaw ko sa suot mo!" Inis na sigaw niya. "What's wrong with my outfit?" Nakakainis siya! I was wearing a black button front lettuce edge Bardot dress. I partner it with a white sneakers. I let my wavy hair down. I also put a light make up. Ano bang mali? Ganito naman ang suot pag mga bar ah? Sabagay, tignan mo naman ang kanya parang nasa bahay lang! He is wearing a black shirt with a 'f*ck' words and a black fitted jeans. He also wear a black cap. He also have a black wrist watch. Inirapan niya lang ako at lumagok ng tubig. Ang arte naman nito! "I want a drink." I said. Ano tutunganga kami dito hanggang sa magsimula? "You have water in front of you." He casually said. Ano? Water? Is he for real? "Drink Caleb. Alak." Inirapan ko siya. Napakunot ang noo niya at mabilis na sumagot. "No. You won't drink tonight." Sa tono niya ay halatang hindi ko siya mapipilit kaya sumandal nalang ako sa upuan at ngumuso. Nakakainis! "Anong nginunguso nguso mo diyan? Anong gusto mo iuwi kita ng lasing?" He said. Inirapan ko lang siya at uminom sa tubig na nasa harap ko. Nag masid nalang ako sa paligid habang wala pa. Ang dami na ding tao ngayon na malapit na mag simula. Mga estudyante, mga naka office attire at ang marami pa. "Tsk, ako dapat ang naiinis eh." Dinig kong bulong niya. Bubulong pa siya eh dinig ko naman! Nakakainis siya! Anong dapat siya eh wala naman akong ginagawa? "Paris." Tawag niya. Hindi ko siya pinapansin. naiinis ako sakanya. "Hey, ako dapat ang naiinis ah?" Nagtingin nalang ako sa paligid. Ayoko talaga siyang pansinin. "Jae." Mariin nitong tawag. Ayan, dumagdag pa yung pagtawag niya sakin non! "Hey-- fine! Iinom ka." Sabi niya at agad na nagliwanag ang muka ko. "But, ako ang pipili." Tutol ako pero at least ay papayagan niya ako. I want something that can make me drunk! Tinaas ni Caleb ang kamay niya para tumawag sa waiter na nasa counter. "Give her Sidecar Cocktail and whiskey for me." Sabi nito sa waiter. Isinulat iyon ng lalaking waiter at humarap ulit kay Caleb "That's all sir?" "Yes, you may go." "Wait!" Pigil ko. May na feel ako na parang unfair. "bakit cocktail sakin?" "Kung ayaw mo edi wag." He shrugged his shoulder. "Edi wag talaga! Oorder ako ng sakin!" Sigaw ko at hinarap ang waiter na nagiintay. "Give me--" "No." Putol ni Caleb. "Kung ayaw mo ng cocktail hindi ka iinom." Napaawang ang labi ko dahil doon. I hate you. I hate you. I hate you. Of course hindi ko pwedeng sabihin iyon dahil paniguradong magagalit nanaman siya. "Fine. Give me the cocktail." Ok na yon kesa wala. Mabilis na umalis ang waiter at nagtungo sa counter. "Wag ka nga ngumuso." Inis na sabi niya. What? Pati pag nguso ko naiinis siya? Lahat nalang kinaiinisan niya! Mas lalo akong ngumuso para inisin siya. Huh! Tignan natin kung anong gagawin mo. "Tsk, di ka talaga titigil?" May pagbabanta niyang sabi. Inirapan ko ulit siya. Hindi talaga ako tumigil sa pag nguso kahit nangangalay na. Gusto ko siyang inisin! Parang malapit na mag simula dahil may mga nag aayos na ng mga music instruments sa stage. Sinong banda kaya? From what school? May gwapo? "You won't really stop?" Maya maya ay sabi niya. "So what if i don't huh?" Hamon ko sakanya. As if I'm scared! Tinitigan niya lang ako kaya tinitigan ko din siya. Walang kukurap challenge! I saw him smile. Iba yung ngiti niya, nay something. Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla niyang hawakan ang jaw ko ng isang kamay at hinarap sakanya bago dinampian ng halik. W-what.... What the?! Mabilis lang iyon dahil agad niyang nilayo ang labi sa labi ko. Gulat akong napatingin sakanya. Naka awang pa ang mga labi ko. Nakangiti siya na parang ngiting tagumpay! Ang mga thumb finger niya ay kumukuskos sa ibabang lips niya. "W-what....?" What happened? Why the hell he did that?! I need an explanation. Now! "I told you, stop pouting." He chuckled. "Still, why did you do that?!" Sigaw ko. Omygod I'm panicking. "To stop you from pouting." He said. Parang simple lang ang lahat sakanya pero pagdating sakin ang big deal! That was my second kiss! Siya na ang kumuha ng first kiss ko eh! "Come on Jae, that was just a smack." Umayos ito ng upo at nag cross arms. "Our first kiss is more..." Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya pero may mapang asar na ngiti siya. Hindi ko talaga kaya ang kahihiyan na nangyayari! Dumating na ang order namin kaya tumahimik na ako. Ayoko din siyang kausapin dahil nahihiya ako. At ano naman ang sasabihin ko? I want more? Yuck! Ano ba Paris! I sip on my drink, This drink is perfectly balanced between sweet and tart. I also taste something but i don't know what it is. It's also a bit sour and it's sweet. I don't know what is the real taste now. Si Caleb naman ay ay umisang lagok sa drink niya. What is it again? Whiskey? Sabi nila di daw masarap iyon. But who knows? Kahit nahihiya ay tinawag ko siya. "H-hey," lumingon siya agad. Nahihiya parin ako! Kasi naman bakit niya ba kasi iyon gagawin? Hayst! "C-can i try...?" Kumunot ang noo niya bago napatingin sa hawak na baso ng alak. "No. You won't like this." Sabi niya at uminom ulit. "Eh bakit parang tubig nga lang sayo?" I ask. Kung hindi ko magugustuhan bakit sunod sunod ang inom niya? "Hmm, let me just kiss you again so you can taste it ok?" Akmang lalapit siya pero ko siyang tinulak. Tinakpan ko ng dalawang kamay ang labi ko para hindi niya maabot. Agad na narinig ko ang malakas na tawa niya. Why is ge laughing? May nakakatawa? He really likes teasing me. Nakakainis! "Chill, joke lang eh." Tumawa pa siya saglit at uminom ulit. Inirapan ko siya. "Ok, everyone let's start!" Kasabay ng malakas na sigaw ng vocalist ay ang mahina at malumanay na tugtog ng banda sa likod niya. May banner sa likod nila kung saan ata nakalagay ang name ng school nila. St. Peterson national university Oh! Nakikita ko nga iyon. Nag dim ang lights at tumahimik. Tanging sila lang ang maingay kaya nakaka relax kahit paano. "Ok, let's start with mabagal." Ohhh, i know that song! Actually that's one of my favorites! I felt excited so humarap ako ng maayos sakanila. "Gusto kitang isayaw ng mabagal Gusto  kitang isayaw ng mabagal Hawak  kamay, pikit mata Sumasabay sa musika Gusto kitang isayaw ng mabagal" I close my eyes. Ang sarap sa pakiramdam ng boses ng vocalist. "You like that song?" Caleb ask. I nodded. Ayoko magsalita dahil gusto ko pang mag relax. "Heto  na ang kantang hinihintay natin Heto  na ang pagkakataon na sabihin sa'yo Ang nararamdaman ng puso ko Matagal  ko nang gustong sabihin ito" "Ang ganda ng boses niya..." I said out of nowhere. "Mas maganda akin." Dinig kong bulong. "Hmm..." Tanging sagot ko. When i open my eyes, ang dami nang nasa dance floor at nag sasayaw. Bawat isa ay may kapareha. I look at Caleb who's also looking at them. Gusto ko sabihin na 'hey, i also want to Dance.' pero ayoko! Nahihiya ako. Tinitigan ko siya at iniintay na ayain ako. Bakit ba ang manhid niya? Ayaw niya ba akong ayain? Ayaw niya bang makisayaw doon? "Gusto kitang isayaw ng mabagal Gusto kitang isayaw ng mabagal Hawak kamay‚ pikit mata Sumasabay  sa musika Gusto kitang isayaw ng mabagal" Patuloy na pag kanta iyon ng vocalist. Argh! Ayain na niya kasi ako! Feeling ko patapos na ang kanta. Nag dalawang isip ako kung aayain ko ba talaga o iintayin ko nalang? Parang walang mangyayari pag inintay ko siya! "Ilalagay ang ‘yong kamay sa ’king baywang Isasabay sa tugtog ng kanta ating katawan At dahan-dahang magdidikit ating mga balat Matagal ko nang gustong mangyari ito" Napatingin ako sa stage ng may babaeng kumanta. Oh, vocalist din siya. Oo nga pala, sila Moira at Daniel ang kumanta non so ibig sabihin dapat nay girl din. By the way, The male vocalists and the female vocalist is both wearing our traditional clothing. Barong tagalog for the male vocalists and baro't saya for the female vocalist Ang mga may hawak ng instrumento ay nga casual lang suot. 'come on Caleb, ayain mo ako!' sigaw ko sa isip ko. Si Caleb ay parang tanga na nakatingin lang sa stage. Nakakainis! Fine! Kung ayaw niya-- "You want to dance?" He suddenly ask. Gulat akong napatingin sakanya. Yes! Finally! "Yes!- i mean, sure." Pinagmuka ko iyong hindi excited. Mamaya sabihin niya gusto ko talaga. Gusto ko naman talaga kaso- argh! I'm tired of explaining myself! Dinala niya ako sa gitna at nilagay ang dalawang kamay ko sa balikat niya, ang dalawa naman niyang kamay ay nilagay sa bewang ko. At first hindi ako sanay dahil wala namang nahawak ng ganoon sa bewang ko. Pero ng mag tagal ay naging komportable ako. "Gusto kitang isayaw ng mabagal Gusto kitang isayaw ng mabagal Hawak kamay (hawak kamay) Pikit mata (pikit mata) Sumasabay (sumasabay) Sa musika Gusto kitang isayaw ng mabagal" It's so relaxing. Sa sobra ko atang relax ay mas dumikit ako sakanya at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Ang tigas talaga ng dibdib niya. Hindi ko naman siya nakikitang nag gi-gym o nag wo-workout so... How? Mas lalo niya ding hinapit ang bewang ko palapit sakanya. Now i can feel his whole body pressed on mine. "Ahh, this feels so good." Bulong niya. Yes, so good... "Sana pala dati pa kita dinala dito." Bulong niya ulit. "Kung dati mo pa ako dinala hindi ako papayag." Natatawang sagot ko sakanya. "Why?" "Because I'm annoyed at you. I hate everything about you." I confess. Tuwing makikita ko siya ay naiinis ako dati dahil feeling ko kasalanan niya kung bakit ako nahiwalay kala mommy at daddy. Kung naging girl lang sana siya edi sana hindi ako kukunin nila tita. But i realize, that was too childish. Ewan! Naiinis ako. "'Pag natapos na ating kanta ('Pag natapos na ating kanta) At wala nang musika (musika) Kakantahan ka ng acapella sa’yong tenga At nanamnamin natin ang pagsasama" "Can i ask you something?" He ask. Ang husky din ng boses niya. I can also smell the taste of alcohol. Ang mga kamay ko na nasa balikat niya ay diniretso ko sa batok. Para na tuloy akong nakayakap sakanya. "Yes." I answer. Ang bango niya. Humahalo kasi ang pabango niya sa amoy ng alak. "Gusto kitang isayaw ng mabagal Hawak kamay‚ pikit mata Sumasabay sa musika Gusto kitang isayaw ng mabagal" "Can i kiss you?" Sa pag tatapos ng kanta ay ako na mismo ang umabot sa labi niya. That was a smack but he suddenly kiss me deeper. Nakakalasing. Nalalasahan ko din ang alak na nasa labi niya. "Ohhhh." "Ang sweet!" "Sanaol!" Dinig kong sigaw ng ibang nga babae at lalaki. "We have a very sweet couple here huh?" Sigaw nung vocalist. Dahil doon dali dali akong bumitaw kay Caleb na ngayon ay naka ngisi na. Sa hiya ay agad akong tumakbo pabalik sa pwesto namin. I can't go out dahil bukod sa gabi na, delikado. Napailing si Caleb at umupo na din sa tabi ko. Ang mga tao ay patuloy sa pang aasar. Dahil sa hiya ay hinarangan ko ang muka ko at tumingin sa likod. Nakakainis! "Hay, feeling ko inabuso ang labi ko." Dinig kong sabi ni Caleb. Sinamaan ko siya ng tingin at sinipa sa ilalim ng lamesa. "Aray!" Daing niya. "Just shut up ok?" Inis na sabi ko. Ang mga tao ay umupo na sa kanya kanyang upuan at ang iba ay patuloy sa pang aasar. He chuckled. "Ikaw nga humalik eh." "Because you ask for it!" Inis na dahilan ko. Patuloy ako sa pag takip ng muka ko dahil sa kahihiyan. "Sinunod mo naman?" Kinuha niya ang alak sa harap at nilagok ulit iyon. Dahil doon ay naalala ko ang cocktail ko na halos hindi nababawasan. Kinuha ko iyon at uminom. Hindi ako makasagot sa sinabi niya dahil wala na akong maisip na pwedeng isagot. "Ok, last song for tonight!" The male vocalist announce. "Huy, uwi na tayo?" Aya ko kay Caleb. Bukod sa inaantok na ako ay nahihiya na ako dito. "Hm, pero nay pupuntahan lang tayo saglit ok lang?" Paalam niya. Tumayo na siya at inayos ang suot. Ganon din ang ginawa ko at umisang higop pa sa cocktail. Hindi ko din kasi maubos. "Yes, let's go." Nag madali akong lumabas at sumunod naman siya. Tahimik lang hanggang makarating kami sa sa parking kung nasaan ang Ducati niya. "Where are we going?" I ask. "Somewhere special." Magtatanong pa sana ako pero sinuot na niya ang helmet sa ulo ko. Napaka bastos! Nauna siyang sumakay kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay din sa likod. Nag dalawang isip pa ako kung yayakap ba ako o hindi. "Hawak ka na, pag nilipad ka di ko na kasalanan." Dinig kong sabi niya. Anong lilipadin? Bakit papel ba ako? Kung kanina ay nahihiya ako, ngayon ay naiinis na ako! Humawak ako sa bewang niya. Nang umaandar na ang motor sinubukan kong alisin ng bahagya ang kamay ko pero agad din akong napahawak dahil hindi ko pala kaya. Nadadala nga ako ng hangin dahil sobrang bilis niya. After a minute ay huminto na kami. Wait... Dagat? "What are we doing here?" I ask. Umalis ako sa motor at tinanggal ang helmet. Ganon din ang ginawa niya. "This the most special place for me." Sagot niya. Hinila na niya ako papunta sa dalampasigan. Mabuhangin kaya medyo mahirap mag lakad. May mga ilang buhangin din ang pumapasok sa loob ng sapatos ko. Nang nasa malapit na sa dagat ay may nilatag siyang panyo saka niya ako iniupo doon habang siya ay sa buhangin mismo umupo. "Hey, kasiya pa naman dito." Nahihiyang sabi ko. Nakangiti siyang umiling bago humarap sa dagat. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito. Kitang kita ko ang hulma ng jaw niya at ang tangos ng ilong niya. Isa lang ang pinaka nakakuha ng atensyon ko. Malungkot ang nga mata niya. "Why are you sad?" I ask. Ayoko ng tahimik siya. Kakaiba kasi hindi ako sanay. Mas sanay ako na madaldal siya at palaging nang aasar. "Alam mo ba kung anong araw ngayon?" He sadly ask. "No, but you look sad. Why?" Nakakainis na ganito siya. "I have a secret I don't want you to know." Bulong niya. "Pero may parte sakin na gusto kong malaman mo." "It's ok if you don't.... Want me to know." Gusto ko siyang ayain nalang umuwi pero gusto ko din malaman. I'm curious. Matagal bago siya nakasagot. As in sobrang tagal kaya sobrang tahimik din. Naririnig ko ang agos ng tubig sa dagat at ramdam ko ang lamig ng hangin. "Ayoko, baka mag iba tingin mo sakin." Natawa siya ng bahagya. But i know, malungkot siya. "What? Ganon ba tingin mo sakin?" I was trying to light up the mood. "No, I'm just scared na baka pag sinabi ko.... Ayaw mo ba bigla sakin." Napunta sa dagat ang mga mata ko. Ganon ba yon kabigat at ayaw niyang malaman ko dahil baka ayawan ko siya? Or baka wala siyang tiwala? "Anong iniisip mo?" He ask. Ayokong sabihin kaya tumahimik nalang ako. "Paris...." Tawag niya. "Ampon ako..." "H-ha?" I was shocked! What is he saying? A-ampon? How? Ngumiti lang siya ng malungkot. "At the exact time of 11:30 pm they adopt me here." Dito? Sa dagat? Hindi agad ako nakapag salita dahil sa gulat. Ni minsan ay hindi ko iyon naisip. "I was just 10 years old back then. Mahirap kami ng dati kong pamilya--" "Wait, so kilala mo ang tunay na parents mo?" I cut him. Kung kilala niya bakit hindi siya bumalik? "Hindi din sila ang tunay na magulang ko." Sabi niya bago pinaglaruan ang buhangin. "Kaya nga ako nakuha nila mama eh, kasi mayaman sila at mahirap lang kami." "I was trying to get a fish dahil gutom na ang mga kapatid ko. Ang tatay ko lasinggero at palamunin. Ang nanay ko sakitin kaya ayun, isang kain Isang tuka kami." Natawa siya pero may halong sakit. Dinig na dinig ko yung sakit sa boses niya. "Where are they?" I ask. "Remember Jared?" Tumango lang ako. "He's my brother. And the woman in the mall? Siya si nanay." My lips parted in shock. Nanay? Shocks! Akala ko pa naman anak niya yung nga batang kasama! He chuckled. "You really thought he's my son?" Nag init ang muka ko dahil sa kahihiyan. "It's not my fault." I pouted my lips. "At first i was happy. Kase finally diba? Aahon na ako sa hirap! Hindi ko na kailangan mamalimos, magtinda ng candy at magtrabaho!" I can see happiness on his eyes. "But when i saw my nanay and my other brothers suffering? Gusto kong bumalik. Gusto kong magtrabaho. But ayaw ni mama. Sabi niya kung babalik ako kala nanay, hindi na ako makakabalik sakanila." Ako mismo ay naiiyak sa sinasabi niya. Yung gusto mo yung marangya, maayos, masarap at magandang buhay perk tuwing naiisip mo yung taong maiiwan mo bigla nalang magbabago ang lahat. Ako mismo, nalulungkot. "Siyempre nag isip ako ng maayos, kinalma ako ang sarili ko. Sabi ko, dito nalang ako, hindi ako aalis dahil pag bumalik ako kala nanay mag hihirap ulit ako. Instead of going back i stayed." Nakita ko siyang palihim na pinunasan ang mga mata. Is he crying? Omygod! Nilabas ko ang sariling panyo at inabot sakanya. Tinignan niya yon saka bahagyang natawa bago tinanggap. "Thanks." "Bakit ka nag stay?" I ask. May parte sakin na nagalit dahil iniwan niya ang pamilya na kumupkop sakanya kahit hindi naman talaga siya tunay na anak At the same time naawa ako dahil hanggang ngayon hindi niya kilala ang tunay na magulang niya. "I'm lost. Gusto ko bumalik pero mas magiging komplikado kaya hindi ko ginawa. Binibigyan ko nalang sila monthly ng pera galing sa allowance ko. Mas maganda yon dahil nakakapag aral ako at napapagaral ko mga kapatid ko. Si nanay, hindi na kailangan mag trabaho. Pero si tatay...." Umiling siya ng umiling bago pinunasan ang luha. "Ayaw mag bago. Ayaw mag trabaho at puro sugal at alak nalang iniintindi. Gusto ko siya palayasin pero hindi pwede. Hindi naman ako parte ng pamilya nila eh." Wala akong masabi at tahimik lang. Nakikinig lang. Iba ang naranasan niya sa naranasan ko kaya sino ba ako para mag bigay ng kumento? "It's already 11:30 pm. Nandito ako lagi tuwing ganitong oras at ganitong araw. Iniisip ko kung sino ang mga tunay na magulang ko." Nakita ko naman ang galit sa mga mata niya. "Alam mo ba, andito kami ni papa noon ng sabihin niya na anak niya talaga ako?" What? So tunay na anak siya? Edi kilala na niya real parents niya? "Pero nung nag pa DNA test kami, Negative. Ni isang patak ng dugo niya wala. Again, I'm lost. I don't know what to do anymore. Galit na galit ako noon dahil sa dinami dami ng bata sa mundo bakit ako? Bakit kailangan ako yung iwanan ng magulang? Tangina! Sobrang hirap ba akong palakihin?" Sunod sunod tumulo ang mga luha niya. Sunod sunod din ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko iyon pinakita at humarap lang sa dagat. "But again, nabuo ako. Dahil sayo..." A-ano? Lagi nalang niya akong ginugulat. Anong pinagsasabi niya ngayon? Ano ba!? "Paris....." "S-stop, tara na... Ano uwi na tayo." Tumayo na ako at naglakad palayo. Bago pa ako makalayo ng tuluyan ay narinig ko ang sinabi niya. "I like you Paris..." ••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• A/N Paris outfit is from: Pinterest || shein Caleb's outfit is from Pinterest A/N Thank you. Seeyah! //ClumsyAlmond// _______________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD