CHAPTER TWELVE

3637 Words
Chapter 12 "Oh gago madaya!" "Bobo mo kasi kumuha ng stuff toy eh!" Kanina pa sila. Kanina pa nag aaway sila Psalm at Keziah eh. I think I'm standing here for almost 10 minutes? Well since hindi nga kami nakaabot sa cine we just play here nalang sa Tom's world and nagpapagalingan sila Psalm at Keziah sa pag kuha ng stuff toy sa claw Machine. At guess what? Naka 400 pesos na kami dito wala pa silang nakukuha. I want to go home and rest nalang eh. "Ate, KJ naman neto ayaw mo ba maglaro?" Inakbayan pa ako ni Psalm at hinila sa isang machine na basketball ang laro. What? "Hey, i don't even know how to play basketball!" Daing ko sakanya. I remember i tried to play basketball with Psalm and dad eh. Ending? I just got injured. Halos two weeks ata akong naka saklay nun eh. And two weeks din ako pinagtatawanan nila Lizette. "Psh, mag sh-shoot ka lang diyan." Sabi ni Psalm at naghulog ng dalawang token. "Go laro na dun lang ako?" What? Iiwan niya ako? I don't know how to play this! Wait what should i do? The ball started move na papunta saken! Should i watch youtube first? Oh no bahala na nga! Kinuha ko ang isang ball and tried to throw it sa ring but ayaw mag shoot! I was panicking when someone grab my hand. It's caleb..... "Stop panicking." He hold both of my hands and get the ball. "Just focus on the ring." I think i can't focus. He's behind me and para siyang naka back hug sakin. Slowly inangat niya ang kamay ko at sinubukan mag shoot. At nag shoot nga! Omg! I did it! Ang galing ko! "Sabi sayo focus lang eh." Sabi ni Caleb at nilagay sa ulo ko ang kamay niya. I just smiled. I was jumping in joy ng maalala na meron pa pala. Kumuha ako ulit ng ball ang tried to shoot it again but hindi na siya pumasok. I heard Caleb laugh. I look at him with a deadly eye. But instead of stopping he laugh again. "You know what just help me shoot this balls." That's not a pakiusap ah! That's utos! "Yes ma'am." Sumaludo siya sakin at bumalik sa likod ko para hawakan ulit ang kamay ko. I can feel his baba sa head ko. Ganun ba talaga siya katangkad? Ugh fine! After a minutes almost all the ball shoot! I was so happy dahil ngayon lang ako nanalo sa ganito! I was so happy that i hug Caleb! "We won!" I shout while hugging him--- What? I look up and saw Caleb and his amusing smirk. I immediately let him go pero nahawakan niya ang kamay ko at hinigit para yakapin ulit. "I'm sorry hindi mo napanood yung movie." He said while hugging me. I didn't hug him back of course. Wala naka tayo lang ako dun. "Oy galing ah sabi ko laro lang bakit may yakapan." I push Caleb as strong as i could dahil biglang dumating si Psalm. Tumumba si Caleb dahil nawalan din ng balanse. hindi naman namin in-expect na makikita kami ni Psalm! "L-look psalm! I won!" I said as i tried to Divert his attention. It's so nakakahiya! "Cool, pero bakit kayo nagyayakapan?" Naging seryoso ang muka ni Psalm. "Uy Psalm! Kumuha ulit ako ng toke-- oh bakit seryoso ka? Anyare?" Takang tanong ng kadarating lang na si Keziah. "Hug j-joy?" I nervously said. Ni hindi ko nga alam kung may word bang ganon? "Kuh itong kumag na toh chansing pa." Inalok ni Psalm ang kamay niya kay Caleb. Tumawa si Caleb bago abutin ang kamay ni Psalm. "Ilan ba score niyo?" Tinignan ni Psalm ang Ang machine. "Yak noob naka 24 shoot lang kayo?" "Di ka nga nananalo kay daddy eh." Bulong ko pero narinig ni Psalm. "Ano?! Pinagbibigyan ko lang si daddy kasi matanda na yon marupok na buto parang ikaw!" Nasa dalawang bewan niya ang mga kamay. What?! Anong ako? "Hey! Hindi pa marupok buto ko ah!" Naiinis na sabi ko sakanya. I can run faster than him! "Hindi naman yung buto eh. Ikaw." Tawa siya ng tawa pati si Keziah. Really? I am not! "Really? Eh sino kaya yung kumuha ng damit ko para kay--" tinakpan bigla ni Psalm yung bibig ko kaya hindi na natuloy. Huh! He's scared na malamang may crush siya dati. Ninakawan ako ng damit dati dahil wala daw maisuot yung crush niya. Nalaman ko nga lang dahil isusuot ko na yung damit eh. "Uyy yung baby may crush pala." Sinundot sundot ni keziah ang tagiliran ni Psalm. Agad na nainis si Pslam kaya nang asar din siya. Bagay sila. But i know Psalm, he's loyal and faithful. "Puta ate patigilin mo nga tong epal na toh!" Naiinis na sabi niya. "Stop ka nga sa pag mumura." Saway ko. Ang sakit sa tenga. Nag mumura din ako pero hindi naman ganon kalutong. Tawa ng tawa si Keziah at naputol lang dahil tumunog yung phone niya. "Dad? Yes po pauwi na po." Mabilis na sagot niya. She looks nervous. Why? "Ok po, love yo--" natigil siya ng biglang namatay ang tawag. She laugh. I know it's fake. Master ata si Psalm diyan and ayun natuto akong malaman kung alin ang peke sa hindi. "Ang shunga talaga ni daddy napipindot yung end call." She explain. "Sige na pinapauwi na ako ni pudrakels. Babush mga marsie!" Nagbeso siya sakin. "Sure? Nasan driver mo?" Baka mag taxi pa siya rh delikado na. "Oh nasa parking na daw." She bid her goodbye then umalis na. I saw Caleb playing basketball parin. I look at his points. Nanlaki ang mata ko dahil sa points niya. 50 points?! Seriously? Kanina ay nasa kalahati lang ah? "Woah, Caleb laro tayo!" Aya ni Psalm. "Pataasan points. Matalo susunod sa utos." "Para kang bata." I commented. Luma na yan eh. Mas gusto ko dun sa kuhanan ng candies! Ang yummy ng candies dun eh tas yung marshmallow na may chocolate? Heaven! Aayain ko sana sila but Caleb agreed to Psalm. "Game! Pag ako nanalo di ka sasabay samin Paris samin bukas." Maangas na sabi ni Caleb. What? No way! Bukod sa ayokong kami lang ni Caleb eh hindi naman kabisado ni Psalm ang manila! Baka maligaw siya! O baka mapag tripan sa kanto! Or mabangga! What if mali ang nasakyan niya tapos ma-holdap pa siya? "Kita mo yang tingin na yan?" Sabi Psalm kay Caleb. "Nag ooverthink na yan. Hula ko patay na ako sa isip niyan." Nagtawana silang dalawa at sumimangot nama ako. Psalm really know me. Ayoko talagang nahihiwalay sakanya. He's so makulit eh. "Ok, let's start." Naghulog silang dalawa ni Caleb ng dalawang token. "Ate ako kapatid mo ha wag si Caleb icheer mo." Natatawang sabi ni Psalm. Energetic siya ngayon ah? "Lakas mo mang asar today do you want sapak?" Inirapan ko lang siya. "Caleb! Look I'm done na sa nails." Bida ni faye. "Is it good?" She's so good at flirting. I can saw her boobs na sinasadyang ilapit kay Caleb. "Y-yeah, excuse me we're playing." Bahagyang nilayo ni Caleb si Faye. Huh! "Ohh basag ang landi today." Parinig ni Psalm. Agad na humarap si Faye kay Caleb ng may masamang tingin. What? Aawayin niya si Psalm? Subukan niya iikot ulo niya. "What did you say?" Mataray na tanong niya. Nakataas din ang isang kilay niya. "Ay bingi si ate girl." Tumawa si Psalm kaya natawa na din ako. I can see her blood boiling sa sobrang inis niya. Huh! Sama sama ka pa talaga ah? "Caleb! Look at his attitude!" Sumbong niya. But Caleb also laugh so lalong nainis si Faye! Buti nga sayo epal ka eh. Kung hindi naman kasi siya sumama edi sana I'm enjoying my popcorn and soda while watching the movie. "Uy! Andiyan lang pala kayo!" We all look at Prince and Cassandra na papalapit sa amin. "Sorry ngayon lang kami nakahabol." Sabi ni Cassandra. San nga ulit sila galing? I forgot! "Bagal kasi ni Cass mamili eh." Turo ni Prince sa dala niyang paper bag. Oh! Nag shopping si Cassandra for a family event. Nagpaalam nga sila kanina. And by the looks of it mukang mamahalin. "Eh ang daming magaganda eh." Dahilan ni Cassandra. "Masusuot mo ba lahat sa isang gabi lang?" Reklamo naman ni Prince. I think there is something going between them. Para silang may lover's quarrel. They look cute together. Pareho silang mahilig mambara. "Ops ingat baka magkatuluyan." Pangaasar ni Psalm. Agad na umisim ang muka ng dalawa at nag asaran ulit. "Sali ka Prince? Manalo may prize." Aya ni Caleb. Tumango si prince at nagpapalit na sa counter ng token. Pagbalik naghulog din siya ng dalawang token. "Ok, girls We have to support them ok? Ako kay caleb--" malanding sabi ni Faye pero pinutol iyon ni Cassandra. "Oo na daldal mo pota." Naiinis na sabi ni Cassandra. "Excuse me?!" Inis din na sabi ni Faye. Ok this is a war. Palaban si Cassandra at ganun din si Faye but hindi pikon si Cassandra. Si Faye parang konti nalang sasabog na eh. Well ayaw din naman siyang ipagtanggol ni Caleb kaya ayun lalo siyang iniinis ni Psalm at Cassandra. When the game started i cheer Psalm, Cassandra is cheering Prince and of course pinakamalakas ang bibig ni Faye sa pag cheer kay Caleb. Kala mo naman mananalo yun ng ganon lang. Ang pangit kaya ng boses ni Faye. "Go Dandreb! You can do it come on!" Sigaw ni Faye habang nakataas pa dalawang kamay. "I'll treat you pag nanalo ka promise!" Huh! Treat? Ng ano? Steak and wine nanaman? Di ba siya nagsasawa dun? "Ang bano mo naman mag laro eh!" And that. Sabi cheer hindi hampasin. Kanina pa silang Dalawa nagaaway eh. Pag hindi nakakashoot si Prince, hinahampas siya ni Cassandra. "Stop! Pucha! Paano ako makakashoot hampas ka ng hampas!" Reklamo ni Prince. Sinusubukan niya parin mag shoot kahit hinihila hila ni Cassandra and damit ni Prince. "Ate, cheer naman diyan." Sabi ni Psalm habang nag shoshoot parin. "Uhh go brother?" I said. Ang awkward dahil hindi naman ako magaling mag cheer. "Wow ginanahan ako dun ah!" Oa na sabi niya bago bumalik sa pag shoot. They keep on cheering until the timer stops. We all look at the score and..... "Ready to be my slave?" Mayabang na sabi ni Psalm. Yes. Psalm won. Psalm got 30 shoot, Caleb have 28 and Prince got well... 14. Ayun hinampas niya ng hinampas si Prince. "Napaka tanga mo naman talaga! Bobo na sa school pati ba naman sports?" Sigaw ni Cassandra. Halos bugbugin na nga niya si Prince. "Eh hampas ka ng hampas eh! Ikaw kaya mag laro!" Sigaw pabalik ni Prince habang iniiwasan ang hampas ni Cassandra. She's violent. But i know, kung gusto ni Prince patigilin si Cassandra, kaya niya. If i know naman torpe si Prince. "Ohh it's ok Dandreb ililibre parin kita." Maarteng sabi ni Faye. "Remember your favorite lugawan? Let's go there!" Lugawan? So favorite niya ang lugaw? Edi pumunta sila don ng five am! Tignan natin kung hindi sila tahulan ng dog! And that too! Tuwing umaga lagi nalang tahol ng tahol yung dog ng kapit bahay! It's so nakakainis dahil ang aga ko tuloy nagigising. "Actually it's lomihan." Caleb said. "Lomi yung kinakain natin hindi lugaw." Oh? So naalala niya? What a sweet boyfriend nga naman! I thought puro steak kinakain nila. "Aww kuya ang sweet niyo po." "Aww sanaol!" Nagulat kami ng May dalawang girl from our school din pero highschool sila. They know Caleb and Faye? Isa ba sila sa fans club nila? Kuya? Why? Brother niya ba si Caleb? So annoying naman ayaw nalang mag aral eh! "ohh highschool?" Sabat ni Psalm. And Psalm being so handsome agad na nakilala siya Ng mga babae. "Omg! Hi Psalm! Remember me? Lorraine from the restroom?" Kinikilig na tanong ni girl. Restroom? What are they doing there? At pacute pa siya ah. This girl! "Oh! Yes! The restroom girl!" Tumawa pa siya. Oh i know he is lying! Sa tagal na magkasama kami i know na nagsisinungaling siya. Sabi ko nga Diba? Sa lahat ng taong kilala ko si Psalm ang pinakamagaling sa pag sinungaling. If you ask him if he's ok, sasabihin niya lang na ok siya.but no, he's not ok. "Restroom girl?" Medyo na offend ata yung isa pang girl. Oh she's jealous i know! Tignan mo tong si Psalm makakasira pa ng friendship. "Yeah, you know endearment?" Psalm chuckled. I swear! That's not my baby Psalm! Ang manly ng tawa! Usually parang adik tawa niya ah? Tapos nag chuckle pa siya! "Really? I thought si daniel gusto mo?" Medyo inis na sabi nung isang girl. "Wha-" hindi na tinuloy nung si cr girl yung sasabihin niya at umangkla sa braso ni Psalm. "Well that's two months ago pa." I can see Psalm na parang nandidiri at gusto nalang niyang alisin ang braso ni cr girl. Magaaway pa sana sila pero Cassandra being the most savage girl i know. "Puro kayo landi ayaw magaral nalang. Layas!" Inalis niya ang Cassandra ang braso ni Cr girl. Tinuro pa niya ang exit ng Tom's world. "One!" Agad na umalis yung dalawang babae at medyo nagtulakan pa. "Napaka amazona mo talagang babae ka." Napa tsk si Prince. "Napaka panget mo talaga." Ganti naman ni Cassandra. Tuwing nagkasama sila parang silang dalawa lang sa mundo. They always fight pero kita naman na gusto nila yung isa't isa eh. "Dandreb can we go to milktea shop? I want milktea." Pa cute na sabi ni Faye. Huh! Di naman bagay sakanya eh. Habang tumatagal nagiging pabebe siya. "May paa naman." Mahinang parinig ni Cassandra. Seriously, siya na ang pinaka mataray na babaeng nakilala ko. "What did you say?" Nakangiting tanong ni Faye. Puro kaplastikan naman siya eh. Siyempre Caleb being the best boyfriend nagpunta kami sa lipTEAnt shop. That shop is one of the best tea shop in the country. Kaya din sa liptint pinangalanan iyon dahil Yung cup nila ay parang isang malaking liptint. Tapos may free liptint na kakulay ng milktea. Malas lang pag matcha dahil green talaga ang kulay ng tint! "Goodevening ma'am sir what's your order?" Bati nung babae saamin. Si Prince na ang nagsabi ng orders namin. Si Caleb at Prince lang ang nag shake dahil hindi daw sila mahilig sa milktea. "Ano... Dalawang winter melon flavor tapos isang brown sugar then isa ding oreo milktea." Nakangiting sabi ni Prince. "Pati po pala isang taro milk shake at chocolate chip shake." Of course kay Prince yung oreo milktea at kala Prince and Caleb yung shake. "Ok po, sugar Level po ng milktea?" Tanong nung babae. May pinipindot din siya sa screen. "Ha? Ah ano.... Opo." Sagot ni Prince na halatang hindi alam ang isasagot. I swear halos mamatay si Cassandra sa kakatawa niya. Sila Psalm, Caleb at Faye din ay natawa na. Pati ako siyempre! Sugar level, opo? The hell? "Puta napaka bobo mo talaga!" Asar ni Cassandra habang natawa padin. "Bobo mo pre." Sabat naman ni Psalm. Ang bad nila kay Prince pero first time niya ba? "So idiot my god!" Natatawa din si Faye. Hanggang dun ba naman ang arte niya? Yung tawa niya kasi hihihi sarap niya ipalit kay santa. So annoying! "Ay shala close kayo?" Ang kaninang natatawa na si Cassandra ay Naging mataray ulit. Lagi niyang binabara si Faye. Akala ko magiging parang school drama kami eh. Faye is the kontrabida of course then halos lahat ng nag-aaral sa school ay takot sakanya. Yun pala binabara nga lang siya ni Cassandra eh. "Boom barado." Sabat ulit ni Psalm. "Tanga banaman ni Prince." Bahagyang tinulak ni Caleb si Prince. "60% po lahat ate tapos yung brown sugar 50% lang." "Hey! Ako dapat ang dedecide!" That's my order! "Nope, matamis na ang brown sugar eh, baka sumakit ngipin mo." Pagbawal niya sakin at tumabi din siya sakin. "What? Eh nag tu-toothbrush naman ako mamaya eh!" Giit ko. How dare him decide for me?! Bakit ba kasi hindi nalang si Faye pinapakialaman niya?! "Sanaol." Sabat ni Cassandra. Naghanap kami ng uupuan namin. Dahil medyo maliit lang naman ang shop ay sa labas kami umupo. Isang maliit na pa square table lang iyon kaya naman kumuha pa kami ng isa para kasiya na kami. Bali anim na ang upuan namin. Magkakatabi sila Psalm, Caleb at prince. Saamin naman ay Cassandra ako at Faye. Si Psalm ang katapat ko dahil ayaw pumayag nung epal na yon hindi katapat si Caleb. Of course Cassandra and Prince. Is this a date? Well pwera samin ni Psalm. That's eww! "So is this a squad na ba? Omg! We should take a selfie." Kinuha nito ang cellphone niya at inopen ang camera. Nag start na siya mag bilang kaya ngumiti na kaming lahat sa camera. After that tinignan namin ang picture. Faye being so childish-- pero mukang matanda-- hindi ako sinama sa picture! Kalahati lang ng muka ko yung nasama! I hate her! "Ay bakit hindi kasama si ate? Ang panget mo mag picture parang ikaw." Simpleng pang aasar ni Psalm. "Anong ako?" Tanong ni Faye. Hindi niya nagets yung joke? Sabagay muka siyang joke. "Panget." Deretsahan na sagot ni Psalm. All of us laugh siyempre namula sa galit si Faye. Malamang napahiya eh. Tapos pati si Caleb ay tumawa. "You..!" Susugurin sana ni Faye si Psalm at handa na akong sabunutan si Faye pero nagsalita si Caleb. "Let's just take another picture." Nilabas niya ang phone niya at nag count na ulit. "Say cheese..." We all say cheese then tinignan namin ang kuha. Oh he's good. At kasali na ako sa picture kaya mas ok! "Pasa mo saken Dandreb i-popost ko. My Followers will surely love it!" Another pacute na sabi ni Faye. "Paris give me your phone. Ikaw na mag post." Caleb said. Agad na napahiya si Faye. I smiled sweetly. Ako nanaman ang winner! Kita din ang inis sa muka ni Faye. Nilabas ko ang phone ko nakita ko na sinend na ni Caleb yung picture namin. I open my i********: and post it. I also put a caption. @pretty_paris: Friends with @weird_Caleb @Psalmat @Fayery_castro @CassElana @itspence Perfect! Agad na nag comment at nag like ang nga Followers ko. Sila cass, Prince, Faye, Caleb, Psalm din ay nag comment. @weird_Caleb: beautiful A/N Thank you! Seeyah! Muwah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD