17: Kakaibang Galit BETTY "Okay ka lang ba?" bulong ni Manang Lorna. Nandito kami ngayon sa farm ng mga Buencamino. Nanonood lang kami sa mga bata habang nag e-enjoy sila sa pagpapakain ng mga kabayo. "Opo." "Mukhang masama ata ang pagkakabagsak mo sa banyo." Sinabi ko kasi kanina sa kaniya na nadulas ako sa banyo, napansin kasi siya na iika-ika akong maglakad. Hindi ko naman p'wedeng sabihin na binembang ako ng gagong hayop naming boss dahil sa perang hiram ko sa kaniya. Sa tuwing pumapasok talaga sa isipan ko ang nangyari — gusto ko na lang siyang ibaon ng buhay. "Kaya nga po. Ang sakit ng balakang ko," saad ko, nagkunwari pa ako na hawakan ang aking balakang. "Naku, baka napilayan ka. Mamaya hilutin na lang kita." Agad akong umiling. "Huwag na po, Manang. Okay lang naman po

